Chapter 8

870 Words
Pilit na iniisip ni Alice kung ano ang ibig sabihin ng Message nayun. Feeling niya kasi ay may nag babanta sa buhay niya. Nag group message siya sa mga kaibigan niya. Sinabi niya ang natanggap niyang message. Mayamaya ay agad-agad narin silang nag reply kay Alice. "Oh my god! Nakatanggap din ako niyan." Reply ni Shaira. "Ako din, nakatanggap ako niyan!" Reply ni Olivia. "May natanggap din ako niyan. Ang creepy! 666 pa yung number." Reply naman ni Luz. "What?! Lahat tayo nakatanggap ng ganito? May nangt-trip kaya saatin?" Reply ni Alice sa lahat. Habang todo sa pag t-type si Alice sa kanyang Cellphone ay nagulat ito ng biglang malaglag ang picture nila ni Mary. Nabasag ang salamin nung picture frame. Nagtaka siya kung bakit nangyari yun. Wala naman kasing hangin o hindi naman lumindol, kaya bakit nahulog iyun at nabasag? **** Pag uwi ni Marlyn sa kanilang bahay ay agad siyang nilapitan ni Jeffrey. "Dear! May plano ako." Bungad na sabi ni Jeffrey. Tinignan lang siya ni Marlyn. Alam kasi niyang magaling iisip ng plano ang asawa niya. Hindi sila nabibigo kapag ito ang gumawa ng desisyon. "Ano na naman? Anyway, nakausap ko na ang mga kaibigan niya. Tama nga tayo. May namatay ngang babae at si Elaine pa pala yun." Nagulat si Jeffrey. Kilala kasi nila si Elaine. Mabait itong bata. Naging tauhan nila ito noon sa kompanya nila. "Si Elaine? Bakit? Anong nagawa ni Elaine sa anak natin at pinatay niya ito?" Tanong ni Jeffrey. "Hindi si Mary ang pumatay sa kanya. Si Oliver. Pero dahil narin kay Mary kaya siya namatay. Nag sinungaling si Mary kay Oliver. Sinabi niyang si Elaine ang nagpapatay sa magulang ni Oliver. Na ang totoo namang palang nag papatay ay ang anak mo din." Labis na nagulat si Jeffrey sa sinabi ni Marlyn. Hindi niya lubos maisip na ganun ganun nalang kung pumatay ang anak niya. "Bakit nagkaganun ang anak natin? Ang dami na niya palang nagawang kasalanan. Pinalaki ba natin siyang masama?" Nadismaya ang mukha ni Jeffrey. Feeling niya ay isa na talagang kriminal ang anak niya. Na ang totoo ay kriminal na talaga. "Dont worry dear, walang makakaalam niyan. Pinagsabihan ko na sila Alice. Nangako silang itatago nila ito. At ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong ni Marlyn. "Pumunta tayo ng America. Magbakasyon muna tayo kahit ilang buwan. Isama natin ang nanay mo." Yun na lang naisip ni Jeffrey na paraan. Dun daw ay mas iigihan nilang bantayan at alagaan si Mary. Inaasahan din niyang baka hindi na sila masundan ang kaluluwa na nagpapakita kay Mary. "Gusto ko yan. Sana naman ay doon ay hindi na tayo masundan pa ng mga ligaw na kaluluwa." Masayang turan ni Marlyn. **** Makaraan ang dalawang araw ay lumipad narin sila patungo ng America. Habang lumilipad pataas ang Eroplano ay nakatitig si Jeffrey sa anak niyang si Mary na nakadungaw sa Bintana. Isip isip niya parin ang nalaman niyang pag patay nito kila Oliver, Elaine at sa parents ni Oliver. Iniisip ni Jeffrey na sana ay walang matanggap na karma ang anak niya. Naniniwala kasi si Jeffrey sa karma dahil ilan lang sa mga kaibigan niya noon ay nakaranas noon. Pagdating nila sa America ay agad na nag check-in ang buong pamilya ni Mary sa isang Hotel. Pagod daw kasi ang mga ito sa haba ng biyahe nila. Tumagal sila ng ilang buwan sa America. Masaya silang namuhay doon. Labis din ang kaligayahan ni Mary na wala na siyang nakikitang kung ano mang nakakatakot na kaluluwa. "Happy birthday,Dear." Biglang sambit ni Jeffrey ng lumabas sa kwarto si Marlyn. "Happy birthday, Mama." -Si Mary. "Happy birthday, Anak." -Si Merlinda. "Salamat sainyo. Akala ko ay nakalimutan nyo na eh." Malambing na sabi ni Marlyn. "Hinding hindi namin makakalimutan ang kaarawan ng taong mahal namin. Tandang tanda namin yan. November 30. Saka kakalimutan kaba namin eh, mahal na mahal ka namin. Diba, anak, diba Nay?" Sambit ni Jefrrey. "Tama si Jeffrey. Hindi namin makakalimutan yan, anak." Sambit ni Merlinda at saka niya hinagkan ang anak. "Hipan mo na ang kandila, Mama!" Masayang sambit ni Mary habang hawak-hawak niya ang Cake. At hinipan na nga ni Marlyn ang kandila. Matapos nun ay masaya silang kumain ng mga pagkaing niluto ni Jeffrey at Merlinda. Habang kumakain ay nag uusap ang mga ito. Hanggang sa maitanong ni Jeffrey kung saan ba gusto ng pamilya niyang mag pasko. "December 1 na bukas, Saan nyo gustong mag pasko?" Biglang tanong ni Jeffrey. "Oo nga. Dito na ba tayo mag papasko?" Tanong din ni Marlyn. "Ako kahit saan. Basta ba buo ko kayong kasama eh, masaya na ang pasko ko." Sambit ni Merlinda habang todo siya sa pagkain ng Carbonara. "Ikaw ba anak? Saan mo gustong mag pasko?" Biglang tanong ni Jeffrey sa tahimik na kumakain na si Mary. "Kung ako po ang tatanungin nyo, gusto kong umuwi ng Pilipinas. Doon tayo mag pasko. Mas dama ko ang pasko doon." "Gusto nyo ba yun?" Tanong ni Jeffrey kay Marlyn at Merlinda. "Siguro naman ay wala na siya. Natahimik na siguro ang kaluluwa niya. Okay lang! Sige umuwi tayo ng pinas, kung yan ang gusto ng anak natin." Sambit ni Marlyn. "Sige, gumayak kayo at bukas na bukas ay uuwi na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD