Dahan-dahan akong nagmulat ng mata nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Blanko pa rin ang isipan ko at hindi maproseso ang nangyari. I was scared, no scratch that, I am still scared. His brows drew nearer to each other. Unti-unti niyang kinalas ang pagkakahawak sa akin pero agad ding ibinalik nang muntikan na akong matumba. Pinanood ko siyang magkamot ng noo habang pinapakinggan ang malalakas na t***k ng puso ko. I can't hear anything except for that loud beating. I can't see anything except for the man in front of me. And my mind is blank. It was as if I'm in between life and death even if it's not the case. "Anong nangyari sa'yo?" Inagaw ko ang kamay mula kay Xandro saka kumurap-kurap. Iginala ko ang paningin sa paligid at napansin na wala namang kakaiba. Tahimik lang at nasa