CHAPTER 22 - Ito lang

1340 Words

Maly "Oh Maly, heto na iyong bayad ko sa'yo para ngayong linggo. Salamat sa pagtulong mo sa akin dito sa talyer ko. Napaka hirap na kasi maghanap ngayon ng makakatulong sa'kin dito na kasing lakas mo. Eh ako naman ay hindi na puwede sa pagbuhat-buhat ng mga iyan dahil nga sa medyo umuusad na ang edad ko." Sabi ni manong Ben saka inabot sa'kin ang pera. "Ako po dapat ang magpasalamat manong." Si manong Ben ay isa sa mga regular na pasyente ni Dr. Dipasado sa clinic. Minsan ng mag-usap kami ay nabanggit niya sa'kin na kailangan nga niya ng pwedeng tumulong sa kaniya dito sa talyer at dahil kailangang-kailangan ko ng pera kaya nagpresinta ako na kung puwede ako na lang. "Ay naku, napaka sipag mo talagang bata. Hindi pa sumisikat ang araw eh gising ka na para tulungan ako dito sa talyer.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD