Halos hindi ko na namalayang tuluyan nang natapos ang laro. At base na rin sa hiyawan ng halos lahat sa bleachers, sina Ford talaga ang panalo. Nagtipon agad ang mga manlalaro sa gilid ng court. Bumaba ang ilan sa mga kabarkada nina Ford para makihalubilo. Sina Parker naman ay nanatili rito sa taas. Noong nagtungo ang mga players sa gilid, lalo silang napalapit sa gawi namin. Naririnig na namin ang mga batian nila at komento sa laro. “Congrats, dude!” bati ng mga kaibigan ni Parker kina Ford na sumugod sa baba. Siguro nga ay crowd’s favorite ang Salvatierro na ito. Siya talaga ‘yong palaging napapansin. Gwapo rin naman at talentado ang iba, pero may kung ano sa kaniya na nangingibabaw. Hindi ko rin alam at hindi ko rin maintindihan. Hindi ko alam kung bakit pa nila ako sinama noo