CHAPTER 23

2708 Words

ELLA’S P.O.V. “Ella, sino ba ‘yang Slef na ‘yan bakit palagi kang may pa-roses galing sa kanya?” Tanong sa’kin ng kaibigan kong si Loren. Magkakasama kaming apat. Si Loren, Annaliza at Andrei na kumakain ng lunch sa labas ng school. Ngayon lang kasi uli kami nagkaroon ng pagkakataong mag bonding apat. Pinagmasdan kong maigi ang roses na hawak ko, wala naman siyang kakaiba ngunit ang nakakapagtaka paano niya nalaman na narito ako sa lugar na ito. Alam niya ang bahay namin, school ko at hanggang dito alam niya. “Hindi ba nakakatakot iyan? Para siyang stalker mo, alam niya kung saan ka pumupunta?” sabad naman ni Annaliza. Sinisimsim niya ang hawak iniinom niyang straberry juice nang lingunin ko siya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Andrei. Pagkatapos bigla siyang umiwas ng tingin sa’kin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD