CHAPTER 3

1333 Words
Zera POV "Zera! bata ka! Ano ka ba naman kasi bata ka,pwede ka naman kumatok d'yan ka pa talaga sa labas natulog anak!" Sermon ni nanay habang pumapasok ako ng bahay.Nagtataka rin ako kung bakit ako nakatulog sa labas. Pilit kung inaalala ang nangyari kagabi,hindi ko alam kung panaginip lang ba yung lalaking gwapo nakilala ko sa tabing dagat,Napailing iling na lamang ako. "Saan ka ba naman kasi nang galing anak?,Bakit inabot ka na nang pagtulog mo sa labas?." Wika ni nanay habang inaayos ang mga dala ko gamit,Ako naman ay nakaupo lamang at pilit inaalala ang nangyari kagabi para kasing totoo 'yun at ang lalaki nakasama ko kagabi. "Ate ,Zera! na paano naman 'yang nasa Braso mo?" Napatingin ako sa aking braso may gasgas ako natamo doon. Dalian si inay sa pag check sa aking braso at buong katawan. Iniharap pa ako nito sa kanya at pinakatitigan akong mabuti. "Anak, magtapat ka sa akin may nangyari ba sayo? Wag ka matakot anak pananagutin natin kung sino man ang gumawa ng masama sayo!" Hindi ko malaman kung matatawa ba ako sa sinasabi at sa itsura ni inay.Akala ata nito ay nagahasa ako na malabo mangyari. Pero kung yung lalaki kagabi ang gagahasa sa akin payag na ako hindi na ako lugi,jackpot pa kamo. "Ohh,,, loka! kang bata ka ako'y nag aalala na sa iyo tapos ikaw ay patawa tawa lamang!! Napahawak ako sa aking ulo nabatukan kasi ako ng isa ni inay,Napatingin naman ako sa salamin hindi ko na malayan na nakangiti pala ako mag isa. "Ano na Zera?, umamin ka na wag ka matakot may nangyari ba hindi maganda anak?" Tuluyan na akong natawa sa itsura ni inay para na kasi itong maiiyak. Kaya naman nakatikim ulit ako ng batok na may kasamang kurot sa tagiliran. "Lintik! ka bata ka! ako'y pinagloloko mo! Ignacio! kausapin mo nga itong anak mo babae!" Wika ni Inay na pumasok na sa aming kusina.Lumapit naman si tatay Ignacio, na may hawak pang dyaryo. "Anak ano bang nangyari nga d'yan sa gasgas mo sa braso?Saan mo nakuha ang mga gasgas na yan?" Napatingin ako muli sa aking braso kahit ako ay hindi ko rin malaman kung saan ko nakuha ang gasgas na ito. "Itay, hindi ko rin ho! alam eh kung saan ko ba ito nakuha.Nagtataka rin nga po ako kung paano ako napapunta d'yan sa labas ng bahay natin wala ho,ako maalala talaga." Wika ko kay itay na bahagyang nagtataka sa aking sinabi. "Hala! ka ate! baka may kapre nagkagusto sayo! tapos d'yan ka na lang sa labas iniwan. D'yan sa harap ng malaki puno ng mangga! Naku! tay! magkaka-apo na kayo ng anak ng kapre!! ha ha kagabi pa naman ay natakpan ng kadiliman ang buwan,At pag natatakpan ng kadiliman ang buong buwan lumalabas ang mga masasamang elemento!" Kinilabutan ako sa sinabi ng gong-gong kung kapatid,Pero napansin ko nga ang buwan kagabi unti-unti nababalot ito ng kadiliman.At nang nasa jeep na ako habang pinagmamasdan ko ang kalangitan doon ako bigla nakatulog at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Ang huli ko nakita ay ang ulap na itim na tumakip sa buong buwan. "Ano ate, handa ka na ba maging asawa ng kapre? at magkaanak ng tiyanak?!" Nagulat ako sa mukha ng kapatid ko na bigla na lamang sumulpot sa aking likuran.Kinilabutan na naman ako paano kung totoo nga na may kapre nagka gusto sa akin,sa ganda ko pa naman na ito hindi malabo mangyari 'yun.Natawa naman ako sa naisip ko. "NAY!!!! NAY!!!!! TUMAWAG KA NG ALBULARYO SI ATE TUMAWA NG MAG ISA!" Bigla ako napatingin sa hinayupak kung kapatid,kaya naman nakatikim ito sa akin nang matinding pingot sa tenga.Napailing iling na lamang si Itay sa aming magkapatid. "Aba!! ano ba naman kayong dalawa magkapatid!! Ang lalaki niyo na naghahamagan pa kayo.Ikaw Brendon,Huwag mo ngang tinakot yang ate mo alam mong paniwalain yan!" Isa pa itong si nanay kanina lamang ay nag aalala ito sa akin ngayon ay natatawa na rin sa kalokohan ng kapatid kung mapang asar. "Nay, naman kanina lang nag aalala ka