Wow! Ang daming bunga ng mga tanim nila. Halos nakanganga na ako habang pinapasadahan ng tingin ang malawak na taniman. May hawak akong basket habang nakasunod kay lolo. It's been two days after we visit the center. Nakabalik na raw sa kani-kanilang bahay ang mga nandoon at ang mag-lola ay nakauwi na rin ng maayos. I hope I can meet them again soon. Gayunpaman ay medyo naging abala pa rin si Tito Ricky sa pagtulong sa mga nasalanta. Tumutulong silang maglinis kaya si Xan lang at si lolo ang siyang nag-aasikaso ng bukid ngayon. And now, I offer to join them to harvest some fruits. Kasama rin namin ang mga kaibigan ni Xan dahil madami-dami ang iha-harvest. "Chanda, lika rito!" Hinawakan ko ang suot na balanggot, sombrero iyon na ginagamit pangbukid. Lumapit ako kung nasaan sila Daniel.