TEASER

284 Words
Childhood crush ni Cami si Kienzo Mendrez, ang panganay na anak ng kaniyang Ninang Seleste at Ninong Luca. At hindi rin kaila kay Kienzo na crush niya ito. Ahead ito ng walong taon sa kaniya. Kaya naman hindi nito siniseryoso ang pagsintang pururot niya rito. Nakalakihan niya na palagi itong asal arogante pagdating sa kaniya. Palagi rin siyang sinusungitan para lang itaboy siya. May pagkakataon din na pinipeste niya kapag nalaman niyang may ka-blind date ito. Boto kasi sa kaniya ang ina nito kaya naman sinasabihan siya kapag may nakatakdang blind date si Kienzo. Pero isang araw, sumusobra na ang panghihimasok niya sa buhay ni Kienzo. Nasigawan pa siya nito dahil sa gigil sa kaniya. sinabihan kasi niya ang ka-date nito na siya ang fiancée ni Kienzo at malapit na silang ikasal kaya naman nagalit ang babaeng ka-date ni Kienzo. At ang pinagbalingan siyempre ng galit ng binata, walang iba kung ‘di si Cami. Nasabihan pa siya nito nang masakit kaya naman nasaktan ang batang puso niya. Iyon ang huling eksena na natatandaan ni Cami na nilapitan niya si Kienzo. Pagkatapos niyon ay hindi na siya nagpakita pa rito. Hanggang sa tumuntong siya sa college. Mas pinili niya ang mag-aral sa London. Dahil gusto rin niyang maka-move on sa kabaliwan niya sa lalaking alam niya na hindi siya magagawang mahalin. Dahil ang palaging dahilan ni Kienzo ay masyado siyang bata para dito. Ayaw nito sa isip bata na katulad niya. Kaya naman, laking gulat niya nang maging bisita niya ito sa London. Lalo na sa ipinunta nito roon. Gusto nito na magpakasal sila. Walang ligoy nito iyong sinabi sa kaniya. Magsisimula na sanang kiligin si Cami nang malaman ang totoong dahilan ni Kienzo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD