Kabanata 17 - Tuso

1922 Words

“Talaga raw bang may tattoo si Ford? Saan naman?” bulungan ulit nina Marshiela noong tumakbo na ang boys patungo sa dagat. “Baka doon sa ano?” Napalingon kami kay Princess. Nagkibit-balikat naman siya habang prenteng kumakain. “Eh, wala sa braso, eh!” Napailing-iling ako sa mga iniisip nila. “Tigilan n’yo na nga ‘yan. Kumain na lang tayo.” “Ay, sus! Hindi ka ba curious kay Ford? Ang hot niya kaya! At napakamisteryoso. Parang ang daming nakakubli sa pagkatao niya na exciting malaman. Alam mo ‘yon? Mysterious, bad boy, so cool!” “You mean, may future sa pagiging kontrabida?” marahas kong tanong. Napailing na lamang sila at sinukuan na ako, tinanggap na hindi na nila mababago ang pananaw ko tungkol kay Ford. Siguro kung malaman lang nila na pati si Allison ay hindi pinalampas ni For

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD