Umawang ang labi ko para sana magsabi ng masasamang salita. Pero sa huli, pinili ko na lamang na talikuran siya at harapin ulit ang tubig. Binuksan ko iyon para maghilamos muli. Baka sakaling mahimasmasan ako bago pa ako makapagsalita ng kung ano. “Bakit ganiyan ang tingin mo?” tanong ni Ford. Akala ko ay umalis na siya at napag-isip-isipan ang ginagawa pero sa halip, naramdaman kong lumapit pa siya lalo dahil narinig ko ang tunog ng mga tuyong dahon na natapakan. “Anong tingin? Hindi ako nakatingin sa ‘yo,” sagot ko habang naghihilamos. “Tss. Bago ka maghilamos,” naiinis niyang sagot, like I’m getting into his nerves. Huwag siyang mag-alala dahil mas lalo naman ako. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Ford,” sagot ko at sasahod pa sana ng tubig pero nawala iyon. Kinapa ko ang gripo