Chapter 10 Shawn P.O.V NAPAMURA ako sa hangin at nagngitngit ako sa galit habang tinanaw si Andrei at Ella Marie na papalayo. Gustong-gusto kong habulin sila at bigyan ng suntok si Andrei. Nakakabadtrip! Kanina ko pa sila sinunsundan at mula pa kanina kitang-kita kong masaya sila. And I hate my self dahil hindi ko nakita kay Ella ang ganong kasiyahan sa tuwing ako ang kasama niya. Pakiramdam ko wala akong pag-asa sa kanya kahit na nga akong boyfriend niya. Sumakay ako ng kotse ko at pinaharurut ang sasakyan ko wala akong lugar na pupunta kung saan na lang ako dalhin. Gusto kong makalimot, gusto kong mapag-isa. Hanggang sa napadpad ako sa isang Bar malayo sa Quezon city. Kumuha ako ng Vip room at um-order ako ng alak. Gusto kong magpakalasing para mawala ang sakit na nararamdama ko. Gani