Kabanata 3 - Hindi Na Mauulit

2212 Words
Kung nag-anyong tao na ang anak ni Satanas, nasisiguro ko na si Ford Craigan Salvatierro iyon. Simula nang dumating siya rito sa mansion ilang araw ang nakakalipas ay wala nang ibang nangyari sa ‘kin kundi kamalasan. Sunod-sunod na iritadong buntonghininga ang pinakawalan ko habang diretso ang masamang tingin sa gilid ng pool kung nasaan si Ford kasama ang isang babae. Dinaan ko na lamang sa iling. Tinaas ko pa ang hawak na libro para iharang sa mukha at nang sa gano’n ay hindi ko mapanood ang ginagawa ng dalawa. Simula nang dumating dito ang Ford na iyon, hindi na ako nilubayan ng altapresyon. Kung umarte siya ay para siyang kinse anyos na lalaking walang ginagawa kundi magpakasaya. Naiinis ako sa ganoong tipo ng tao. Dahil sa kaniya, unti-unti kong napagtatanto ang lahat ng ayaw ko hindi lamang sa isang lalaki kundi sa isang tao. He’s everything I hate. Bata pa ako para maging highblood pero hindi ko mapigilan tuwing nasa field of vision ko siya at nahahagip siya ng paningin ko habang may ginagawang kalokohan. Bukod sa hindi maganda ang aming unang pagkikita, hindi ko siya nakilala. Hindi ko naman alam na siya ang apo ng senyora na sinasabi nitong darating. Ang akala ko’y isa siyang hardinero dahil may darating din na hardinero no’ng araw na ‘yon! Nagkamali ako. Kinabukasan pa dumating ang hardinero at malayong-malayo ang itsura nito sa lalaking napagkamalan ko. Matanda na ang hardinero samantalang ang Ford na iyon ay bata pa. Gusto kong pagsisihan ang naging sigawan namin. Mali kasi iyon. Pero tuwing naaalala ko ang kayabangan niya, parang mas naiisip ko na kulang pa ‘yon. Pangatlong araw niya rito sa mansion na kaming dalawa lamang ang narito bukod sa mga kasambahay. And guess what? Ginawa niya lang namang discohan ang mansion ng mga Salvatierro. Bukod pa roon, kung sino-sinong babae ang dinadala niya! “Ford... umakyat na lang tayo sa kwarto mo...” bulong ng babaeng medyo nahihiya ang boses. Umangat ang kilay ko sa likod ng libro. Kunot na kunot ang noo ko pero pinili kong umarte na abala sa pagbabasa at pakikinig sa music sa suot kong earphones. “Bakit aakyat pa kung pwede naman dito?” Mababang tawa ang pinakawalan ng loko sabay siil ng halik muli sa babae. Hindi na ako nakatiis at binaba ang librong binabasa ko. Dumiretso ang paningin ko sa kanila sa gilid ng pool. Naabutan ng mga mata ko ang paghahalikan nila. Nakakapit ang mga kamay ng babae habang ang mga labi ni Ford ay nasa pagitan ng dibdib nito. Nakasubsob ang kaniyang mukha roon. Napatulala ako sa nakikita. Nanigas ako at nanlamig. Nagtama ang paningin namin ni Ford nang ilipat niya sa akin ang kaniyang tingin habang abala sa ginagawa. Pinagpalit niya ang pwesto nila ng babae at tumalikod siya mula sa direksyon ko. Ngayon ay likod niya na lang ang nakikita ko. Siguro para hindi ko makita ang ginagawa nila. He raised his hand to make me stop from looking. Napaiwas ako ng tingin. Pabagsak kong sinara ang libro at tumayo na mula sa lounger saka dire-diretsong nagmartsa papasok sa loob ng bahay habang walang tigil ang pagngitngit ng mga ngipin ko. “Oh, Deborah. Tapos ka nang mag-review?” tanong ni Manang Yadra na nakasalubong ko sa sala. Kinuha ko ang isang juice sa hawak nitong tray na mukhang para sa dalawang naglilingkisan sa pool at diretsong tinungga. Binaba ko ‘yon sa tray at marahas na pinunasan ang gilid ng labi. “Nakakapuno na po si Ford, Manang.” Ilang araw nang masakit ang ulo ko. Kailan kaya babalik sina Senyora? Si Ford Craigan Salvatierro, ang panganay na apo ni Senyora Isabela Cataleya, asawa ni Senyor Anastacio Salvatierro. Ang angkan nila ang pinakamayaman sa buong San Luciera. Marami silang magpipinsan pero sa lahat ng na-meet ko na ay si Ford ang may pinakamahabang sungay, tinalo pa ang sungay ng pinsan nilang si Paige. “Hindi pa rin kayo magkasundo? Alalahanin mo, Deborah, panganay na apo ‘yan ng Senyora. Mamamalagi ‘yan dito nang ilan pang buwan kaya dapat magkamabutihan kayo!” naiiling na payo ni Manang Yadra. Napahinga na lang ako nang malalim. Bago pa ako makasagot ay dumating ang iba pang maids at pumasok sa sala. “Manang, may dumarating pang ibang kaibigan ni Senyorito,” sabi ni Belle. Napalingon kami sa bungad malapit sa pool kung saan maingay at nagsisidatingan pa ang ibang mga kaibigan at kabarkada ni Ford. Sa ibang bansa at sa Maynila siya lumaki at namalagi pero ang dami-dami niyang kilala rito. Ano ba siya? Tumatakbo sa politiko? “Ubos na ang pagkain, Manang. Paano po ‘yan? Hindi sinabi ni Senyorito na ganiyan karami ang bisita, eh!” alalang tanong ni Juliana. Nakatingin kami sa bungad kung saan tuloy-tuloy na binabati ni Ford ang mga dumarating. Nakikipag-fist bump siya sa mga lalaki. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kaniyang mga kakilalang babae. Ang gaganda’t ang tatangkad. Para silang mga model o iyong mga sikat na nakikita ko! “Manang, baka magalit si Senyorito,” naiiyak na usal ni Juliana. “Dagdagan na lang natin ang mga nailuto. Saglit lang naman iyon. Deborah! Ikaw muna ang bahala sa mga bisita ni Senyorito, ha? Tawagin mo ako kung may kailangan.” Naiwan na ako dahil sa pagmamadali nila. Hindi ko maiwasang manliit ang mga mata habang pinapasadahan ng tingin ang kaniyang mga kaibigan na agad-agad ang pagsasaya. May mga naka-two-piece na at naliligo sa pool. May mga nasa dilim sa gilid hanggang doon sa puting stone stairs nila patungo sa isang terrace. May mga sumasayaw sa saliw ng malakas nilang tugtugin. Sa dilim ng paligid ay naglalaro ang iba’t ibang kulay ng disco lights. Sa dalawang taon ko rito, ngayon ko lang nakitang nagkakaganito ang mansyon. Malalim akong bumuntonghininga at akmang aalis na lamang at magkukulong sa taas nang may tumawag sa ‘kin, isa sa mga kalalakihang naroon na kasama ni Ford at kausap niya. “Hey!” Nakataas ang kamay nitong tila kinukuha ang atensyon ko. Napipilitan man ay lumingon ako pabalik sa kanila. Akala ko ay iyon na ‘yon kaya naman nang palapitin nila ako ay halos matuod ako sa kinatatayuan. Nalipat ang tingin ko kay Ford na nakatingin lang sa ‘kin habang nakatayo siya sa harap ng mga kaibigan. Wala siyang suot pang-itaas at basa ang buhok dahil sa pagligo sa pool. “Ako po ba? May... kailangan po kayo?” tanong ko gaya ng utos nina Manang Yadra. Napatingin ako kay Ford nang mapaglaro siyang tumawa habang naiiling. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka pinaglalamayan na siya ngayon. Ngumiti ang isang lalaki roon, matangkad at maitsura. Lahat yata sila ay ganoon, matatangkad at mga sosyal ang dating. Halatang mayayaman. Napatingin ako sa mga babae na may malaking balakang at pang-upo, malaki ang hinaharap, at maganda ang kurba ng katawan. “What’s your name, pretty lady?” tanong ng lalaki. Ang mga tingin nila ng mga kaibigan niya ay halos makapagpa-intimidate sa akin. Dahil lang siguro mas matatanda sila sa ‘kin at paslit ako sa harapan nila. Humalakhak ang isang lalaking nakaakbay rito habang tinatanong ‘yon ng lalaki. Nagtatawanan sila’t nagkakantiyawan. Doon ko lang namalayan na nasa akin ang atensyon ng mga ito. Muli kong tiningnan si Ford na walang emosyon at hindi nakikitawa. Nakatingin lang siya sa ‘kin at seryoso. Tumungga siya sa hawak na alak at niyaya na ang mga kasama na lubayan ako at huwag pansinin. Tumalikod na sila para makisali na sa mga nagsasaya pero ang sulyap sa akin ng Ford na iyon ay hindi nakatakas sa paningin ko! Mabilis akong tumalikod para pumanhik pabalik nang may mabunggo ako at tumapon ang alak na hawak nito sa aking damit. Napatingin ako sa sarili at hindi makapaniwalang suminghap. Nanuot agad sa ilong ko ang amoy ng matapang na alak na natapon sa aking damit. “Sorry, babe.” The guy was smirking. He’s with two other men. Matangkad ang lalaking nasa gitna na nakabunggo sa ‘kin. “Mahal ba ang damit na ‘yan?” “A-Ayos lang po, ako na ang bahala,” hindi tumitinging saad ko at naglakad paalis ngunit hinarangan nila ang daraanan ko. Napaangat ang tingin ko sa lalaki. Napangiti siya lalo nang magtama ang paningin namin. “Ayan, nasilayan ko rin ang magaganda mong mata...” natatawang sabi nito. Humakbang siya palapit kaya naman umatras ako. “Sinong kaibigan mo? Parang ngayon lang kita nakita...” Hindi ako sumagot. Humakbang pa siya lalo palapit na sinundan ng natatawang iling ng dalawang lalaki sa kaniyang likod. Abala ang lahat sa pagsasaya at madilim ang paligid kung hindi tatamaan ng mga ilaw nilang nakakahilo. “Bakit natatakot ka? Hindi naman kita tinatakot? Hindi rin kita binabastos, atras ka nang atras—” “Hernandez,” isang baritono at mariing boses ang nagsalita mula sa likod ng lalaking nasa harapan ko. Napatigil ang lalaki at lumingon sa likod niya. Bumungad sa amin si Ford na maamo ang ekspresyon ng mukha pero ang mga mata ay seryoso... o baka iritado. Hindi ko alam. “Ford...” salubong ng mga ito at inangat ang kamay para batiin si Ford na hindi naman nito pinansin. “Gusto lang naming malaman ang pangalan ng magandang babaeng ‘to.” Saka nito ako sinulyapan. Tumingin sa akin si Ford habang may pinaglalarong beer sa kaniyang kamay. Tumawa siya kaya napatingin kami sa kaniya. “What do you mean? She’s a maid here,” malamig niyang sinabi. Ano pa nga bang aasahan ko? Ang yabang-yabang niya pang sumagot. “Talaga? Hindi ko alam na magaganda pala ang kinukuhang katulong ng pamilya n’yo.” Nagtawanan ang mga ito na siya namang pagtigil ni Ford, madilim ang mga mata at halatang hindi gusto ang narinig. “Ayaw ka niyang kausapin.” “What do you mean, Salvatierro? We’re already talking. Hindi ba, Miss?” tanong ng lalaki at nagtaas-baba ng mga kilay sa akin! Hindi ko alam kung lasing ba ito. Lumapit ito na siyang ikinaatras ko habang dinadaga ng kaba ang aking dibdib. The man smirked. Itinaas ang dalawang kamay at tumango-tango. “Huwag mong sabihing type mo ang katulong n’yo, Ford? Tsk, tsk...” Humakbang ito paalis pero bago pa ito tuluyang makalayo ay nahawakan na ito ni Ford sa balikat, napihit paharap sa direksyon niya, at mabilis na napadapuan ng kamao. Napasinghap ang mga nakakita. Mabilis silang lumapit para daluhan ang dalawa at patigilin dahil hindi rin nagpaawat ang lalaki at gumanti ng suntok. Ako naman ay hindi malaman ang gagawin. “Putangina, Ford!” galit na saad ng lalaki habang pinaghihiwalay sila ng mga naroon at pinapaalis ito. Nang halos kami na lang ang natira ay nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Ford palayo habang ang ibang mga naroon ay napapailing na lang at bumalik din sa kanilang pagkakasiyahan na parang wala lang. Hindi ako makasabay sa malalaking hakbang ni Ford habang hila niya ang braso ko paakyat sa batong hagdan ng terrace. Mabilis kaming sinalubong ng malakas na hangin at maalat na simoy ng dagat na umiikot sa buong lugar lalo na rito kung saan malapit sa dagat ang kinatitirikan ng mansion ng mga Salvatierro. It’s overlooking the sea of San Luciera. “Pumasok ka sa loob,” mariing utos niya at saka binitawan ang braso ko. Nagtapat ang mga mata naming masama ang tingin sa isa’t isa. Sasagot pa sana ako. “Anong—” “I said get inside.” “S-Sandali! Bakit b—” “Inside, Deborah!” Tinuro niya ang pinto sa terrace kung saan konektado sa loob ng mansion sa ikalawang palapag. Nasisindak ako sa kaniya. Galit siya at hindi ko maintindihan kung bakit sa akin siya nagagalit samantalang ako ang nilapitan ng bisita niya at hindi ako ang lumapit! “Bakit ako ang may kasalanan? W-Wala akong ginagawa...” Nagtangis ang kaniyang panga at lumapit sa ‘kin. Paatras ako nang paatras hanggang sa mapasandal ako sa pader at saka lamang siya tumigil! “Who do you think you are?” seryoso at malamig na tanong ni Ford habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa mga mata ko. Napamaang na lang ako sa kaniyang harapan. Nakaramdam ako ng panliliit at walang tigil ang ragudon ng aking dibdib habang madilim ang tinging ipinukol niya sa ‘kin. “Ayaw kong makitang lumalapit ka sa mga bisita o sa mga kaibigan ko. Naiintindihan mo ba? Hindi ka bababa kapag may bisita ako. Or you can just go back to where you came from. Ayoko sa lahat ang pakialamera.” “S-Sinabi ko na, hindi ako ang lumapit sa bisita—” “Then, at least don’t talk to them! Pwede naman iyon, ah? O gusto mo rin talaga ng kausap?” “Hindi naman iyon gano’n.” “Then, what? Are you so bored that you can’t stay put in your right place, huh?” pang-aakusa niya. Madilim at galit ang mga mata ni Ford. Hindi ko maintindihan... Kinuyom ko na lamang ang aking palad nang hindi inaalis ang tingin. Kailangan kong alalahanin na apo siya ng senyora, at hindi lang ‘yon... paboritong apo ng senyora. Pilit ako tumango-tango kahit mabigat ang aking dibdib. “P-Pasensya na. Hindi na po mauulit, Senyorito Ford,” sambit kong may diin ang huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD