LAYKA
Aray!aray!tama na ho tita!huhuhu ang sakit pinalo lang naman niya sa akin ang walis tingting na nasa labas, naabutan ko siyang nagwawalis dito sa bakuran namin,Hindi ko kasi nawalisan kaninang umaga dahil medyo nalate ako ng gising.
Kaya ito ang bumungad sa akin paggaling sa school,namamaga na ang binti at braso ko dahil sa walis na ginamit niya.para siyang demonyong nagbalat tao,dahil sa walang tigil niyang paghampas sa akin, minsan tumama pa sa ulo ko,sa likod sa harapan ko na kahit may bag akong sinangga sa bawat palo nya ay masakit parin dahil sa kamay ko naman tumama.
Kaya ang siste sa likod naman siya pumalo at dahil sa ginawa niya nagsilabasan na tuloy yung mga kapitbahay kong tsismosa.
Ay dios ko,carla tama na yan!
Maawa ka sa bata!
Tumawag ka ng bantay bata 163 mareng joy,ng makulong yang babaeng yan.
At sa narinig huminto agad si tita sa mga kapitbahay namin,huminga siya ng malalim bago nagsalita.
Denidesiplena kolang ang pamangkin ko hindi niya kasi ginawa ng maayos ang trabaho niya dito.kaya wag kayong makialam para din naman sa kanya to ng matuto siya sa gawaing bahay!
Asus!ang sabihin mo ginawa mong katulong yang pamangkin mo!simula ng dumating yan wala na kayong ginawa kundi alilain siya.tingnan mo yan,ang payat na niya,marami ding sugat gawa ng pagmaltrato nyu sa kanya.
Pwedi kang makulong jan sa ginawa mo,sapat na yang mga ebedinsya sa katawan ng bata, mga latay at piklat niya may bago na may luma pa.
Kung hindi ikaw ang bobogbog sa bata yang mga anak mo naman tapos yung asawa mo rin na batugan!idagdag pa ngayun sa dami ng ebidensya tsak! na makukulong ka!kasama yang magama mo!
Si aling leleth,isa sa saksi sa pinaggagawa ng tita ko at mag ama niya, dahil sa tuwing nabobogbog ako sa kanya ako kumaripas ng takbo.putok ang labi at may mga pasa pa ako.may mga sugat pa nga minsan dahil kong ano nalang madampot nila yon din ipangpapalo nila sa akin.
Minsan ang ulo ko yung tinamaan noon ng kaldero ng binato ni tito Roy,pumutok ang ulo ko noon dahil sa lakas ng pagbato niya,at nahimatay din ako pero parang wala lang sa kanila dahil hinayaan lang nila ako, paggising ko tulog na silang lahat,kaya wala na akong ibang ginawa kundi umiyak at naglatag ng banig,para matulog na din.dito lang din sa may kusina ang tulugan ko.
Kahit kumirot ang sugat ko noon binaliwala ko nalang yon dahil sa sobrang antok.kinabukasan noon parang wala lang sa kanila patuloy parin nila akong inuutosan akala mo normal lang na araw sa kanila.
Minsan pa papasok ako sa skwelahan ng walang kain dahil inuubos na daw ng anak nila kong gusto ko daw kumain magluto daw ako ulit para may pananghalian na.
Ang lupit nila parang hindi kamag anak ang turing sa akin,sinabi kuna kabaliktaran lahat ng nangyari sa akin dito at sa mansion kong doon buhay prinsisa ako dito masahol pa sa hayop ang turing nila sa akin.
May time pa na pagnagkamali ako sa trabaho gaya ng nasunog ang sinaing dahil hindi naman talaga ako marunong.kaya ang parusa kong isang araw akong nakakulong kasama ang aso nila.
Mabuti ngat hindi naman nangangagat si botyok.kaya kahit papano kampante ako pagkinulong nila ako sa kulungan ni botyok.naging kasundo ko pa ang aso minsan nga ginagawa kong unan ang tiyan niya.minsan pa ang pagkain ni botyok anh naging pagkain kona rin dahil sa tindi ng gutom.
Hindi ko alam kong makakaya ko pa,kaya laking pasalamat ko kay aling leleth dahil minsan sa kanila ako kumakain,lagi niya akong sinabihan na isumplong kuna sila sa may kinaukolan pero hindi ako pumayag kasi nga siya nalang nagiisang pamilya ko na akala ko wala na.
Hindi ko alam kong bakit ganito ka tindi ang dagok sa buhay ko,akala ko noon,!noong nawala sila nanay, tatay at lola ay yun na yong matinding nangyari sa akin .
Yun pala patikim lang yun dahil sa mas matunding Hirap na danasin ko sa kamay ng pamilya ng tita ko.
Tiniis ko ang lahat dahil wala naman akong ibang mapuntahan,nagsisi tuloy ako kong bakit hindi ko man lang nakuha ang kompletong address nila kuya Jackson,di sana doon na ako tumakbo.
Nagsisi man huli na, dahil ito na ako ngayon,puro pasakit at paghihirap nalang ang dadanasin ko sa pamilyang to, minsan na immune na ako sa mga bogbog nila kaya minsan mas lalo silang lumalala dahil nakita nila sa muka ko na parang baliwala nalang yung mga sapak nila at palo sa akin.kaya mas doble yung pagmaltrato nila sa akin.minsan binubusalan nila ang bibig ko para hindi marinig ng kapitbahay.
Pag ganun na akong sitwasyon hiniling ko nalang sa kanila na patayin nalang ako,para matapos narin ang paghihirap ko.
Pero tinawanan lang nila ako,dahil kong gagawin nila yun wala na silang mautusan dito .
Isa ka nalang carla,at hihimas na kayo sa rehas,hindi na ako makakapayag na mamaltratuhin nyu siya ulit,malaman at malalaman ko ang mga pinaggagawa nyu.!
Huwag nyung sayangin ang natitirang malasakit sa inyu ni layka,kaya hindi kapa niya nasumbong sa pulisya.pero pag umulit kapa!kayo ng mag ama mo,humanda kayo dahil kami na mga kapitbahay nyu ang magsusumplong sa inyu sa pulisya!
Oo nga!
Sabay sabay na sabi nila!wala na akong ginawa ngayon kundi umiyak akala ko talaga wala din silang pakialam sa akin yun pala humahanap lang sila ng tyimpo.at ito nga nakita nilang lahat nangyari kaya hindi na nakatiis.
Ipalala kolang sayo nakalista na kayo sa baranggay ako mismo ang nagsumplong sa inyu,kaya isang pagkakamali nyu lang kayong lahat sa kulungan magpapasko!
Tama yan!
Pasko na pala hindi ko man naramdaman,wala din naman akong pakialam sa pasko,dahil para akin ang pasko ay para sa pamilya lang hindi katulad kong ulila na.
Halikana dito layka,lilinisan natin yang sugat mo,
At kung ayaw nyu sa kanya sa akin nalang tong bata total wala naman kayong kwentang kamag anak!
Mga walang puso!
Kung magdesisyon man si layka ngayon wala pang isang oras nasa kulungan na kayo! pagkatapos nun tiningnan niya ako at inalalayan na patayo.
Halikana hija,sinabi ko naman sayo sa bahay ka nalang eh.
Mabuti pa ang ibang tao may malasakit ang kamaganak ko mismo wala!dala ng pagod nahimatay na ako.
Layka!
Diosko maryusip!
M.A stories
Peesbook:
maammzenum
IG: MISSAMLA