eh ngayon tinatawanan mo na ako." Nakanguso kung wika kay inay,Lumapit ito kay itay na ngayon ay nagbabasa pa rin ng dyaryo. "Haizt,,, nakausap ko si Belen d'yan sa kusina sa sobrang kaantokan mo raw kagabi natumba ka sa may dingding d'yan sa labas natin. Kaya ka may gasgas nangasabihan ko nga yang si Belen na 'yan. Hindi ko pa rin naalala ang sinasabi ni nanay na napagasgas ako sa dingding sa labas namin.Napatingin naman ako rito bakit naman nito pinagsabihan si belen. "Nay,bakit ano naman ginawa ni inang belen?at pinagsabihan niyo?." Sinubuan nito si tatay ng tinapay bago tumingin muli sa akin. Ang sarap lamang tingnan pag ganito ka sweet ang aking mga magulang. "Paano nakita ka na pala sa ganung sitwasyon hindi man lamang kami kinatok ng sana ay naipasok ka namin ng tatay mo dito sa loob.Hay, naku!!! wala rin concern yang chismosang si Belen!!" Natawa ako sa itsura ni inay may pag ikot pa talaga ang mata nito sa kabila ng kahirapan namin,punong puno naman kami ng pagmamahalan. "Ha ha hayaan n'yo na inay si inang Belen,Alam mo naman sa chismiss lang 'yun maasahan eh,papasok na muna ako sa kwarto inay." Wika ko kay inay,nagpaalam na ako sa mga ito inaantok pa rin ako kahit nakatulog na ako pakiramdam ko ay gising ako magdamag. "Sandali lang Sir! Ikaw na naman? t-teka anong ginagawa ko ulit dito?" Ang alam ko ipinikit ko lamang ang aking mata at sa pag mulat ko nandito na naman ako sa harap ng dagat kung saan ang maliwanag na buwan ay lalong nag ni-ning ning sa sobrang liwanag. "Alam ko darating ka ulit!" Wika nito habang nakangiti sa akin.Lumapit ako dito at sabay namin pinagmamasdan ang liwanag ng buwan mas nagliwanag ito ngayon. "Paano mo naman nalaman na babalik ako rito Sir!" Tinuro nito ang malaking buwan,sabay tingin sa akin na nakangiti. "Alam ko darating ka dahil nagliwanag ang buwan na 'yan!" Wika muli nito na kinakunot naman ng noo ko,Hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin.Mukhang na halata naman nito ang pagtataka sa akin mukha. "Noong una gabi dumating ka rito. Unti unti nagliliwanag ang malaking buwan na 'yan at ngayon nga na mas nagliwanag 'yan alam ko darating ka!" Nakakunot pa rin ang aking noo hindi ko ma-gets ang ibig sabihin nito.Samantalang natawa naman ito sa itsura ko hinila ako nito sa kamay at inayang umupo kami sa buhanginan habang pinagmamasdan ang malaking buwan na nakakasilaw sa liwanag.Ang payapang dagat na tanging ang paghampas lamang ng alon nito ang maririnig sa lugar na ito. Nakaramdam ako ng kapayapaan,ipinikit ko ang aking mata dinama ko ang sariwang hangin na dumadampi sa aking mukha. "Ito na ata ang pinaka magandang View ang nakita ko sa buong buhay ko." Napamulat ako bigla at nakita ko ang magandang mga mata ng tanging lalaki kasama ko sa mahiwagang islang ito. "Ah, anu ba! sher! naman nakakahiya baka mag blush ako n'yan sa sobrang pagkakatitig mo huh! ako lang ito Sher!! ha ha ha." Natawa ito ng malakas sa pagtawa nito pati ang mata nito ay tumatawa mas okey ang itsura nito ngayon kesa noong nakaraang gabi nakita ko ito dito. "Ayan dapat ganyan lang happy lang he he he mas bagay sayo ang nakangiti sir." Binigyan ako nito ng makalaglag panty ngiti kaya naman ang puso ko ay gusto na ata kumawala sa aking dibdib sa sobrang bilis ng pag t***k nito. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong kakaibang pagtibok ng puso.Alam ko nag blush ako dahil naramdaman kung nag init ang aking mukha,Lalo pa nga ng muli itong tumingin sa akin nang naka ngiti. "Anu ba sher!! ha ha wag mo ako katitigan baka tuluyan ng mawalan ng garter ang aking panty eh.ha ha ha" Tumawa na naman ito ng malakas. Kaya naman natawa na rin ako sa mga pinagsasabi kung kalokohan.Nakaramdam ako ng kasiyahan dahil sa dami kung problema iniisip unti-unti ko itong nakakalimutan ng dahil sa gwapong lalaki kasama ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD