Maly Puti. Nababalutan ng kulay puting kulay ang buong silid kung saan ako nagising. Nasaan ako? Anong nangyari sa'kin? Bakit ako nandito? Tinanggal ko ang ilan sa mga aparatong nakakabit sa katawan ko at sinubukan kong tumayo ngunit parang pinukol ng maso ang buo kong katawan sa bigat at tila namamanhid kaya imbes na makatayo ay bumagsak ako sa sahig. "Prince!" Sa pagbukas ng pinto ay pumasok ang isang babae. Ang mukha na naaalala kong huli kong nakita bago ako nawalan ng malay. Inalalayan ako nitong makatayo at makabalik sa malambot na higaan. "Ano ka ba? Kagigising mo lang at hindi ka pa magaling! Sa susunod, humingi ka ng tulong kung may gusto kang gawin!" Pinakatitigan kong mabuti ang mukha niya. Ang kanyang itsura, boses at pananalita, pamilyar lahat. Para bang nagkita na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books