KABANATA 2: EL DESTELLO DEL AYER

2918 Words
"Ma'am, can you consider transferring me to my real course? Bawal na po ba talaga mag-shift? Hindi ho kasi ito ang in-enroll kong course, Ma'am." Ilang minuto ko nang kinakausap at pinipilit ang registrar ng school to transfer me but she keeps on saying na wala ng remaining slot sa BS Medical Science. "Ilang beses ko pa bang uulitin sa'yo na hindi na talaga pwede! Ubos na ang slot sa BSMS. Kung gusto mo mag-shift ng course, sa susunod na semester na," the registrar said in a high pitch. The anger and irritation are very evident on her reddish face. Some students are looking at us, and I am extremely embarrassed. Ka-bago bago ko pa lang sa Maynila at sa school na ito ay ganito na ang naranasan ko. Ugh! Anong kamalasan 'to. Personally speaking, I'm not happy with this course. Ano bang pakialam ko sa nakaraan, hindi naman na mababago 'yon. Besides, I didn't dream to be a history student... or a historian rather. We have to read hundreds of books and different studies, yet those histories will only remain on memories and letters. No changes, and alterations are awfully impossible kasi nga nangyari na 'yon. Traveling back in time to modify some of the bitter memories is a total illusion, for science hasn't approved it either. Evidence are still lacking to support this nonsensical science fiction. "How's your first day, Maya? Did you enjoy studying those problematic histories?", Enrique said in a concerned voice. We are now eating in a fast food chain near Intramuros. He decided to treat me for our dinner after taking me at some historical places here in Manila para naman daw ay sipagin ako sa course ko at mamangha sa ganda ng nakaraan. "Hmm, it's not that boring pero hindi rin naman ganoon kaganda. Some of our professors already started their lessons, while the other didn't attend the class. Mababait din naman mga blockmates ko. They also initiate chatting with me kaya medyo hindi naman ako na-out of place," I replied. After we had our dinner, napagdesisyunan ko nang dumiretso sa dorm ko. Nilamon na ako ng pagod sa isang araw ng pag-aaral sa course na hindi ko naman gusto, kaya pagkauwi ko ay nakatulog agad ako. When I'm walking through the alley of the school, nakatanggap ako ng tawag mula sa pinapasukan kong fast food chain. "Hello, this is Alicia, Human Resource Staff from Olive Chicken Korean Restaurant. Miss Maya Hermosa, according to our outlet manager on Moraita Branch, you could start working there on Monday. You have to be there on Friday for your orientation and to get your two sets of uniform," the staff said in a nice and calm voice. Maririnig mo ang pagiging professional niya sa kaniyang pananalita. "T-Thank you po, M-Ma'am Alic-cia." I'm trembling as if I am going to pass out anytime. Nangilid ang mga luha sa aking mata dahil sa wakas ay makapagpapadala na ako ng pera para sa pagpapagamot ni Papa Lolo. After that call, I called my Papa Lolo right away to tell him the good news. "Papa Lolo... natanggap na po ako sa trabaho. Makapagpapadala na po ako sayo...," I said while I'm in tears. I really missed my Lolo. Hindi ako sanay na mawalay nang matagal sa piling niya. He's my source of strength and my comfort every time I'm grieving. "Congrats, apo. Pero 'wag mo muna alalahanin ang ipapadala mo rito. May konti pa naman akong natitirang pera mula sa ipon natin. Ang unahin mo ay 'yung panggastos mo sa araw-araw, mahal daw mga bilihin diyan sa Maynila. Mag-ingat ka d'yan apo, ha? Hindi ka muna masasamahan ni Lolo diyan. Sige, ibababa ko na ito at baka may gagawin ka pa d'yan," he answered in a soft tone. Boses pa lang ng lolo ko, naiiyak na ako. I'm already longing for his presence. Hindi pa ako sanay mamuhay mag-isa rito dahil simula noong maging ulilang lubos ako ay siya na ang nasa tabi ko. After two months of studying history, I realized that being a history student is not that hard. It's somehow exciting, and intriguing at the same time. Most of my professors are really good in explaining the lessons, so I understand it very well. As in magaling, walang tapon. Little by little, I'm getting curious how the history took us in the situation we are now living in. Ano ang pinagdaanan ng Filipinas sa loob ng ilang libong taon. I'm very curious. On our discussion in Philippine History subject, I've encountered lots of heroes who died serving the country during the Spanish colonization. Some of them fell on the ruthless hands of the colonizers. Justice is just a fantasy and a full delusion. Meanwhile, there are also some traitors who finally turned their back from the country. Most of them could really amplify your anger, for they brought the Philippines in a pit of hell. Wala silang awa, kagaya rin sila ng mga walang habag na mananakop na ang gusto lamang ay kapangyarihan at karangalan. But the only one whom I resent, as well as my blockmates and some professors, was Juancho Gabriel y Valerio, a common Filipino who led the Spaniards in murdering the Katipuneros by exposing their hideout in Pinagrealan Cave located in Norzagaray, Bulacan. He made the Katipuneros taste the vengeful form of death-they were beheaded by the spears and shot until they ran out of breath. "Class, this was the picture of Juancho Gabriel y Valerio," our professor said while pointing his stick on the picture of the traitor. "Attached with this are the artifacts and some of his belongings while he was still living." Nakatitig lamang ako sa picture ni Juancho na nakadikit sa blackboard. In the back of my mind, iniisip ko kung paano niya nagawang traydurin ang Katipunan, maging ang bansang Filipinas. Was he after fame? After glory? I don't know, the only thing that I know is he was never been a good citizen of our country. He should experience the same agony that Katipunero's suffered. Ilang oras matapos ang aming klase sa asignaturang iyon ay naging usap-usapan si Juancho sa aming silid. "Grabe, wala siyang awa. Ang sama niya!" "Paano niya nasikmurang makita ang mga Katipunero na nagdurusa?" "Tao pa ba siya sa lagay na 'yon." Ilan lamang ito sa mga linya ng mga kaklase ko. Kinamumuhian din nila si Juancho, katulad ko. Habang nagkakagulo sila sa usapan nila, andito ako sa upuan ko at patuloy na iniisip ang mga kaganapan na nangyari noong mga panahong ipinagkanulo niya ang Filipinas. I started reading related studies about his life and experiences. Pilit kong inuusisa kung ano ang naging dahilan ng kaniyang pagtatraydor. Sigurado akong meron, at gusto kong malaman 'yon. Habang naglalakad ako papunta sa tarangkahan ng unibersidad upang sana ay umuwi na, ay biglang bumagsak ang malakas na buhos ng ulan. Tumakbo ako sa pinakamalapit na masisilungan upang hindi mabasa, ngunit nabasa pa rin ako ng iilang patak ng tubig. While I was waiting for the rain to stop crying, nakita ko si Enrique na pumasok sa loob ng school. I waved at him to draw his attention. I even shouted his name... and he finally saw me. Nakapayong siyang lumakad papalapit sa akin kaya malakas ang loob ko na makauuwi ako nang hindi nababasa. "Kanina ka pa ba naghihintay d'yan?" he asked me. "Basa ka na oh, bakit kasi hindi ka nagdala ng payong alam mo namang maulan ngayong buwan na 'to," he scolded me. Sasagutin ko na sana ang tanong ni Enrique nang biglang nag-ring ang phone ko. It was from an anonymous number. Nang sinagot ko ang tawag ay narinig ko ang isang pamilyar na boses. Si Tiya Loreta ba ito? Bakit naman siya napatawag? "Maya, ang Lolo mo..." Tiya Loreta said in a quivering voice. Umiiyak siya. "Bakit ho, Tiya? Ano pong nangyari kay Lolo?" Kinabahan ako bigla. Napansin din naman iyon ni Enrique kaya sumenyas siya upang tanungin kung sino itong tumatawag sa akin. "Ang Lolo mo... wala na. Wala na ang Lolo mo, Maya." Noong narinig ko ang mga sinabi ni Tiya Loreta ay biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Bigla akong napaupo sa kinatatayuan ko. Nanghihina ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Enrique immediately helped me to stand up and he asked me what was wrong. Hindi ko siya kayang sagutin, basta ang plano ko lang ngayong araw ay gusto kong umuwi ng Bulacan. Gusto ko makita at mayakap ang Lolo ko. In the middle of the rain, I ran. Tumakbo ako palabas ng unibersidad dahil gustong gusto ko makita si Papa Lolo. Basang-basa na ako pero wala akong pakialam. Ilang beses akong nadapa sa daan, nasugatan pa ang mga tuhod ko. Habang pinipilit kong tumayo ay biglang lumapit sa akin si Enrique at niyakap ako. Sobra na akong nanghihina. "Enrique... Si Papa Lolo... Patay na..." I whispered and started crying heavily. He even hugged me more tightly while we are soaked in the rain and keep on saying that it's okay. I think, this is the worst downfall I've experienced. Hindi ko na alam kung paano magsisimula ulit. Lahat iniwan na ako. Si Papa, si Mama, at ngayon naman si Lolo. Bago man lang siya binawian ng buhay ay wala ako sa tabi niya. Hindi ko rin nasabi kung gaano ko siya kamahal, at kung gaano ako nagpapasalamat na siya ang naging Papa Lolo ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong magalit sa Diyos, ngunit hinang hina ako. I decided to go back to Baliuag. I want to see the face of my Papa Lolo. Enrique also insisted me na sasama raw siya, but I disagreed. "Maya, sasamahan na kita umuwi ng Bulacan," pagpipilit na sabi ni Enrique. Ayaw ko mang pasamahin siya pauwi dahil baka maapektuhan ang pag-aaral niya ngunit wala naman akong magawa dahil hindi ko alam pauwi. Siya na lang din ang tanging masasandalan ko upang kayanin ang lahat. Nang makarating kami ni Enrique sa bahay, ay nakalagak na agad ang burol ni Papa Lolo. Ayon kay tita, sinagot na raw ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapalibing kay Papa Lolo dahil siya ay dating sundalo, kaya wala na raw kaming dapat intindihin sa mga gastusin. Tiya Loreta revealed that Papa Lolo died due to his condition-tuberculosis. Bakit ngayon ko lamang ito nalaman kung kailan huli na ang lahat? Kung kailan wala na siya... "Maya, bago pala namaalam ang lolo mo ay iniwanan ka niya ng sulat," Tiya Loreta said while pointing his hands on the table containing my grandfather's last message to me. Hindi ko na muna pinansin ang liham na iniwan sa akin ni Papa Lolo dahil gusto ko munang managhoy sa pagkawala niya. Gusto muna ilabas lahat ng sakit mula sa puso ko dahil lubha na akong nabibigatan. "Lo, ang daya mo naman. Iniwan mo rin ako tulad ni Mama at Papa. Akala ko ba sasamahan mo pa ako hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral ko. Ang aga mo naman umalis, paano na kita maipapagamot sa mamahaling ospital niyan. Bangon na Lo, gusto mo pa akong makitang nakasuot ng sablay diba? Sino na maghahatid sa akin niyan kapag grumaduate na ako?" Ibinuhos ko ang lahat ng natitirang luhang meron ako. Ito lang ang tanging alam ko to ease the torture of losing my only family, my only favorite person. Hindi ko na kayang ituloy ang mga sasabihin ko dahil napangunahan na ako ng emosyon ko. Sobra akong nasasaktan. Habang bumubuhos ang luha ko sa harap ng kabaong ni Lolo ay tinatapik-tapik naman ni Enrique ang likod ko to comfort me. I remembered those good memories when Lolo was still alive. Noong mga panahong siya ang sumasama sa akin kapag recognition namin sa school. Sa tuwing binibilhan niya ako ng ice cream sa bayan kapag birthday ko kahit wala kaming pera. Sobra akong nangungulila. After his burial, doon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob na basahin ang liham niya para sa akin. Before I read the message that Papa Lolo gave to me, I sighed deeply. Mahal kong Maya, Maya, sana maging maayos ka diyan sa Manila. Patawad dahil hindi ko sinabi na lumalala ang sakit ko kasi baka ika'y mag-alala. Ayaw kong maabala kita sa pag-aaral mo dahil alam kong busy ka sa school mo. Naalala mo pa ba 'yung mga ikinukwento kong istorya sa'yo noong bata ka pa? 'Yung inasabi kong mahiwagang vihuela na ipinamana pa sa akin ng aking lolo noong siya ay nabubuhay pa? Alam kong ayaw mo maniwala sa mga kwento ko noon pero sana kahit ngayon ay paniwalaan mo na ako. Gusto ko sanang tugtugin mo 'yung eternomaravillas na 'yon bilang pag-alala sa akin. Iyan na lamang ang huling kahilingan ko sa iyo. Gusto kong tugtugin mo ito sa kakahuyan malapit sa atin. Nga pala, nakatago ang vihuela na iyon sa may baul sa ilalim ng ating papag. Mahal na mahal kita, Apo. Sana lagi mo itong tandaan. Paalam na Apo, ito na ang huli kong mensahe sayo. Mag-ingat ka! Nagmamahal, Papa Lolo Habang binabasa ko ito ay hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Bakit ba huli na ang lahat? Ilang araw ko nang sinisisi ang sarili ko sa pagkamatay ng lolo ko, but Enrique keeps on proving me wrong. Sobra akong nakokonsensya dahil hindi ko naibigay 'yung pagmamahal na karapat-dapat niyang matanggap. Matapos kong basahin ang liham niya sa akin ay dali dali kong hinanap ang vihuela na itinuturo niya. Si Enrique ang kumuha ng baul sa ilalaim ng papag dahil hindi ko ito kayang buhatin. When I opened the chest, I saw a vintage wooden vihuela inside, wrapped by an old sepia cloth. Mahahalata mo sa hitsura ng vihuelang ito na ito ay ilang sentinaryo na. Ito ay ilang henerasyon nang pinagpasa-pasahan ng mga ninuno ni Papa Lolo. Noong makita ko ang instrumentong ito, naalala ko ang mga panahong ako ay masaya pang tumutugtog at lumilikha ng musika. Katulad ng hiniling ni Papa Lolo, I, together with Enrique, went to the woods. Pinili namin ni Enrique pumwesto doon malapit sa puno ng matandang balete. Hawak pa lamang ang vihuelang ito ay naiiyak na ako, paano pa kaya kapag itinugtog ko ito para sa Lolo ko. Mukhang hindi ko kakayanin... I'm doing this because this is what he wished me to do, to remember his death and not on the science fiction behind this instrument. Habang kinakalabit ko ang mga kwerdas ng vihuela, naaalala ko ang Lolo ko. Unti-unting tumutulo ang luha ko patungo sa aking pisngi. Nakapikit lamang ako habang dinarama ang magandang melodiyang lumalabas sa instrumentong tinutugtog ko. Sumasabay sa saliw ng musikang nililikha ko ang mga magigiliw na huni ng ibon at ang bayada na hangin. Sa kalagitnaan ng aking pagtugtog, biglang lumakas ang hampas ng hangin sa kakahuyan at may tumunog na parang nababasag na salamin. Dumilat ako upang tignan ang paligid ko, but when I opened my eyes, I saw the two old Kamagong trees near us creating a portal in between them. Am I daydreaming? It looks like a broken glass that has a color of pink, blue and violet combined together resulting to a beautiful gradient. It's very magical. I don't believe in fantasy and science fiction but this is too much realistic. "Enrique, nakikita mo rin ba ang nakikita ko?" I asked him without even looking at him. Nakatingin lamang ako sa dalawang matandang punong nasa harapan ko, manghang mangha. "Totoo ang sinasabi ng Lolo mo, Maya...," he said while still in awe, looking at the portal. Sa sobrang mangha ko ay gusto kong pumasok sa loob upang malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Papa Lolo na pwedeng pumunta sa nakaraan at hinaharap. Habang papalapit ako ay hinablot ni Enrique ang braso ko. "Anong gagawin mo, Maya? Huwag ka pumasok d'yan!". Hindi ko na siya pinansin at dali-daling tumakbo papasok ng portal. Hinabol niya ako upang pigilan, ngunit maging siya ay nakapasok na rin. Sa aming pagpasok, tila napunta kami sa ibang dimensyon. Sari-saring kulay ng kayumanggi ang nadaanan namin bago kami nakapasok sa kabilang lagusan. Nang kami ay makatawid na sa kabilang dulo ng lagusan, ibang-iba ang nakita namin. Lumang luma ang mga kabahayan. Walang mga sasakyan, puros calesa lamang ang gamit. At wala ring naglalakihang mga gusali. Napansin ko rin na ang mga kababaihan ay nakasuot ng baro't saya, samantalang ang mga kakalakihan naman ay naka-pantalon at naka-camise de chino. May iba ring naglalakad na mga banyagang may mga hawak na mahahabang baril at espada, at sila'y tila kinatatakutan ng karamihan. So, totoo pala talaga ang sinasabing time travel ni Papa Lolo? Pero... nasa anong taon ako? Panahon ba 'to ng World War 2? Kung oo, ayoko pang mamatay. Nang nakakita kami ng isang batang papalapit sa pinaroroonan namin, ay dali-dali na namin itong tinanong. "Pst, bata. Pwede ba kitang matanong? Anong araw at anong taon ngayon?" Enrique asked in a mild tone. "Ngayon po ay ika-sampung araw ng Setyembre, taong isang libo walong daan at siyamnapu't lima." Pagkatapos kami sagutin ng bata ay kumaripas na ito ng takbo papunta sa kaniyang ina. Ano? Nasa 1895 kami? Hindi ba't ito ang taon bago ang panahon ng rebolusyonaryong Filipino? Ibig sabihin... maraming Kastila ang umaaligid ngayon at tayo ay nasa pamamahala pa ng bansang Espaniya? "Ang hinagpis ang magbubukas ng bagong pintuan patungo sa tunay na kasiyahan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD