Chakuriko Mairo POV...
Masaya ako kasi pumayag si Manang na utang muna yun. Di naman ako mahilig mangutang for the first time and forever!
Tutulungan ko nalang si Manang dito sa kalenderya pinahiram din nila ako ng damit.
"Ate pwede bang saakin na tong uniform mo. Matagal ko ng gustong isuot tung damit na ito." Sabi nung batang babae.
Napangito ako at tumango mukhang kumikislap ang mga mata niya na tumingin saakin.
"Salamat ate!" Sabi nung bata at niyakap ako.
"Anak... wag ang mahal niyan narinig ko ang isang uniform ng university na yun ay 10k." Sabi ni manang.
"Ah okey lang po. Marami naman po akong uniform sa amin." Sabi ko. Napangiti siya.
"Salamat iha." Sabi nung babae.
"Wala po. Gamit lang po yan di mababayaran ang kasayahan ng isang bata." Sabi ko. Lumapit ako sa batang babae..
Sinout naman niya ang uniform.
"Wow kasya sayo." Sabi ko. NapangitI naman siya.
"Balang araw mag aaral ako doon." Sabi niya. Napangiti ako at pinat siya sa ulo.
"Your wish is my Command." Sabi ko. Nanlaki ang mata niya.
"Po?" Sabi niya.
"Diba gusto mong mag aral dun." Sabi ko tumango naman siya.
"Ako na ang bahala sa pag aaral mo doon." Sabi ko. Napaiyak ang batang babae at niyakap ako.
"Salamat ate!" Sabi nung bata.
"Salamat iha. Yan kasi ang pangarap niya simula nung bata pa siya." Sabi nung babae.
Napangiti ako. At umalis na si manang.
"Matagal mo na palang gustong pumasok sa Skwelahan ko?" Sabi ko.
"Eh? Ano pong ibig niyong sabihin sayo po ba yun?" Sabi nung bata. Tumango ako at nagsign na silent lang siya.
Napanganga naman siya.
"Alam mo dalawa kami nagmamay ari ng school na yan at yun ang kambal ko." Kwento ko sa kanya.
"Wow siguro gwapo siya maganda ka po eh." Sabi niya. Napangiti ako at tumango ako.
"Oo gwapo siya pero kabaligtaran ang ugali niya sa ugali ko." Sabi ko.
"Masungit po ba?" Sabi niya. Tumango ako.
"Pero mabait yun." Sabi ko.
" At ayaw niya sa lahat ang masaktan ako. I'm sure na kukunin niya ako dito. Hahanapin niya ako at makikita mo siya." Sabi ko ulit.
"Ang galing gusto ko ng kuyang ganyan." Sabi niya.
"Tayo na matulog na tayo." Sabi ko at natulog na kami.
Kinabukasan....
Ako ang naghatid kay Stella doon stella ang pangalan ng batang kasama ko.
"Ate, pasensya na ka sa school ko." Sabi niya.
"Maganda naman ha. Hmmm may kulang?" Sabi ko.
Kulang lang naman ng pintura.
"Wow ang ganda! Sino siya stella?" Tanong nung kaklase niya.
"Walking barbie!" Sabi naman nung isa
"Ate ko siya." Sabi ni stella.
"Mukhang di naman." Sabi nung isang babae.
"Oh sige stella kailangan ko ng umuwi. Tutulong ako sa mama mo doon sa kalenderya." Sabi ko. Tumango naman siya.
"Bye! Ate!" Sabi ni stella.
Nagbye naman ako.
Naglalakad ako sa daan ng may sasakyang huminto sa gilid ko.
"Kumusta binibini." Sabi ng isang boses.
Napatingin naman ako sa gilid ko. Eh?
"Para hindi ka mapagod sumakay ka sa sasakyan ko." Sabi niya.
"Wag na okey lang ako." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
Pero sinuaundan padin ako.
"Bakit?" Inis kong sabi.
"Sumama ka na saakin." Sabi nung makulit na lalaking ito.
"Oo na." Sabi ko sabay sakay sa kotse niya.
"Ako nga pala si Larry and you are?" Sabi niya.
"Mei." Sabi ko.
"Oh mei... saan ka galing ngayon lang kita nakita dito." Sabi niya. Obvious namang ngayon lang niya ako nakita.
"Sa malayong lugar na hindi ka dun nakatira." Sabi ko.
"Ang sungit mo naman... nakikipag kaibigan lang eh." Sabi niya.
"Bababa nako jan." Sabi ko sabay turo sa harapan ng kalenderya ni manang.
Hininto naman niya. Bumaba naman ako at nagpasalamat sa kanya.
"Wala yun. Pwede nga parate na kitang hatid sundo." Sabi niya.
"Tsk. Oo na lumayas ka na." Sabi ko.
"Ouch ha. Masakit yun." Sabi niya natatawa ako sa reaksyon niya.
Mukhang nalapit ang loob ko sa kanya.
Pumasok nako ng makita ko ang mga mukha ng mga babae.
"Nakita niyo ba yun? Ngumiti si Master Larry?" Biglang sabi nung babae.
"Oo kita ko yun.... at ang gwapo niya!!" Sabi nung isa.
Di ko nalang sila pinansin at pumasok nako sa loob.
Tinulungan ko si Manang sa mga gawain dito sa kalenderya at naging close na din kami nung Larry dito kasi siya kumakain kahit di niya ginagawa noon at para daw makita ako. Napaclose nadin ako sa mga mamamayan dito.
Isang araw naglalaro kami ni Stella ng habol habulan at kasama ang mga kaibigan nila.
Masaya kaming naglalaro ng....
Napahinto kami ng may dumating na limang Black Car na familyar saakin at yun ang mga sasakyan namin.
At lumabas dun ang isang gwapong lalaking nag aalalang tumingin saakin.
Napaiyak naman ako nandito na siya! Ang kambal ko!
"ate sino sila? At may prinsipe!" Tanong nila stella.
"Siya ang sinasabi kong kambal ko." Sabi ko. Nanlaki ang mga mata nila.
"Kambal!" Sabay nilang sabi.
Tumakbo siya at niyakap ako.
"Princess, mabuti ligtas ka!" Sabi niya habang niyayakap ako.
"Den, namiss din kita." Sabi ko.
Humiwalay ako ng yakap at pinakilala ko ang aking mga kaibigan dito sa bayan. At ayun ang daming nahulog na patibong sa charms ng kambal ko.
"Manang ito po pala ang kambal ko siya si Raiden Satoshi." Sabi ko kay manang.
"Kinagagalak kitang makilala iho. Magaganda talaga ang lahi niyo iha." Sabi ni manang. Napangiti nalang ako.
"Ah! Muntik ko ng makalimutan." bigla kong sabi napangiti ako kay Den.
"I know that face of yours." Sabi niya. Inilabas niya ang kanyang pitaka.
Ibinigay niya saakin ang 100k na checke.
"Ito po kahit maliit lang po yan sana makakatulong po yan sa inyo." Sabi ko sabay bigay ng checke.
"Nako iha... wag na..." sabi ni manang
"Sige ka po malulungkot ako kung di niyo kukunin." Sabi ko. Kinuha nalang niya.
"Salamat sa inyo." Sabi ni manang.
"Ako nga po ang magpapasalamat sa inyo pinatuloy niyo si Princess dito." Sabi ni Den sabay yuko.
"Di naman ako nagsisi na pinatuloy ko siya dito. Malaki ang naitulong niya saakin." Sabi niya.
"Sige po kailangan na po namin umalis." Sabi ko. Napatingin ako kay stella.
"Don't worry stella... magkikita tayo dun ka magaaral diba?" Sabi ko. Tumango naman siya. Napangiti ako.
Lumabas kami naalala ko si Larry. Di niya alam na mawawala nako. Ibinigay ko kay manang ang letter ko para kay Larry at binigay ko narin ang number ko.
At umalis na kami doon. Mamimiss ko ang lugar na yun.
Inilagay ko ang ulo ko sa braso ni Den at natulog nako.
"Good Night Den." Sabi ko at kinain nako ng kadiliman...
************
LMCD