CHAPTER 24 - Leave or Die

1495 Words

ISANG LINGGO. Isang buong linggo kong inantay na umuwi ang asawa ko at isang linggo rin akong walang ginawa kundi maya't mayang umiyak. Kun'di lang dahil kay baby Milky malamang ay nagbigti na ako, naglaslas o kaya nama'y uminom ng muriatic acid sa banyo. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Para akong bangkay na unti-unting naaagnas habang dumadaan ang mga araw na walang Maly'ng lumilitaw sa tapat ng aming pintuan. Mukhang dinadamayan din ako ng baby ko sa pag-iyak. Wala rin kasi itong tigil sa pagpalahaw habang kalung-kalong ko. Galing kami sa palengke at namili ng ulam. Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon pauwi. "Shhh...tahan na baby. Andito na tayo sa bahay." Simula rin ng hindi na umuwi si Maly ay naging balisa na rin si baby Milky. Hindi na ito gaya ng dati na palangiti at mada

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD