Hindi ko pa nasubukan na umalis nang gabi sa mansyon. At ni minsan ay hindi ko rin naisip na gagawin ko ito, ang magsinungaling para makalabas sa gabi nang hindi tungkol sa pag-aaral ang dahilan. “Sigurado ka ba riyan, Deborah? Hindi ba pwedeng ipagpabukas n’yo na lang iyan? O kaya imbitahan mo na lang ang mga kaklase mo rito,” sabi ni Manang Yadra noong nagsabi ako sa kaniya. “Kailangan na po naming matapos ang presentation, Manang... kaya baka gabihin kami,” sabi ko. “Bakit wala kang dalang notebook?” nagdududa nitong sinabi. Napatikhim naman ako. Tiningnan ko ang aking suot, isang pink top na may manggas at leather skirt bilang pang-ibaba. Ito ang sinabi ni Tina na isuot namin nang sa gano’n ay hindi kami mahalata sa alon ng mga estudyante. Ganito raw ang sinusuot doon! Dahil
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books