Kabanata 4 - Hindi Mapapantayan

2356 Words
Inaayos ko ang hapag at ang iba’t ibang putahe na ipinalalagay ni Manang Yadra. Sobrang dami niyang niluto para sa almusal kahit si Senyorito Ford lang naman ang nandito. “Deborah, pakihatid mo nga itong almusal at gamot kay Senyorito Ford. Tingnan mo kung anong kalagayan niyon. Maaga kasi iyon laging gumigising pero ngayon tanghali na, hindi pa rin bumababa.” Inaabot sa akin ni Manang Yadra ang isang tray ng gustong almusal daw ni Senyorito Ford. Bumaba ang tingin ko sa gamot na para sa hangover at pinigilang mapairap sa hangin. “Baka ho ayaw magpadistorbo ng Senyorito?” Ayaw ni Ford ng pakialamera. Malamang sa malamang naman ay ako ang pakialamera na tinutukoy niya. Kaya fine, hindi ko na siya papakialaman simula ngayon at hinding-hindi ko na rin siya kakausapin. “Hay, naku, Deborah! Sige na, huwag nang sumama ang loob mo kay Senyorito! Ganoon lang talaga iyon pero mabait ang batang ‘yan,” pangungumbinsi ni Manang Yadra at ipinagtulakan sa akin ang tray. Wala akong nagawa kundi ang saluhin iyon bago pa tumilapon ang sabaw. Aakyatin ko sa kwarto? Mamaya pagbintangan pa ako niyon na sinira ko na naman ang araw niya. Mabait... saan naman banda? “Ihatid mo iyan, ha. Hihintayin namin dito kung ano ang ipag-uutos niya. Hindi pa ako tapos sa paglilinis sa kwarto ni Senyorito Elis,” tukoy niya kay Parker Eliseo. Bagsak ang balikat kong sinundan ng tingin si Manang Yadra bago binalik ang tingin sa tray. Napabuga na lamang ako ng hangin dahilan para liparin ang mga nakalaylay na hibla ng nakapusod kong buhok. Tulog pa rin ba talaga iyon? Palibhasa kasi ang dami nilang ininom kagabi ng mga bisita niya. Alas-dos na ng madaling araw, hindi pa rin bumabagsak. Kung hindi pa tumawag si Senyora, hindi niya yata balak paalisin ang mga bisita niya. Hinanda ko ang sarili ko nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Senyorito Ford. Humigpit ang hawak ko sa tray ng pagkain. “Apo siya ng Senyora, Deborah... tandaan mo ‘yan,” paulit-ulit kong paalala. Hindi siya ang mayabang na lalaki na binasa ako sa unang araw niya rito, sumira sa libro ko, muntik na akong sagasaan. He’s not that guy, Deborah... he’s just Ford Salvatierro... “Senyorito?” wala sa loob kong pagtawag. Wala akong narinig na sagot, siguro ay naghihingalo na iyon sa kaniyang higaan dahil sa tindi ng hangover. “Handa na po ang agahan.” Nangangalay na ako, hindi pa rin siya sumasagot. Kaya napagpasyahan kong tumuloy na. Napatingin agad ako sa malaking kama, nakita ko nga ito na naroon pa rin. Nakatabon ang comforter sa kaniya at nakadapa. Ang mga balikat lamang ang lumilitaw. “Ilalapag ko na lang po rito,” sambit ko at dahan-dahang nilapag ang tray sa glass table. Akala ko ay hindi siya magigising kaya naman napalunok pa ako noong nagising ito. Narinig niya pa lang yata ang boses ko ay nasira na ang araw niya. “Is there no other maid than you?” tanong niya at kahit inaantok pa ang kaniyang tinig, nababakas na rito ang kasungitan. “Ipinapaabot lang ni Manang Yadra...” Doon siya mula sa pagkakadapa ay nag-angat ng tingin na akala mo ay isang haring pinagsisilbihan. Nagawa niyang mag-angat ng tingin sa akin. Hindi ko naman maiwasang kabahan. His eyes were dark, kabaliktaran ng pang-umagang araw. And he always wear this grumpy look. “Ayaw kong ikaw ang magdadala ng pagkain ko sa susunod,” masungit niyang sinabi, like my presence disgusts him. Napaangat ang tingin ko kasabay ng bahagyang pag-awang ng labi ko. Ano ang akala niya sa ‘kin? Pagnanakawan siya? May kukunin akong gamit dito sa kwarto niya? May ginto ba rito? “Tss, what else are you waiting for? Leave,” malamig niyang sinabi. Ang sungit niya talaga. Tsk, balang-araw makakahanap ka rin ng katapat mo! Kapag binawian ka dahil diyan sa kasungitan at kamaldituhan mo, ewan ko na lang! “Opo, Senyorito,” kalmadong sabi ko. “Hindi ako mag-aagahan. Take the food with you. Iwan mo ang gamot,” biglang sabi niya. Hinabaan ko na lamang ang aking pasensya kahit nanghihinayang ako sa pagkain na nakahanda. Pinaghirapan pa naman iyon nina Manang Yadra. Para lang bumuti ang kaniyang pakiramdam mula sa hangover na sa totoo lang ay siya naman ang may kagagawan. Pagtapos ng paghahatid ko sa kwarto ni Senyorito Ford, akala ko ay roon na matatapos ang paninira niya sa aking araw. Hindi pa pala. Nagdidilig kami ng halaman ni Juliana sa entrada ng bahay noong marinig namin na bumaba pala si Ford. “Magandang tanghali, Senyorito.” Boses ni Manang Yadra. Nagkatinginan kami ni Juliana. Bahagya siyang ngumisi sa akin at halos pabulong na nagsalita. “Ang gwapo ni Senyorito Ford. Grabe ang dating niya!” Pumait ang aking ekspresyon. ‘Yong mukhang ‘yon? Mukhang walang gagawing mabuti sa kapwa. “Sakto lang,” walang emosyong sambit ko at nagpatuloy lamang sa pagdidilig ng halamanan. Juliana giggled. Halos mabali ang leeg para sumilip muli sa loob at magnakaw ng tingin kay Ford. “Hindi talaga, eh! Gwapo talaga! Crush ko yata ang senyorito...” Then, she giggled. Gusto ko sanang sabihing nahihibang na si Juliana pero hinayaan ko na lamang kung saan siya masaya. Napatikom ng bibig si Juliana at biglang pinamulahan ng mukha. Napatingin naman ako sa kaniya at sa entrada ng bahay, at natanto ko agad ang dahilan ng kaniyang reaksyon. There, I saw Ford. Lumabas siya sa main door habang tinutupi ang long sleeves ng kaniyang damit. May nakaipit na sigarilyo sa bibig at napagawi ang tingin sa amin ni Juliana noong maagaw namin ang kaniyang pansin. “Juliana, pakitulungan ako sa mga labahin,” tawag ni Manang Yadra mula sa loob. Agad namang tumalima ang katabi ko at binaba na ang pandilig at pumasok sa loob. “Opo, Manang!” Sinundan ko ng tingin si Juliana kaya muling nahagip ni Ford ang paningin ko noong dumaan si Juliana malapit sa kaniya at halos mapatalon ako nang makita ang walang kasingsungit nitong ekspresyon. Bumalik naman sa akin ang nangyaring gulo kagabi at kung paano niya ito sinisi sa akin. Hindi ko na yata namalayan ang aking ekspresyon. Nagulat na lang ako noong magsalita si Ford. “Tss, stop looking at me like that.” Napalunok ako. He stared at me. “Bakit ba ang laki ng problema mo?” Hindi ko na napigilan na sabihin iyon, mahinahon lamang ang boses. Naglakad siya palapit. Huminto siya malapit sa may poste at humilig doon, sinindihan ang sigarilyo. He’s a badboy... complete opposite of his cousin, Parker. Bawat galaw niya, pagrerebelde ang nagsusumigaw. “Gusto mong malaman?” malamig na sabi niya. “I don’t want you here,” diretsong sabi niya, wala man lang sugarcoating. Napalunok ako. Halos mawala ang aking atensyon sa dinidiligang halaman at napatuon sa kaniya. “H-Hindi ko maintindihan. Wala naman akong ginagawang m-masama,” paliwanag ko. Hindi niya naman ako... kilala, ah? Wagas siya kung makapanghusga. “How can we be sure?” Walang