ELLA'S P.O.V. ISANG LINGGO matapos ang na may mangyari sa'ming dalawa ni Shawn ngunit sa loob ng isang linggo na iyon hindi ko na uli nakita si Shawn. Gustong-gusto ko pa naman siyang tanungin sa nangyari sa'min ngunit wala naman siya. Hanggang ngayon tuloy ay tadtad ako ng katanungan sa isip ko. Pinapanood ko ang mga estudyanteng pumapasok at lumalabas ng canteen habang mag-isa akong nakaupo sa mahabang lamesa at iniinom ang milk tea na in-order ko. Hindi ko rin masyadong nagagalaw ang cake dahil nakatuon ang mga mata ko sa pintuan ng canteen nagbabasakali kasi akong makita si Shawn. "Hayss! Nasaan na kaya siya." Kausap ko sa kawalan. "Ella!" Sigaw ni Annaliza habang kumakaway sila sa'kin mula sa pintuan ng canteen. Kumaway rin ako sa kanila at ngumiti pagkatapos hinintay ko silang