1

1330 Words
WARNING: READ AT YOUR OWN RISK. UNEDITED AND FREE. HAPPY READING EVERYONE. Hindi pa ako handang maging ama. Anong magiging kinabukasan ng bata? Mga bata pa tayo at isa pa magagalit si Big Boss. Palalayasin nya tayong dalawa. Anong gagawin ko ngayon? Ang sabi mo mahal mo ako. Mahal kita pero paano tayo kung tanggalin na ako sa grupo. Anong ipapakain ko sayo? Paano ang bata, Prince? Paano ako? Hindi ko alam? Bakit hindi ka kasi umiinom ng pills? Ayoko. May side effects daw yun. Natatakot ako. Wala na tayong magagawa kundi ipalaglag ang bata. Habang maaga pa. Hindi pwede. Ayokong pumatay. Maawa ka naman. Wala ka bang kunsensya? Hindi ka papatay. Aalisin lang sya. Dugo pa lang yan. Natatakot ako,prince. Wala nang ibang paraan at ayokong mapalayas dito. Isipin mo ang kapakanan nating dalawa at kapag nakaipon na ako ng medyo malaki baka sakaling pwede na tayong bumuo ng pamilya pero sa ngayon hwag muna. Hindi pa pwede, Belle. Sarili mo lang ang iniisip mo. Nagtiwala ako sayo at akala ko ikaw ang bahala sa akin. Sabi mo aalagaan mo ako pero ano ‘to? Ang ikama lang ako ang importante sayo,” galit na saad ko sa lalaki. Umalis ako sa aming kwarto at pumunta na lang sa kusina. Ayoko nang makipagtalo pa sa lalaking iresponsable at di kayang panagutan ang batang dinadala ko. Naiinis ako sa kanya dahil akala ko noon ay mapagkakatiwalaan siya at aalagaan ako. Anong tanghalian? Nagulat ako nang may biglang magsalita sa aking likuran Magluluto pa lang po ako boss. Ok bilisan mo. Gutom na ako. Opo. Umalis na rin agad ang boss namin at nag-umpisa na akong maghanda ng lulutuin. Nakakatakot sya at napaka istrikto. Kahit isang bes ay di ko ito nakitang ngumiti. Marami syang ayaw at pinagbabawal sa samahan. Pilit kong inaalis sa isip ko ang problemang kinahaharap. Naramdaman kong mag-isa lang ako ng mga oras na yun. Ang lalaking tanging akala ko ay kakampi ko ay di ako magawang ipaglaban. Ayokong pagsisihan ang magiging desisyon ko. Labing anim na taong gulang pa lang ako at gulong-gulo ang isip ko. Sa gulang kong ito ay di ko pa kayang magdesisyon sa aking sarili. Noon ay kasama ko lagi ang aking lola pero mula nang magkahiwalay kami at natagpuan ako ni Prince ay sa kanya ko na pinagkatiwala ang buhay ko. Naramdaman ko kasing aalagaan niya ako at totoo namang inaalagaan niya ako. Kapalit naman noon ay ang pagbigyan siya sa mga kahilingan niya. At ito na nga ang naging bunga ng mga kahilingan niya, nabuntis ako ng maaga. Ako ay sixteen at sya naman ay nineteen pa lamang. Isang gangster ang amo niya at minsan ay sumasama siya sa mga transaksiyon nito. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni Big boss. Masunurin kasi sya kaya paborito siya. Ngunit ang ayaw nito ay ang responsibilidad gaya ng kinahaharap ko ngayon. Ayaw nilang pareho sa batang dinadala ko. Ayaw ni Prince dahil paniguradong ayaw rin ni Boss. Pagkaluto ay naghain na kami agad ni Ate Judy. Isa rin siyang kasintahan ng mga tauhan ni Boss. Walang mauwian kaya’t nandito rin siya sa hideout at magkatuwang kami sa pagluluto. Ito ang trabaho naming dalawa. Magkatabi pa kami ni Prince na kumain na parang walang pinagdadaanang problema. Wala naman kaming imikan at nagpatuloy lang sa pagkain. Pagkatapos ay nag-alisan na ang mga lalaking tauhan ni Boss at kami na lang ni Ate judy ang natira sa kusina. Ate, anong gagawin mo kapag nabuntis ka? Ha? Bakit mo naman naitanong? Kasi ayaw ni Big boss ng bata dito di ba. Hindi ako mabubuntis dahil nagpipills ako. Bakit? Ahh wala naman. Hwag mong sabihin natigilan siya sa pagsasalita at nagkatinginan kami. Buntis ka? Pabulong na saad nito. Bakit di kayo nag-ingat? Alam nyo bang mapapalayas kayo dito? Si Prince kasi ayaw gumamit ng proteksyon tapos ako ayaw ko namang uminom. May side effect daw kasi yun. Paliwanag ko kay ate. Syempre may side effect. ang epekto, hindi ka mabubuntis. Gaga ka. Anong gagawin mo nbgayon? Alam na ni prince? Anong sabi? sunod sunod niyang tanong. Ipalaglag daw. Pumayag ka? Hindi pa. Hindi ko alam Hindi pa? Ibig sabihn iniisip mo rin na gawin yun? Kayong dalawa. Pumunta kayo sa palengke mamaya. May ipabibili daw si Boss. Sabi ng isang tauhan at naputol ang aming pag-uusap. Nagpatuloy kami sa paghuhugas ng mga pinaglutuan at pinagkainan. Pagkatapos ay naligo na kami para sa pag-alis papuntang bayan. Nagbibihis ako sa kwarto ng pumasok si Prince. Bell,” tawag nito sa akin sabay abot ng papel. Puntahan mo yan. Makakatulong yan sayo. Pangalan ng tao ang nakasulat at ang adress nito. Pero teka, makakatulong sa akin? Ako lang ba ang may problema at sya, wala ba syang responsibilidad dito sa ginawa iya? Pagkabasa ko ay inilagay ko lang sa aking bulsa ang papel. Tinitigan koo sya ng masama saka ko sya inirapan. Lumabas na ako ng kwarto at lumabas na rin ng bahay na kulang na lang ay isang anay para magiba ito. Nakita kong naghihintay na si Ate Judy. Naglakad na kami palabas ng liblib na lugar na iyon saka tinungo ang kalsadas para sumakay ng jeep. Namili kami ng mga kailangan ni Boss at ng mga tauhan niya. Mga lulutuing ulam at kung anu-ano pa. Iniabot ko naman kay Ate ang papel na ibinigay sa akin ni Prince. Sino to? Nanay mo? Hindi ko alam. Makakatulong daw yan sa akin. Dahil may oras pa naman at pinuntahan namin ni Ate ang address. Sa pagtatanong tanong namin ay masama na ang tingin sa amin ng mga taong napagtatanungan namin. Hindi ko alam kung bakit. Sino kaya ang taong ito na nakasulata ng pangalan sa papel. Di pa man kami kumakatok ay bumukas na ang pinto at isang babae ang humila sa amin papasok. Sino ba sa inyong dalawa? Tanong ng babae. Ikaw ba nene? Yanong nioto sa akin. Ang alin po ba? May nagbiyag lang po sa akin ng papel at ang sabi ay makakatulong kayo sa akin. So, ikaw na nga siguro ang buntis. Ilang buwan na ba? Po? Paano nyo nalaman na buntis ako? Isang buwan pa lang po. Madali lang yan? Dugo pa lang yan at isipin mong hindi pa sya buhay. Halika pasok ka na sa room? Teka. Ichecheck up nyo po ba ang baby? Pagtataka ko pero sa palagay ko ay nais ni prince na alamin ko ang kalagayan ng bata. Tatanggalin natin kung gusto mo. Ano? Aalisin ang bata? Mamamatay sya? Napatingin ako kay ate. Si ate naman ay nakaupo lang sa silya at napatitig din sa akin. Pumasok ka na at hindi naman ito masakit. Wala kang mararamdaman. Agad tumayo si Ate at hinila ang kamay ko palabas ng kwartong iyon. Agad ko namang nahablot ang mga pinamili naming mga nasa bag. Ate teka. Nakakaladkad na kasi ako sa pagtakbo namin. Sira ulong lalaki yang prince na yan. Gago talaga. Galit na saad ni ate judy Napahinto kami ng medyo malayo na kami sa lugar na yun. Di ko akalain na seryoso sya sa pagpapalaglag sa anak namin, napaluha ako at pati na rin si Ate. Anong klase siyang tao at anong klase siyang ama? Ang sama niya. Eto oh, inabutan ako ni ate ng mga pera. Tig-iisang dan sikwenta at mga barya. Kulang yan pero pwede na yang pamasahe pauwi sa inyo. Barko ang sinakyan namin ni Lola papunta dito sa Maynila. Sabi ko sa kanya Hindi ko alam paano kita matutulungan pero ang tanging alam ko ay dapat lumayo ka na kay prince. Pumunta ka ng simbahan o kaya ay sa pulis. Baka matulungan ka nila. Sige ate, salamat. Nagyakap kami ng mahigpit. Desidido na rin akong lumayo sa lalaking puro lang pala pangako ang ibinigay sa akin. “Pagsisisihan niya balang araw itong desisyon niya at paki sabi na lang sa kanya na wala na ang bata.” Ano? Babalik ka doon sa naglalaglag ng bata? Hindi. Ako nanag bahala dito. Bubuhayin ko ito. Mag-ingat ka bell. Ikaw din ate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD