THIRD PERSON POINT OF VIEW Maghapon na umiyak si Rania. Nagkulong lang siya sa loob ng kwarto. Sobrang nasasaktan kasi siya. Hindi niya alam kung ano ba ang nagawa niya noon at pinaparusahan siya ng ganito ngayon. Hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman. Bumangon si Rania mula sa kama at naglakad patungo sa bintana ng kaniyang kwarto. Nakatanaw lang siya sa labas na unti-unti ng dumidilim. Nakauwi na kaya si Zach? Hindi niya mapigilang huwag tanungin ang sarili. Napalingon si Rania sa pinto ng makarinig ng mahihinang katok. Tinatamad siyang naglakad patungo sa pinto at pinagbuksan ang kung sino man. "Bakit?" Matamlay na tanong ni Rania sa isang katulong. "Nandun po sa baba si Attorney Gracia. Hinahanap ho kayo." Magalang na sagot ng katulong. Napakunot ang noo ni Rania dahil d