Episode 13 Confuse Alessa Magcalas Kung ano mang mahika ang ginawa ni Blake Son. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi na naman ako nakatulog ng maayos kagabi. Kasalanan niya ito e! Hindi lisensya na lasing siya para halikan niya ako. Hindi ako mumurahing babae ano! Baka nakakalimutan niya na malapit na kaming maghiwalay. And all of this doings makes me confuse as hell. Nagising ako ng maaga kahit na masakit ang ulo ko dahil sa kawalan ko ng tulog. Balak ko nga na huwag munang pumasok sa trabaho ko. I'll just inform Jozel later. Hindi rin ako makakapag trabaho na may pumipitig na sentido. I remember how he kiss me passionately that night. Sa pangalawang pagkakataon ay natikman ko ang labi ng lalaking minahal, minamahal at mahal ko. Gusto ko na ngang sabunutan ang sarili ko e. Dahil