Pakiramdam ko ay binabantayan ni Ford ang bawat galaw ko. Hindi ko alam kung bored lang ba siya at walang magawa sa buhay. Hindi ko na sinagot pa ang tanong ni Manang Yadra, hanggang sa nakapasok na siya ulit sa loob at nanatili ako sa swimming pool. Si Ford naman ay nanatili rin sa kinaroroonan. Talagang pinaliguan niya ang kabayo. Tinanaw ko siya sa ginagawa. Hindi ko mapigilan na pagtuunan siya ng tingin habang nilapitan siya ng isa sa mga trabahador nina Senyora. Mukhang may pinag-uusapan sila tungkol sa mga kabayo. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na matingnan si Ford nang hindi niya alam. Pinilig ko ang aking ulo. Napapailing-iling ako. I didn’t know it’s possible for a human heart to contain this much hate for someone. Ngayon pa lang ako nainis nang ganito sa isang presensy