kasinglamig ang tinig niya. “I don’t know what’s running in your blood so how can I trust you, hmm, Miss Deborah? Kung nakuha mo ang tiwala ni Lola, nagkakamali ka sa ‘kin.” Napalunok akong muli. Hindi ako mabilis na masaktan pero ngayon, tamang-tama ang pagkatao ko. Gusto ko pa sanang magsalita ngunit nawalan na ako ng salita. He just looked at me boredly, bago iniwas na ang tingin at pumasok na siya sa loob. Naiwan naman akong tulala sa mga natanggap na salita. Hindi ko na namalayan na halos malunod na ang mga halaman. Kung hindi pa ako sinabihan ng isa sa mga kasambahay na nakapansin sa pagkawala ko sa aking sarili. “Deborah, ang tubig...” “Pasensya na,” sabi ko agad at pinatay na agad ang hose. Mayamaya lamang din ay tinawag na ako ni Manang Yadra mula sa loob. “Ano iyon, Manang?” napapalunok kong tanong, hindi maitago ang pananamlay sa aking tinig. Napatingin sa akin si Manang. Nang tingnan ko ang hapag ay naroon na pala si Ford at mukhang kakain. Napalunok ako at hindi maiwasan ang lalong pagsikip ng aking dibdib sa pinipigilan kong iritasyon hanggang sa lumamig ang aking ekspresyon. “Kumusta nga pala ang magiging klase mo rito, Senyorito?” pagtatanong ni Manang Yadra. Natapos ako sa pagsandok ng kaunting pagkain habang hindi siya tinitingnan ngunit nang magsalita si Manang, bahagyang naagaw ang atensyon ko. “Maayos na ho,” tanging sagot ni Ford. At doon ko napagtanto na mag-aaral din siya sa university na aking pinapasukan. Sa kaalaman pa lamang na iyon, lalo na akong nawalan ng gana sa pagkain. “Ilang taon na po si Ford?” pagtatanong ko kay Manang Yadra noong tumutulong ako sa paghuhugas ng plato pagtapos ng tanghalian. “Twenty-two na ang senyorito, Deborah. Dito niya tatapusin ang kurso,” sabi ni Manang Yadra. “Ganoon po ba,” mapait kong sambit. Kung ganoon, parehas lang pala sila ni Parker na graduating na. Galing palang Madrid, Spain si Ford. Kung kailan nagbakasyon doon sina Senyora ay saka naman pala siya umalis. “Ano pong kurso ni Ford?” pagtatanong ko. Sana huwag kaming magkatagpo sa campus. Talagang masisira ang araw ko kapag nakita ko iyon doon! “Hindi ako maalam sa mga kurso kurso na iyan, hija, pero sa pagkakatanda ko’y mag-aabogado ang senyorito,” sagot ni Manang. “Bakit? Nagkakasundo na ba kayong dalawa ng senyorito?” Ngumiti ito na tila ipagdiriwang kung mangyari nga iyon. Ngumiti na lamang ako nang pilit. Hindi ko na iyon sinagot pa, ngunit hindi pa rin maalis ang inis ko sa Ford na iyon dahil sa kaniyang mga sinabi at binibintang. Grabe siya kung makapanghusga. Binuhos ko na lamang ang inis sa paglilinis buong araw. Naglinis din ako ng mga kwadra ng kabayo. Paboritong libangan ng mga magpipinsang Salvatierro. Malawak din kasi ang lupaing sakop nila, ang Hacienda Salvatierro. Buhay na buhay ang mga bulubundukin at maging ang dagat ng San Luciera. Madalas pumupunta roon sina Parker lalo na noong bakasyon at hindi pa nagsisimula ang klase. Minsan nga sinasama niya ako. Talaga namang mahangin at maganda lalo na kapag nasa pinakatuktok ng pinakamataas na bulubundukin. Kahit taga-rito ako sa San Luciera noon pa, hindi ko pa napuntahan ang mga tanawin nito. Madalas kasi nasa village lang kami kung nasaan ang bahay-ampunan. Unang beses pa lang akong nakapunta noong nandito na ako sa mga Salvatierro at isinasama ako nina Parker. Kaya lang ngayon, abala na siya sa pag-aaral. Kailan kaya ‘yon magkakaroon ng libreng oras? Tumayo ako at pinagpag ang mga kamay nang natapos sa isang kwadra. Kusang napairap ang mga mata ko nang sa sunod na kwadra ay iyon nang kabayo ni Ford. Mula nang dumating siya, pumili siya sa mga kabayo at inangking sa kaniya. Pinili niya pa ‘yong ginagamit ni Parker. Hindi ko naman masabi na kay Parker iyon dahil hindi naman talaga hilig nito ang gumamit ng kabayo. Kung kailan niya lang gustong mag-rewind at manghiram ng isa sa mga kabayo. Nilagpasan ko ang kabayo na inangkin ni Ford para linisan na lang sana ang sunod na kuwadra, kaya lang nakonsensya rin ako dahil wala namang kinalaman ang kabayong iyon sa kasamaan ng bago niyang may-ari. “Pasensya na, Honey. ‘Yong bago mo kasing amo, masiyadong masama ang ugali,” pagkausap ko sa kabayo habang nilalabas siya sa kaniyang kwadra. Gumawa ito ng ingay na tila naiintindihan ang sinabi ko. Sumimangot naman ako. “Anong ibig mong sabihing mabait si Ford? Tingin pa lang, parang nangangain na!” Gumawa na naman ito ng ingay at winagwag ang buntot. “Aba, Honey. Pinagtatanggol mo pa?” Nang maitali ko siya sa isang puno ay napatingala ako sa kalangitan at namaywang. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay sa sobrang init at pinagpapawisan na ako. “Mali iyan, Honey. Si Parker ang nagpalaki sa ‘yo. Gusto mo bang sumama ang loob niya?” Hindi ko tinigilan si Honey hangga’t hindi ko siya nakukumbinsi na masama ang Ford Craigan na iyon. Isa pa, ako ang nagpangalan sa kaniya. Dapat tanggapin niya rin ang opinyon ko. Hapon na nang matapos ako sa paglilinis ng mga kuwadra. Dinalhan na ako ng maiinom nila Manang Yadra, pinapatigil ako sa paglilinis dahil hindi ko naman daw iyon gawain. “Ayos lang po, Manang,” pangatlong sagot ko sa pamimilit na tatapusin ko ang paglilinis. “Nakauwi na si Senyorito Ford, naglilinis ka pa rin. Gaano ba kasama ‘yang loob mo kay Senyorito?” tanong nina Belle habang naiiling at umiinom ng juice. Malalim akong napahinga dahilan para malanghap ko ang sari-saring amoy ng mga kuwadra bago mas pinag-igihan ang paglilinis. “Debs, tumayo ka na riyan. Parang kuya mo na rin ‘yon kaya dapat huwag ka nang magalit doon. Malay mo naman mainit lang talaga ang ulo kaninang umaga, ‘di ba?” Si Juliana na pinapagaan ang loob ko. Napahinto ako sa pagkuskos. Pinagpag ko ang mga kamay ko at tumayo. Napaatras naman ang dalawa sa nakitang itsura ko. “Hayaan mo na ‘yon. Mabuti pa, magplano na lang tayo para sa birthday mo. Sa isang araw na iyon. At saka bukas darating na si Senyorito Parker.” Bumuntonghininga na lang ako at tuluyan na lang na sinunod ang kanilang sinasabi. Tapos ko na rin naman ang mga kuwadra. Maliligo na lang muna ako at kaamoy ko na si Honey. Nauna sina Juliana at Belle sa pagpasok sa loob. Sumunod naman ako pagkatapos kong maghugas ng mga kamay. Napatigil lang ako nang matanaw ko si Senyorito Ford sa bintana ng kaniyang kwarto sa mataas na palapag ng malaking bahay ng mga Salvatierro. Nakaupo siya sa bintana at nakasandal ang likod sa hamba nito habang naninigarilyo. Napatigil ako sa paglalakad kasabay ng pag-angat ng kaniyang mga kilay nang tingnan ako. Kahit naroon siya sa taas at nasa baba ako, nakita ko ang pagbuga niya sa usok ng sigarilyo at nang maglaho iyon ay sumunod lang ang tingin niya sa ‘kin nang magmartsa ako papasok sa loob ng bahay. Kahit kailan, hindi niya mapapantayan si Parker...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD