THIRD PERSON POINT OF VIEW Walang pag-aalinlangang pumasok si Rania sa loob ng bahay ng tita niya. As soon as she stepped inside. Everything was so messy. Nagkalat lahat ng gamit sa sala. Pinalibot ni Rania ang paningin sa kabuuhan ng bahay. Sinuyod niya lahat ng bahagi at may napansin siyang bulto ng tao na nakatago. May narinig din siyang mahihinang hikbi. Lumapit siya sa bultong iyon. Hinanda niya ang sarili. "Tita?" Pagtawag ni Rania sa tiyahin. May narinig na kaluskos si Rania at nakita niya rin ang paggalaw ng anino. Hinanda na ni Rania ang sarili. Nanlaki ang mata ni Rania ng makita ang tita niya. Magulo ang buhok at maraming pasa sa katawan. Agad na lumapit si Rania sa tiyahin. "Anong nangyari tita?" Nag-aalalang tanong ni Rania sa ginang. Nahihirapang sumagot ang ginang at