"Sabihin mo kung nasaan siya!" matapang ang boses ni Cecilia ang umalingawngaw sa silid habang nanatili na nakatutok ang baril sa leeg ni Agos. Hindi na nabigla ito dahil alam niya na ‘di malabo iyong gawin ng dalaga. "Ano sabihin mo?!" pilit siyang kumalma at pinakatitigan si Cecilia akmang magsasalita uli ito ng bigla niyang hilain ang dalaga papala.pit sa kanya. Mabilis niyang hinawakan ang baril para malayo sa kanya hanggang sa bumagsak sila sa papag na higaan. Nanlaki naman ang mata ni Cecilia dahil hindi makapaniwala na mabilis siya nakubabawan at nabawi ang baril sa kanya. "Easy honey," wika pa ni Agos habang nasa kamay na nito ang baril. Pilit naman na kumawala si Cecilia sa kanya "Ano ba, Agos!" "Saglit lang, ‘wag ka munang gagalaw," wika pa nito habang pinapaibabawan niya an