"Coffee, 'nak?" Kinusot-kusot ko ang mata na medyo pipikit-pikit pa. Kagigising ko lang kasi. Sabado ngayon at ngayon dapat medyo mahaba-haba ang tulog ko pero nandito pa si dad kaya hindi ako mag-aaksaya ng oras. I can sleep anytime anyway. Tumango ako sa kanya. "I'll just wash my face," sambit ko at binati sila ng good morning isa-isa. Si lolo lang ang wala sa hapag at si Xan. Pagkaalis ko ay narinig kong itinuloy nila ang pagku-kwentuhan. Tito Ricky has the loudest laugh among them. Napangiti ako nang makapasok sa CR. Ang saya lang kasi nilang panoorin. Sa tuwing nagpupunta sila daddy rito ay mistulang nagkakaroon ng mini reunion. Napaatras ako nang magulat sa presensya ni Xan pagbukas ko ng pinto ng CR. Papasok siya sa loob ng bahay at medyo pawis na. Kasunod niya ay si lolo na g
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books