RANIA POINT OF VIEW
Pagka-uwi sa mansyon ay agad akong dumiretso sa aking kwarto. Hindi ko talaga makayanang makasama ng matagal ang lalaking iyon. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing nahahagilap siya ng mga mata ko.
Nasa pangatlong amba palang ako ng hagdanan ng tinawag niya ako.
"We are going to talk Rania. Get back here." Maotoridad na utos nito sa akin. Napairap ako sa kaniyang tinuran. Hindi pa ba siya nagsasawa kakadada?
Hindi niya ba maintindihan na kahit anong sabihin niya hinding-hindi ko siya susundin.
Dahil nga sa likas na matigas ang ulo ko ay tuluyan akong umakyat sa aking kwarto.
Naririnig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Pabalibag kong isinara ang pinto ng aking kwarto. Nilibot ko ang tingin sa aking kwarto.
Dalawampung taon na akong nananatili sa apat na sulok na ito. Nakakasawa na. Hindi na kwarto ang tingin ko sa silid na ito kundi kulungan na.
Kailan kaya ako magiging malaya? Ganito na lang ba talaga ako habang buhay?
Ang dami kong gustong gawin. Gusto kong lumabas sa mundo at maranasang maging normal na tao. Gusto kong makaranas na pumapasok sa eskwelahan. Gusto kong maranasan ang mamasyal sa kung saan-saan.
Ang dami kong gusto pero hanggang panaginip nalang lahat ng iyon. Habang nabubuhay si Samson hinding-hindi ako magiging malaya. Hinding-hindi ko mararanasan lahat ng iyon.
Minsan nga iniisip ko nalang na sana kasama nalang ako nila mama na naaksidente. Siguro magkasama pa rin kami ngayon. Hindi itong nakakulong ako sa lintek na mansyon na ito at dinidiktahan ng Samson na iyon.
Pagod na pagod na ako sa buhay kong ito.
Mabilis akong nagtalukbong ng aking kumot ng tumunog ang pinto. Hindi ba talaga ako pwedeng pabayaan nalang ni Samson?
"I know you're awake Rania. Don't pretend to be asleep. We need to talk." Mababahiran sa kaniyang boses ang galit. Pero hindi pa rin ako nagpatinag.
"Go away Samson! Umalis ka sa kwarto ko!" Singhal ko na nakatalukbong pa rin sa loob ng kumot.
"You are being childish again Rania. You are already twenty years old and yet you are acting like this?" Hindi matatanggi ang inis sa boses niya. Inis? The hell I care!
"Ikaw na nga ang nagsabi diba? I'm already twenty years old. Kaya bakit mo pa ako pinipigilan sa mga gusto kong gawin?! Gago ka ba?!" Naiinis na rin ako. Ang labo niyang kausap!
"You can't always do what you want Rania. Hindi lahat ng gusto mo ang masusunod." Untag niya.
Lumabas ako sa aking kumot at nakakunot ang noong hinarap siya.
"At ano? Lahat lang ng gusto mo ang masusunod? Lahat ng sasabihin mo? Lahat ng desisyon mo?! Oh come on Samson. Spare me with your bullshits!" Tinuro ko siya at tinalikuran. Ang kapal talaga ng mukha niya. Sino ba siya sa inaakala niya?
"Ibinilin ka sakin ng mama at papa mo, Rania. Kaya sa ayaw at sa gusto mo susundin mo lahat ng sasabihin ko. Ang mga patakaran ko!" Hindi na rin niya mapigilang magalit.
"Yun naman pala eh! Ano pa bang ginagawa mo dito ha? Nandito kaba para paalalahanan ulit ako? Hindi na kailangan Samson dahil naka-ungkit na sa akin ang lahat! Lahat ng mag ginawa mo dadalhin ko iyon hanggang sa huling hininga ng buhay ko! At para malaman mo Samson kinamumuhian kita! Sana ikaw nalang ang namatay hindi sila mama. I hate you! I hate you so much!" Hindi ko na napigilan ang mapaiyak dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Tinakpan ko ng aking kamay ang aking mukha at doon napahagulgol.
Naramdaman ko ang paggalaw ni Samson.
Gayon nalang ang gulat ko ng yakapin niya ako.
"Shush. Stop crying Rania. I don't mean to upset you sweetheart. Hush now." Pag-aalo nito sa akin.
Buong lakas ko siyang itinulak. Nandidiri ako sa kaniya.
"Huwag na huwag mo akong hahawakan Samson. Nandidiri ako sayo! Lumabas ka sa kwarto ko! I don't want to see your face! Get out!" Galit kong sigaw sa kaniya.
How dare he comfort me after everything he have done to me and my family?
Wala siyang puso!
"All right. I'll leave you for now. Byt please--."
"GET OUT!!!" buong lakas kong sigaw sa kaniya na hindi na siya pinapatapos sa sasabihin niya.
Akma na siyang lalabas ng kwarto ko ng lumingon siya ulit sa akin.
There's a hint of sadness and pain in his eyes. Tss. Ang galing talagang umarte!
"Get out! Out!" Singhal ko na naman sa kaniya.
Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko at mahinang isinarado ang pinto.
Napasubsob ako sa aking kama at doon napaiyak ng husto.
I hate this life! I really hate this life!