Episode 21 Life Alessa Magcalas Around 3pm ay pinatulog ko muna ang anak ko. Para naman mamayang gabi ay hindi ito agad matulog at sasama siya sa aming bonfire jamming. Habang tulog si Blaize kasama ang kanyang lolo at lola sa isang guess room ay pumunta muna ako sa isang tabi ng dagat. Mabato rito, mga nagtitipakan kaya naman masarap mag tambay rito. Maulap din ang kalangitan kaya presko, maski hangin na dumadampi sa balat ko ay napakasarap sa pakiramdam. Naramdaman ko na may tao sa likod ko. "Zach, huwag ka ng manggulat," sabi ko sa kanya. Amoy pa lang ng chess nut ay siya na iyon. Walang duda lalo na at iyon naman ang signature niyang amoy noong college pa man kami. "Alam na alam mo na ang presensya ng mga pogi a?" tanong niya bago tumabi sa aking pwesto. "Baka pongi kamo. At p