Matapos kong makapaghugas at makapag-ayos ng sarili ay lumabas na rin ako ng kamalig. Agad hinanap ng mga mata ko si Ford. Naabutan ko sila na naroon sa loob ng horse fence. Magkakrus ang mga braso niya sa kaniyang dibdib at seryosong nakikinig sa sinasabi ng kausap na trabahador dito sa rancho. Si Parker at Regina naman ay hindi ko matagpuan. “Mang Fred,” paglapit ko sa tagapangalaga ng rancho. Nagulat si Mang Fred nang makita ang aking ayos. Kulang na lang ay maligo ako. Kalat-kalat din ang mga bakas ng dayami sa aking damit kahit inalisan ko na iyon. “Oh, Deborah? Napaano ka?” tanong nito. Napalunok ako at napakamot sa ulo. Mabuti na lamang at walang nabali sa mga buto ko. Medyo masakit lang ang aking pang-upo pero wala namang seryosong nangyari. Nagawa ko rin namang tumayo na