Episode 27 Naked Alessa Magcalas 1 hour had passed and we already arrive to Barrio Santan. My very own interpretation of green paradise. Naalala ko pa noong bata pa ako, sa tuwing bakasyon ay dadalhin ako ni mama rito para hindi ako ma-bored sa Maynila. Marami kasi akong pinsan dito kaya marami akong nakakalaro. Hindi ako naiinip sa probinsya. May mga ilog kami na napupuntahan dito na ang sarap maligo roon. Siyempre may mga puno na inaakyat namin, gagawa kami ng tree house o kukuha ng mga bunga ng mangga. Maaga pa lang ay gigising na kami para kumuha ng gatas ng baka. Gabi na ay naglalaro pa kami sa daan, nanghuhuli minsan ng tutubi, gagambang palay at siyempre mga alitaptap sa gabi. Ang saya kaya ng childhood ko. Hindi matutumbasan ni mabibili ng kwarta yung mga alaala kong iyon an