Dumating ang Sabado at di nagparamdam si Prince. Sabi nya ay kakausapin nya si mommy pero wala naman sya. Naduwag na ba sya? O baka naman hindi nya na ako mahihintay pa hanggang sa matapos ang college ko.
I'm calling and texting him pero walang sagot. Nagpunta rin ako sa bahay niya pero wala sya doon.
Nagpasya na nga rin si mommy na sa bahay niya ako tumira kasama si Ivan at makakasama ko na rin si lola.
Hwag na muna daw akong magtrabaho sa ampunan at magfocus sa pag aaral.
Sumama ka sa akin sa Sabado at may aatenan tayong party.
Sige po mommy. Sagot ko nman agad
Di na namin napag usapan ang tungkol kay Prince. Mag dadalawang linggo na itong di nagpapakita. Nag-aalala ako pero hindi ko alam kung paano sya hahanapin.
Anong nangyari sa nobyo mo?
Di ko alam lola. Di ko nakikita at nakakakusap.
Wala naman sanang mangyaring masama sa kanya.
Wala naman po siguro. Baka may inaayos lang na negosyo nya. Pero sa totoo ay nag-aalala na ako sa lalaking iyon at naiinis rin dahil matapos ang lahat ay di magpaparamdam.
I was in mini light blue dress at naka high heels. Si Ivan nakapolo at slacks. Kahit naiirita ay wala syang magawa. Sabi ko di sya papapasukin sa party at di makakakain ng mga desserts kaya tiis lang sa suot nito.
Mom was in long gown. Sexy pa rin. Nasa late 30's pa lang naman sya dahil maaga ring nabuntis. She looks stunning. Parang reyna ng gabing iyon. Sya talaga ang pinaka maganda.
Belle, siya si Tito Henry mo. My business partner.
Hello po. Bati ko sa lalaking pinakilala ni mommy
Ang ganda ng anak mo Anabelle
Syempre mana sa mommy. Natatawang saad ni mommy
Buti hindi sa. Natigilan ito. Anyway upo na kayo at magssisimula na. Get ready Belle. Sabi ng lalaki kay mommy. Ito tawag niya kay mommy. Belle din pala ang nickname ni mommy gaya ko.
Mamaya ipapakilala kita.
Ha? Bakit naman po. Kinabahan ako sa sinabing iyon ng aking ina.
Kasi I’m proud of you. Mabait, matalino at maganda.
Kaso may anak na. Nag-aalalang saad ko.
Ano ka ba? Mabuti yun para walang manligaw sayo.
Mommy talaga.
And that Prince. Forget him. May ipapakilala ako sayo na mas bagay sayo. Mas lalong kumaba ang dibdib ko sa sinabing iyon ng aking ina.
Mommy.
Natapos ang usapan namin dahil tinawag si mommy ng ilan niyang kakilala.
Si ivan umiingit at gusto nang magcake. Kumuha na ako para matigil na sya sa pangungulit.
Pagkakuha ay natuon ang pansin ko sa mga parating na bisita. Dala ko ang platito ng cake ng makita ang isang kakilalang lalaki. May babaeng nakaangkla sa kanyang braso. Mabiti at medyo maayos ang porma niya. Napasimangot ako at napaismid.
Di ko akalaing makikita si Big Boss sa okasyon na iyon. Di nya ako napansin at di na marahil makikilala pa. Saglit lang naman ankong tumira sa hideout nila.
Mas nagulat ako sa kasunod niya. Si Prince na may kasama ring ibang babae. Lalo akong napasimangot.
Nainis ako. Nagseselos at bakit may iba syang kasama. Kagaya ni Big boss di rin ako napansin nito. Dumaan sila sa harap ko at dahil may iba pang tao, nagdiretso lang sila sa mesa nila.
Paano kung magkita sila ni Ivan?
Pagbalik ko sa upuan ay mabuting busy si Ivan sa phone ko at di napansin ang dumating na lalaki. Ang walanghiya niyang ama.
Kain ka muna anak. Sabay abot ko ng cake
Thank you mommy. Habang nanonood at kumain ng cake ang bata.
Ako naman ay walang magawa dahil nasa kanya ang phone ko. Susulyapan ko lang sana saglit ang lalaki pero nakita kong nakatingin din ito sa akin. Inirapan ko sya at tinanggal na ang tingin sa lalaking kinaiinisan. Buhay pa pala sya at di man lang nagpaparamdam ng ilang linggo.
Di ko alam anong nangyayari. He even kidnap me para pumayag akong maging kami pero ngayon may iba na sya. Malamang nabola nanaman ako. Nadaan sa magagandang salita at nahumaling nanaman sa gwapo niyang mukha.
Napapaiyak ako pero pinipigilan ko. Ang sakit. Sobrang sakit na makitang may kasama syang iba. Ang kapal ng mukha.
Sakto naman na si mommy ay pinaakyat sa stage.
Di ko alam. CEO pala sya ng kumpanyang may paparty. Sila ni Tito Henry ang nasa stage. Nagpapasalamat sa mga bisita saka ko narinig ang pangalan ko.
Pinapaakyat ako nito sa stage.
Im proud to introduce to you my one and only daughter. Isabelle Madrigal with her son my apo Ivan Madrigal. Hindi alam ng lahat na may anak ako sa pagkadalaga. I was very young then ng mainlove but unfortunately, her father left us but I am very grateful to have her. Matagal kaming nawalay sa isa't isa dahil sa mga banta sa mga kalaban sa negosyo pero all is well now at masaya na kami.
I love you anak, i love you my apo. Sabay kaming hinalikan ni mommy pag-akyat namin sa stage. Di ko alam kung magkakahint ba si Prince na totoong anak ko si Ivan. I dont want to look to his face and i dont want to see his reaction.
Nanatali kami sa stage. May ilan pang sinabi si mommy at si tito sa mga tao. Pababa na sana kami nang nakita ko si Big boss na nakaabang sa amin. Babatiin nya ba si mommy? Bakit kaya narito sila?
Ana, tawag nito kay mommy. Magkakilala ba sila?
Oh you're here pala with your bodyguard. Saad ni mommy. Mafia boss ba si mommy?
Magusap tayo ana. Saad ni Big boss. Parang may pag-uusapan silang mahalaga.
Nagtataka ako sa pag uusap nila. May something ba sila? Lumakad papalayo si mommy at sinundan sya ni bigboss.
Susunod sana ako pero si Ivan, tinawag si Prince. Kinarga nita ang bata at hinawakan ang pulsuhan ko.
Belle, mag usap tayo.
Talagang mag uusap tayong hayop ka. Di ko mapigilan ang inis sa kanya.
Mag eexplain ako.
Nag aalburoto ang dibdib ko at parang sasabog sa galit dahil di sya nagpapakita ng matagal at sa selos dahil sa may kasama syang ibang babae.
Sinama sila ni bigboss at wala akong magawa.
Ahh talaga ha. Eh yung di mo pagpaparamdam? Balewala na ako sayo?
Sorry. May iniisip lang ako at naging busy na rin. Sorry talaga.
Sabi mo magpapakilala ka kay mommy. Anong nangyari? Naduwg ka? Kumpronta ko sa kanya.
Nakausap ko na sya
Ha? Kelan? Gulat na tanong ko. Bakit di ko alam?
Bago yung araw na dapat na kakausapin ko sya.
Tapos? Anong nangyari? Usisa ko sa lalaki.
Sabi nya di nya ako matatanggap. Di daw sya papayag sa relasyon natin.
Bakit? Nag-iba ang emosyon ko. From galit ay nagtataka at nasasaktan.
Alam nya na ang lahat. My past. Di nya gusto ang nakaraan ko. Di daw ako makakabuti para sayo.
Naguluhan ako. Bakit naman tutol si mommmy kung alam niyang si Prince ang tatay ni Ivan?
Tatanggapin mo na lang na ayaw nya sayo? Wala kang gagawin para magustuhan ka? Kaya di ka na nagparamam? Nakadama ako ulit ng inis. Hindi nya ba ipoprove ang sarili nya na nagbago na sya.
Nag-iisip pa ako kung paano ko sya makukumbinsi. Maniwala ka, gagawa ako ng paraan.
Iniwan ko muna ang mag-ama. I looked for my mom at nais ko itong makausap. Nakita ko sya sa labas na kayakap si Big boss. Dati bang mafia rin si mommy? Pero hindi naman mukhang nasa illegal sya.
Pero marahas na tinulak ni mommy ang lalaki. Nagtatalo sila at di ko marinig.