bc

The Wicked Angel (Tagalog Version)

book_age18+
1.4K
FOLLOW
6.1K
READ
revenge
others
opposites attract
second chance
bitch
independent
sweet
straight
realistic earth
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Maamo ang mukha na nababagay lamang sa pangalan niya---Angel.

Ngunit sa kabila ng mala-anghel nitong itsura ay nagtatago naman sa kalooban niya ang halimaw na bunga ng kanyang nakaraan.

May magmamahal kaya sa kanya sa kabila ng magaspang niyang pag-uugali?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Favorite singer
Angel’s POV Ito ay isa na namang kapanapanabik na araw para sa akin, pumasok ako sa loob ng Court room. Mayroon nang ilang mga tao na nakaupo at naghihintay para magsimula ang paglilitis, kasama ko ang aking kliyente na isang dalagita—biktima ng panggagahasa, kasama ang kanyang mga magulang. Mukha siyang nababagabag at hindi mapalagay. Ngayon ang araw ng pagpapasya sa magiging hatol sa umabuso sa kanya, kung makululong ba ito o hindi—na sa tingin ko ay dahilan kung bakit ganoon ang kaniyang kinikilos. Umupo ako sa tabi niya at tinapik ang balikat niya, “Hey. Stop acting that way, that is only for losers, we will win this case,” Medyo mayabang kong sabi. I may be harsh when I said it, but geez! She needs those words for her not to be weak. I just don't know how to say it nicer. Hindi ko alam kung paano maging mabait kahit katiting man lang. Wala siyang karapatang maging mahina dahil mas lalo lang siyang aabusuhin. Tumango siya at pilit inayos ang sarili. Mayamaya pa ay dumating na rin ang akusado kasama ang kanyang abogado na naging sanhi ng kaguluhan sa mga taong naroon. Kinokondena nila ito. Tinitigan ko siya ng puno ng pagkasuklam at panunuya — kinamumuhian ko talaga ang mga taong tulad niya! No one deserves to be abused, especially the young girls. Those rapists deserve to die without mercy. Kung ligal lang sana ang parusang kamatayan sa bansang ito, mas mabuti at nang hindi na magtangka pang gumawa ng kahayupan ang mga hinayupak na mga kagaya niyan! Bago pa tuluyang kumawala ang pagkainis ko ay inihanda ko na ang aking sarili. Uhaw na uhaw na akong marinig ang magandang balita sa araw na ito. Sigurado naman akong ako na naman ang panalo ngayon. Sa wakas ay dumating na rin ang Judge. It's showtime! Inutusan kami ng hukom na tumayo upang pormal na buksan ang paglilitis. “Call the case,” utos niya. “Criminal case no. 7412, People of the Philippines Versus Gareth Cruz,” pagsisimula ng mambabasa. “Appearances,” Pagtutukoy ng Judge sa aming mga Abugado. Tumayo ako ng medyo mayabang ang tindig at nagpakilala. “For the private Prosecution, Attorney Angel Imperial.” Ang Abogado naman ng akusado ay tumayo rin at nagpakilala. Pagkatapos, sinimulang basahin ng mambabasa ang pangwakas na desisyon ng Hukom. They were holding their breathes except for me. Nakataas noo pa ako at naka chin up. Confident kasi ako na mananalo kami. At sa wakas, ang pinakahihintay na sandali ay dumating na. “Natagpuan ng korte na ito ang akusado na si Gareth Cruz, nagkasala na lampas sa makatuwirang pagdududa at binigyan ng sentensya ng habang buhay na pagkakakulong…” Hindi ko na narinig ang iba pang pinagsasabi ng mambabasa, pero malinaw sa akin na ang akusado ay napatunayang nagkasala at nangangahulugan iyon ng isang tagumpay muli para sa akin — gano'n naman ang sa tingin ko ay nararapat. Walang sinuman ang puwedeng tumalo sa akin, because I am the best Lawyer for this case. At hindi ako magpapatalo kahit kanino! Kahit sa pinakamayamang demonyo dito sa mundo. Lahat ng nasa courtroom ay tila nagsasaya. Tumayo silang lahat, ang dalagita at ang kanyang mga magulang ay masayang lumuluha matapos makuha ang hustisya na nais nila. Samantala, nanatili naman akong nakaupo na nakangiti ng sarkastiko. Sinundan ko ng tingin ang akusado habang kasama niya ang pulisya na papalabas sa silid. Tiyak na papunta na siya sa kulungan ngayon. Goodbye Bastard! Tumayo ako at lumabas na rin sa silid. Pumunta ako sa washroom para mag re-touch ng make-up — Pumasok ako sa ladies room, sinara ko ang pinto at humarap sa salamin. Doon ay masaya kong pinagmasdan ang maganda kong mukha. Inabot ako ng halos limang minuto sa pag-re-retouch, habang ang mga tao naman mula sa labas ay nagsimula nang kumatok sa pintuan — Maghintay kayo hanggang sa pumutok mga pantog niyo. Bitches! Napatawa ako. Pagkatapos, lumabas ako at nakita ko ang mga babaeng naghihintay, medyo mahaba na ang pila, nakakatawa. Hinawi ko lang ang buhok ko at dinaanan ang mga ito habang nakataas ang mga kilay na para bang gusto akong patayin. Well, sorry not sorry! Tinawagan ko ang driver ko na pumunta sa parking lot. Her name is Mina, isang babaeng kasing edad ko lang. Mas gusto kong babae ang driver ko para sa isang simpleng dahilan na, wala akong tiwala sa mga kalalakihan. Period! Nasa lobby ako at naglalakad na papunta sa parking lot pero marami talagang mga kamalasan sa buhay ang nangyayari ng hindi mo inaasahan. Like bumping into a person you wish you'll never see again. No other than—my Mom! “Congratulations, I am proud of you,” Anito habang ngumingiti nang matamis. Suminghap ako at ngumiti nang malamlam. Nilagpasan ko lamang siya na hindi man lang nagsasalita. Wala akong pakialam if she is being nice. To me she is a fake, at ayoko na siyang makita. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa parking lot at sa wakas ay naabot ko ang kotse ko kung saan naghihintay si Mina. Agad akong sumakay sa backseat at at itinapon ko ang sarili sa malambot na upuan. “Uuwi ka na po ba ma'am?” tanong niya. Alas singko na ng hapon at nagsimula nang kainin ng madilim na ulap ang kalangitan. “Just drive,” tugon ko. Binuksan ni Mina ang stereo ng kotse at nagsimulang tumugtog ng isang kanta. Ang tanging kantang gusto kong pakinggan at hindi ko magawang pagsawaan. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinimulang lasapin ang sandali, nagsimulang bumuhos ang ulan na nakisama sa pag e-emo ko. Napatingin ako sa mga patak ng ulan na humahalik sa salamin ng bintana ng sasakyan ko, habang pinapakinggan ang mala-anghel na boses na kumakanta sa stereo. Naglibot lang kami sa buong city ng halos dalawang oras at sa wakas ay nakaramdam din ako ng gutom. Dumaan kami sa isang masarap at mamahaling restaurant, kumain kami ni Mina na may magkahiwalay na lamesa. Ayoko lang talagang may ka-share sa table kapag kumakain, nawawalan ako ng gana. I am used to being alone, at gusto kong mapag-isa habang buhay. Pagkatapos kumain, bigla kong naramdaman ang pagnanasa na pumunta sa isang bar at uminom. “Let's go! Dalhin mo ako sa isang bar sa kung saan,” utos ko kay Mina. Sa kabila ng kanyang hindi natapos na pagkain, tumayo siya at tumungo sa sasakyan. Gano'n siya ka dedicated sa trabaho niya. Nakarating na nga kami sa isang bar. Ang sikip at ang ingay, Lahat nagsasaya at nagpapakalunod sa alak. Pumunta kami sa bar counter at nagsimula nang umorder ng inumin. “Give me champagne,” Utos ko sa bar tender at binigyan ako nito kaagad. Sinimulan kong uminom na halos lagukin ko lahat ng laman ng baso. Habang abala ako sa pag-inom bigla namam akong sinundot ni Mina. “Ma'am.” Aba! ang lakas ng loob mong sundutin ako, biatch! “Ano?” Inis kong sabi, bumaling ako sa kanya na naaasar ang mukha. “Hindi ba siya po iyong favorite singer niyo?” Tanong nito na itinuturo ang daliri sa isang lalaking naglalakad mula sa entrance. “Favorite singer who?” Sabi ko habang nakataas ang kilay. “Iyong kumanta ng pinapatugtog niyo lagi sa kotse,” muli niyang sabi. Muli kong tinitigan ang lalaki at agad namang rumehistro ang kanyang mukha sa mga mata at isip ko. He looked like an angel who came from above, his wavy clean cut hair was gorgeously black. He was smiling along with the guys he is with and it made his narrow shaped eyelids hide his brown eyes. His small nose and his sweet unique arch of smile was fascina—cut off your fantasies bruha! “Shut up, 'di ko siya favorite,” protesta ko. Eh sa hindi naman talaga, gusto ko lang marinig ang kanta niya—hindi siya no! Malinaw tayo do'n. Siya iyon. Ang may-ari ng boses na kumakanta ng mala-anghel na kanta sa stereo ng kotse ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
480.6K
bc

The Sexiest Man Alive (Completed)

read
62.1K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
588.0K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Run, Girl, Run

read
32.7K
bc

TEARS OF LOVE: Amy's Endeavor

read
8.5K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook