Chapter 6

1043 Words
"Wala naman ah! Baka naman anino ko lang ang nakita mo?" Nalilitong sabi ni Marlyn habang yakap yakap niya ang anak nito. "H-hindi po, Mama! M-maliwanag na maliwanag ang nakikita ko. H-hindi yun anino." Nangangatog si Mary sa takot. Nakakapangilabot kasi ang itsura ng babae ng makita niya iyun. "Nakapagtataka!" Yun nalang ang nasabi ni Marlyn. Napaisip nalang siya kung sino ba iyun. Sino na naman ang babaeng iyon? Pagsapit ng gabi ay agad na sinabi ni Marlyn sa asawa niya ang nakita at sinabi ni Mary . "Ano!? Sino naman yun?" Tanong ni Jeffrey. "Hindi ko din alam. Baka, bukod kay Oliver ay may namatay pang iba." "Eh, kung ganun, problema na naman natin 'yan. Mas Mahirap ngayon kasi hindi natin alam kung sino yun?" "Takot na takot ang anak mo kung nakita mo lang siya kanina. Ayun nga't binabantayan ni Nanay sa kwarto niya eh." "Ganun ba kawalangya ang anak natin at binabalikan na siya ng mga nagawan niya ng Kasalanan? Mamamatay tao ba si Mary?" "Kasalanan natin ito eh, kung hindi sana natin siya pinabayaan ay hindi mangyayari ito." **** "Lalabas lang ako, Apo. Maiihi ako." Paalam ni Merlinda. "Bilisan nyo po ah? Natatakot ako." Tinignan lang ni Merlinda ang Apo. Naawa siya dito. Na t-trauma na ito sa mga nakakatakot na nakikita niya. "Oo, Apo, babalik kaagad ako." Lumabas na sa kwarto ni Mary si Merlinda. Naiwan dun na mag isa ang Apo niya. Palingap-lingap si Mary. Natatakot ito. Natatakot siya na muling magpakita ang babaeng nakita niya sa salamin. Mayamaya, habang nagbabasa ng message si Mary sa Cellphone niya ay bigla nalang siyang nakarinig ng boses na tila nanggagaling sa ilalim ng lupa. "Bilang nalang ang araw mo sa mundo." Isang ume-echo at nakakatakot na boses. Bigla siyang kinalibutan. Hindi niya alam kung ano ang ibig ipahiwatig nun sa kanya. Umupo siya sa kama. Nilingap niya dahan-dahan ang buong paligid. Wala siyang nakita. Isa nalang ang naisip niya. Dahan-dahan niyang sinilip ang ilalim ng kama. Ganun-ganun nalang ang gulat niya ng makakita siya ng babae. Babaeng duguan. Nakahiga ito sa ilalim ng kama na tila ba'y nasa burol ito at may hawak pang bulok na bulaklak. Sa sobrang takot ni Mary ay nagtalukbong siya ng kumot at saka nagsisigaw. **** "Miss ko na si Mary." Sambit ni Olivia habang hinihigop ang Strawberry shake niya. "Kaya nga. Miss ko na pagiging b***h niya hahaha!" Sambit naman ni Luz. "Wag nyo nang pangarapin pa na makasama pa siya." Biglang sambit ni Alice. "Ibang iba na siya ngayon. Hindi niyo na siya makikilala. Napakatino na niya ngayon. Hindi na siya b***h gaya ng akala nyo." Napukaw ang tingin nila kay Shaira. "Paano mo nalaman? Ni hindi mo pa nga siya nakikita eh." Sambit ni Luz habang gulat na gulat na nakatingin kay Shaira. "Bakit hindi nyo itanong kay Alice. Nakita na niya si Mary. Kaya pala matagal siyang nawala ay nag ka amnesia siya." Sabi ni Shaira. Nagulat silang lahat. Hindi sila mapakaniwala sa sinabi ni Shaira. "Ano!? Totoo ba, Alice?" Gulat na gulat na tanong ni Olivia. Sumiryoso ng tingin sa kanila si Alice bago ito sumagot. "Oo, tama si Shara. Totoo lahat ng sinabi niya. Saka, pinag sabihan na ako ni Tita Marlyn. Layuan na daw natin si Mary. Masama daw tayong impluwensya sa kanya." "So, bakit siya nag ka amnesia? Anong nangyari? " Tanong ni Luz. "Sabi ni tita Marlyn ay nakaasidente daw sila ni Oliver. At maswerte na nakaligtas si Mary. Pero si Oliver hindi dahil namatay siya." "Oh my God! Alam ko diba, niloloko niya lang si Oliver? Diba siya ang totoong pumatay sa parents nito? What if, hindi aksidente ang nangyari? Paano kung si Mary ang pumatay sa kanya. Alam nyo naman diba kung gaano ka dimonyita ni Mary..." Ngumisi si Luz. "May kutob din ako na baka ganun nga ang nangyari." Seryoso si Shaira. "Kung ako yun, hindi matatahimik ang kaluluwa ko. Mumultuhin ko si Mary. Hahaha!" Nagpapatawang sabi ni Olivia. **** Agad na nagtatakbo sina Jeffrey, Marlyn at Merlinda sa taas ng bahay ng marinig nilang nagsisisigaw si Mary. Pag pasok sa loob ng kwarto ay nakita nilang nakatalukbong ng kumot si Mary. Nanginginig ito at hindi matigil sa paghihiyaw. "Anak, nandito na kami." Biglang sambit ni Marlyn. Agad namang nangunyabit si Mary dito. Si Jeffrey, nakatingin lang kay Mary. Iniisip niya, na lalong makakasama kay Mary ang ganun, kapag nagtuloy tuloy pa ito. Ngayon pa lang kasi nakakaahon si Mary. Noon kasi ay tahimik ito at walang kibo. Nitong nakaraang buwan lang siya nakapag salita at laking tuwa nila yun. "Ano bang nangyari at nagsisigaw ka? Pangalawang beses na yan ah?" Tanong ng nag aalala na si Merlinda. "Yung babae nagpakita ulit. Nasa ilalim siya ng kama. Nakakatakot siya. " Sagot ni Mary. Agad naman na sinilip ni Jeffrey ang ilalim ng kama, pero wala naman siyang nakita dito. Naramdaman ni Marlyn ang basa niyang balikat. Tulo yun ng mga luha ng kanyang anak. Awang awa na siya sa nangyayari dito. "Wala naman ah." Sambit ni Jeffrey. "Kung alam ko lang na mangyayari ulit ito, hindi na kita iniwan, Apo ko." Naawang sambit ni Merlinda habang hinahagod niya ang likod ni Mary. "Akala ko tapos na tayo sa Problema. Ito na naman tayo." Namomoblemang sabi ni Marlyn. "Bukod pa po ba kay Oliver ay may namatay pa bang babae?" Biglang tanong ni Mary. "Hindi namin alam, Anak. Wala kaming alam na may namatay na babae na malapit sayo." Doon ay totoo na ang sinasabi ni Marlyn. Hindi talaga nila alam kung sino ang babaeng iyun. "Eh, sino siya? Bakit siya nagpapakita saakin? Bakit ba kasi nawala ang lahat ng ala-ala ko? Ang hirap ng ganito! Kung mangyayari lang din pala ito ay sana namatay nalang din ako." Habang umiiyak si Mary ay nagulat nalang siya ng makarinig ito ng mahinang pagbulong sa tenga niya. Boses na parang nanakot. "Wag kang mag-alala. Malapit ka na naming sunduin." Doon, napalaki ang mata ni Mary. Tinignan niya isa-isa sina Jeffrey, kung nadinig ba rin nila ang bulong nayun. "N-narinig nyo ba yun?" Takot na takot na tanong ni Mary. "Ang alin?" Naguguluhan na tanong din nila Marlyn at Jeffrey. Dahil doon ay lalo ng nangatog sa takot si Mary. Konti nalang ay mababaliw na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD