Chapter 7

890 Words
?Love, look at the two us strangers in many ways ? We've got a lifetime to share , So much to say and as we go from day to day ?I'll feel you close to me but time alone will tell Let's take a lifetime to say, I knew you well? For only time will tell to us so, And love will grow for all we know? Pumainlanlang ang paboritong kanta ni Emerald sa apat na sulok ng pamosong cathedral sa kanilang lugar. Nakahawak sa braso Ng ama, dahan dahang lumakad si Emerald sa gitnà ng aisle patungo sa altar kung saan nag aantay ang napakakisig na binata sa suot nitong white tuxedo. Lalaking pinangarap nya at ng halos lahat Ng mga kababaihan sa kanilang lugar na makasama habang buhay katabi Ng bunsong kapatid na si Elias na abot tenga ang ngiti. "Kuya look, ate emerald is so beautiful" siko nito sa kanyang kuya na hindi mabasa ang reaction sa mukha nito. Tumingin lang Ng seryoso at walang kangiti ngiti si Vincent sa kapatid. "Suplado, lamang ka lang Sakin Ng isang paligo eh" Elias murmured, at muling tumingin sa direksyon ni Emerald na marahang naglalakad sa aisle ng simbahan. Mistulang tunay na prinsesa ang dalaga sa suot na trahe de moda na gawa ng pamosong fashion designer sa kanilang lalawigan na nakabase na sa ibang bansa. Halos walang ginawang adjustment sa Damit pangkasal dahil halos magkasing katawan lang sila ng kapatid, mas bagay pa nga daw sa kanya ang wedding gown papuri ng designer. Nagtataka man ang mga tao sa loob ng cathedral kung Bakit ang bunsong anak ng mga Buensuceso ang bride, walang anumang pagtutol sa kanilang mga mukha, bagkus ay paghanga at tuwa. Kilala Nila na ang bunsong babae Ng mga Buensuceso ay mabait, at bata pa man ito ay malapit na sa panganay na anak ni Don Federico Zobel de Ayala. Di makapaniwala si Emerald na magiging kabiyak na Niya ang kanyang kuya Vincent,na sa puso nya mula bata ay iniibig na nya. "Yaya, tama po ba gagawin ko? Magpapakasal ako sa lalaking hindi ako Mahal? Tanong ni Emerald sa kanyang yaya bago pumunta ng simbahan. "Anak, mabuting bata si Vincent, matagal mo na siya kilala at nung bata ka pa close kayo,di ba nga kuya Vincent pa tawag mo sa kanya" Hinagod ni yaya Lorie ang lampas balikat na itimna itim na kulay Ng buhok ng alaga. "Pero yaya,hindi ako Mahal ni Vincent,ang ate Kristina ang Mahal nya." Parang naiiyak na sagot Ng dalaga. Kahit tumawag ang kapatid kanina umaga sa kanya at sinigurado na hindi ito nagagalit sa nangyaro bagkus ay natulungan pa umano siya ni Emerald na hindi matuloy ang kasal Nila dahil sa oportunidad sa ibang bansa na di nya kaya talikuran, at hindi nag desisyong umuwi mula sa connecting flight pauwi ng Pilipinas at bagkus ay bumalik na lang ito. "Ang batang ire, anak alam ko matututunan ka ring mahalin ni Vincent hindi lang bilang isang kapatid kundi bilang asawa at kabiyak ng puso nya" "Sana nga yaya na pangsamantala lang pagka suklam Sakin ni Vincent" "Oh Hala tama na, at baka masira pa make up mo..." Saway ng yaya Ng dalaga sa alaga. Ng biglang bumukas ang silid ni Emerald. "Yaya Lorie, antayin mo na lang kami ni Emerald sa sasakyan" ang ama ng dalaga "P..pa..." Masuyong hinaplos Ng ama ang pisngi Ng anak. "Princess..my sunshine.." Parang may garalgal sa boses Ng don ng yakapin ang anak. "Papa..I'm Soo sorry" pinipigil ni Emerald ang maiyak.. Sapo Ng dalawang palad, iniharap Ng don ang mukha Ng anak sa kanya. "Sssssh..you don't have to say sorry my sunshine, love Vincent with all your heart, alam ko Vincent will love you back even more,...he will love you more than to your ate Kristina" may pagmamahal na sagot nito sa anak. "Ooh papa" at muling yumakap ang dalaga sa ama. "Asan man ang mama mo, alam ko masaya siya anak, anuman mangyari bilang papa mo or daddy andito lang ako anak" "Thanks Pa for being a loving father" "Oh tara na at baka nag aantay na si Vincent sa simbahan" Napapitlag na lang si Emerald ng nasa harap na siya Ng lalaking iniibig. "Please take good care of my daughter iho" presenta Ng don sa binata sa anak na si Emerald. Ngumiti ng tipid lang ang binata at nakipag kamay sa ama ni Emerald. Hindi na malaman ni Emerald kung pano sila nagpalitan ng "I do" ng binata sa samot saring damdamin sa dibdib Niya, She feels ambivalent whether she feels very thrilled at sad at the same time,pero sigurado sit na sobrang saya ang nangingibabaw sa puso nya. "You may kiss na bride" napapitlag si Emerald ng maramdaman ang mainit na dantay ng dalawang palad Ng binata sa maliit nyang mukha. Saglit rumehistro ang pagtataka sa mukha Ng binata, dahil sa pamumula ng mukha Ng kanyang bride, Feeling virgin,sa loob loob ng binata,at inilapit nya ang kanyang mga Labi sa medyo nakaawang na Labi Ng dalaga. At hindi nya maitatangging may pinaka swabeng Labi ang kanyang napangasawa at medyo lumambot mukha nya, ngunit muling bumalik sa pagiging malamig pag naaalala nya ang nangyari sa mansion. Nagpalakpakan ang mga tao at di maitatanggi ang kasiyahan sa mga mata at mukha Ng mga nakasaksi ng kasalang iyon ng dalawang maimpluwensiya at kilalang angkan sa kanilang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD