Malalakas ang t***k ng puso ko sa halo-halong emosyon. Dulot ng kaba, ng pagod dahil sa pagmamadali, at dahil sa hindi magandang panaginip na kahit hindi ko maalala ay may kakaibang kirot pa rin sa dibdib ko. I woke up late today. Lunes na lunes at mukhang male-late pa kami ni Xan dahil sa akin. They were already at the table when I was just about to take a bath. Bumati ako sa kanila at sinabing mauna na silang kumain. Xan is already ready to go to school. Nakaayos na ito at ako nalang talaga ang hinihintay. Damn. "Tapos ka na, Chanda?" tanong ni Tito Ricky mula sa labas. Dali-dali akong nagpaalam kay lola. Binigyan ako nito ng sandwich dahil hindi ako nakakain ng maayos. I smiled and waved at her. Wala pa sa ayos ang buhok ko pero bahala na. We arrived at the school just in time. Than