--- MAAGA AKO NAGLUTO NGAYUN AT hindi na natulog ng hapon dahil baka 'di ako magising kapag natulog pa ako. Ang takaw ko pa naman sa tulog kapag nakakatulog ako at hindi nagigising kapag nasa kasarapan ang tulog. Sa madaling araw lang talaga ako mabilis magising dahil sanay na ang mga mata ko magising ng maaga. Nagluto ako ng paboritong ulam ng boss ko para hindi na siya masungit mamaya. Dalawa na nga lang kami dito sa mansion tapos ang sungit niya pa sakin. Hindi ko alam kung bakit ang sungit sungit na niya ngayun samantalang dati ang bait bait niya. Simula lang talaga no'ng umiwas ako sa kanya dahil masyado na siyang napapalapit sakin. Ayaw ko lang naman masaktan kaya umiiwas ako sa kanya. Mamaya gawin niya lang ako parausan kapag naging malapit kami sa isa't isa. Alam ko bored lang