“Sandali! Tawagin na lang natin si Allison! Alam ko kung nasaan siya!” Hindi ko maiwasang sabihin iyon sa sobrang taranta. Bahagya naman silang tumigil, pero ang kumukuha ng pangkulot ng buhok ay nagpatuloy pa rin. “Ano? Nasaan si Allison?” tanong nila habang pinapaupo ako sa isang upuan sa tapat ng salamin. Hindi ako makapagsalita. Dahil wala silang narinig na sagot mula sa akin at iniisip na nagdadahilan lamang ako, nagsimula na silang magsikilos at ayusan ako ng buhok. Hindi na ako makapagreklamo. Hindi ko alam kung saan ako kakabahan, kung sa nasaksihan kong tagpo kanina o sa biglaan kong pagsalang para sa Miss Intrams. Mabilis nila akong inayusan. Si Marshiela ang nag-make up. Iyong iba naman ay sa buhok ko. Naging mabilis lang din ang pag-aayos sa ‘kin. Halos hindi ko nga