RANIA POINT OF VIEW Magta-tatlong oras na akong nandito sa bahay nila tita. Hinahayaan lang nila akong gawin kung ano man ang gusto ko hanggang sa nakaidlip ako. Kakagising ko nga lang. Hindi pa kami nag-kakausap ng matino nila tita. Gusto ko sana silang kausapin at kunsultahin tungkol sa binabalak ko. Pero mukhang abala pa sila. Bumangon ako mula sa kama na hinigaan ko at nagbalak na lumabas ng kwarto. Hindi naman ako maliligaw kasi maliit lang ang bahay nila tita. Bungalow lang ang bahay nila at hindi gaano kalaki. Nagulat pa nga ako pagkarating namin dito. Hindi ko ini-expect na ganito lang pala ang bahay nila. Akala ko kasi nakakaangat sila sa buhay. Iyon pala hindi. Pero nagtataka ako kung bakit ganito ang pamumuhay nila tita. Sa pagkakaalam ko naman pareho silang galing sa mayama