Nagkatinginan kaming dalawa. Nanatiling gumugulo sa isipan ko ang mga tinuran niya. Gusto ko siyang biruin sa pagsasalita niya ng english pero mas nanatili ang seryosong parte ng pagkatao ko. For a moment, I knew he was right. Maybe it was my own thinking. No, it wasn't maybe. It is my own thinking. Nagulat kami pareho nang sumindi ang ilaw sa paligid. "May kuryente na!" Sabay naming turan saka patakbong pumasok sa loob ng bahay. "Happy birthday!" Sigaw ni Xan bago hinipan ang kandila. Ako naman ay nagtatakang nakatingin sa tabi niya. Sinong may birthday? "Birthday mo?" Kuryosong tanong ko na sinagot niya ng tawa. "Hindi nga?" "Hindi. Nakasanayan lang kapag iihip ng kandila pagkatapos ng brownout." Seriously? "Can I try?" May isa pa namang kandila na nakasindi. Gamit ang kamay ay