Chapter 7

651 Words
"Dinig na dinig ko. May bumulong talaga!" Takot na takot na sabi ni Mary. "Wala kaming nadinig." -Si Merlinda "Kaya nga. Wala naman." Sambit din ni Marlyn. "Ano ba itong nangyayari sayo, Mary? Mababaliw na ako sayo." Hindi na alam ni Jeffrey kung ano ang gagawin. Kinabukasan, hinarap ni Marlyn ang mga matatalik na kaibigan ni Mary. Nasa isang mamahalin na Restaurant sila. Sa tingin ni Marlyn ay baka may alam ang mga ito sa mga nagawang mali noon ng anak niya, kaya nakipag kita ito sa kanila. "Salamat at pumayag kayong makipag kita saakin, kahit na naging bastos ako nung sinabihan kong lumayo na kayo sa anak ko. May itatanong lang naman ako." Bungad na sabi ni Marlyn kina Alice. "Okay lang po yun. Naiintindihan ka po namin, Tita Marlyn." -Alice. "Sa atin-atin nalang sana ito. Itatanong ko lang kung may nakaalitan bang babae si Mary noon?" Hindi maitanong ang tunay na pakay ni Marlyn. Hindi niya maitanong na bukod ba kay Oliver ay may napatay pa ba itong babae? "Madami po, Tita. Kilala nyo naman po diba si Mary noon? Napakataray po niya." Sagot ni Luz. Prangka kasi ang isang to. "I mean, yung malaking awayan?" Tanong pa ulit ni Marlyn. "Tita, bakit hindi nyo pa sabihin ang totoo nyong pakay. Kung gusto nyo pong itanong kung nakapatay ba siya noon, meron po. Dahil sa kasinungalingan niya ay may namatay na babae ng dahil sa kanya. Si Elaine yun. At hindi lang siya. Pati ang parents ni Oliver ay pinapatay niya din." Nabigla si Alice. Hindi na niya napigil ang sarili niya. Gulat na gulat lang si Marlyn. Pati sina Luz, Olivia at Shaira ay nagulat din. "Totoo ba iyan? Hindi ako makapaniwalang magagawa niya yun." Sambit ni Marlyn kay Alice. Kinuwento lahat-lahat ni Alice, Kung paano pinatay ni Oliver si Elaine. Pati ang pagpatay nito sa mga magulang ni Oliver ay sinabi narin niya. Palagi kasing kay Alice nagk-kwento ito noon. Halos hindi makapaniwala si Marlyn sa napakabrutal nitong anak. Hindi niya lubos maisip na kayang gawin yun ng kanyang anak. Hinawakan ni Marlyn ang kamay ni Alice. Binigyan din niya ng tingin na nagpapaawa sina Shaira, Luz at Olivia. "Parang awa nyo, 'wag nyo sanang sabihin ito kahit na kanino. Ayokong makulong ang anak ko. At kung may natitira pa kayong pagmamahal sa kaibigan nyo, itago nalang natin ito." Pagmamakaawa ni Marlyn. "Opo, Tita. Makakaasa po kayo." -si Alice. Tumango lang din ang iba pa. "At kung pwede lang. Wag nyo nang banggitin yan kay Mary. Gusto ko ay mag simula siya sa pagiging isang mabuting tao. Sa pangalawang buhay niya ay gusto kong mag bago na siya." "Opo, Tita. Ngayon po ay naiintindihan ka na namin kung bakit inilalayo nyo na saamin si Mary. Pero, matanong ko lang po. Bakit nyo po natanong iyan saamin? Bakit po ba may babae po bang nang aaway sa kaibigan namin?" Tanong ni Luz. Sumiryoso si Marlyn. "Wala. Ang totoo ay may nagpapakita kay Mary. Babae. Duguan daw ito. Dalawang beses na nangyaring nagpakita ito sa kanya. Takot na takot siya." "My god! Ang creepy naman! Dont tell me na si Elaine yun?" Sambit ni Shaira na takot na takot. "Oo nga. Si Elaine kaya yun?" Tanong din ni Olivia. "Nakakatakot! Kaya pala. Anyway, nasaan po ngayon si Mary? Ayos lang po ba siya?" Nag aalalang tanong ni Alice. "She's Okay na. Binabantayan namin siya. Hindi namin siya hinihiwalayan at baka may mag pakita ulit sa kanya." Matapos ang pag uusap ay umuwi narin sila. **** Nang makauwi si Alice sa kanilang bahay ay nakatanggap siya ng Text galing sa 666 na number. Nagulat siya. Hindi niya inakalang may ganun palang number. Agad-agad din naman niyang binuksan iyun. "December 24, 2015 ; R.I.P" yun ang nakalagay sa text. Bigla siyang natakot at kinalibutan. May R.i.p pa kasing nakalagay sa text. "What the hell is this?" Yun nalang ang nasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD