2

1745 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full --------------------------------- Wow, sister, este pare... heaven na heaven ang feeling nung makita ko ang ngiti ng hinayupak. Kaya pala nababaliw ang kung sinu-sino dito sa ganda ba naman ng lips, ngipin, at mata pag nakangiti. Talagang ma-mesmerize ka. "Jerry Rodriguez...? Hanep! Artistang-artista ang dating a!" ang excited kong sagot sa kanya. "Kilala mo ba si Mike Rodriguez?" dugtong ko. "Hindi e..." sagot naman nyang nangingimi pa rin. "Sino ba iyon?" "Ah... Si Mike, ako yun. At si Rodriguez naman... ikaw yun!" sabi kong nakangiti. Napatawa sya at siguro napansin na rin na hindi ako galit, "Sige Mike tulungan na kitang linisin tong kalat ng asukal sa semento." "Hindi... ok lang. Ako na ang maglinis dito." "Hindi... tulungan na kita para makabawi naman ako sa iyo" pag iinsist nya. "Ok, kung mapilit ka talaga" sagot ko. "'Epektib' ang drama ko, hehe" ang tawa ng utak kong nademonyo. So, pinagtulungan naming linisin ang kalat. Pagkatapos ng paglilinis namin, niyaya ko syang mag-meryenda ng paborito kong pagkain – puto-pan, yung sliced bread na ang palaman ay putong malagkit na may kaunting asukal at ang kapares ay hot chocolate. Pumayag naman sya. At take note, ako ang nilibre nya... Nadugasan ko iyong kaunti niyang kita. Mapilit kasi e! Sabi ko nga sa sarili, "Himala! Nakikipag-usap at sumama ang mokong sa akin?" xxx Simula noon, naging magkaibigan na kami ni Jerry, at hindi lang basta kaibigan, best friends pa. Pag hindi kami nagtitinda nyan, namamasyal na kaming dalawa lang, nanonood ng palabas sa video house, nagpi-picnic sa farm namin o naliligo sa ilog na katabi lang. Minsan din dinadala ko sya sa school at pinapakilala sa iba ko pang mga kaibigan at kakalase na tuwang-tuwa namang nakikipagkaibigan sa kanya lalo na ang mga babae na kinikilig. At mejo nagseselos din ako ng konti dahil sa halos hindi na ako pinapansin ng mga kaibigan ko, panay na lang sa sya (hehe). At sa tingin ko, unti-unting nagkakaroon sya ng trust at confidence sa sarili. "Alam mo, Jerry, nung una kitang mapansin dun sa pagtitinda mo ng soybeans, parang ang supla-sulado mo. Gusto sana kitang kaibiganin e, kaso umiiwas ka pag tinitingnan ko. Parang ang sarap mong sipain talaga, hehe?" sabi kong patawa. "Nahihiya kasi ako e, sensya ka na." "Pero..." pag-aalinlangan kong tanong, "Gusto mo rin ba sana akong kaibiganin?" "Sana... kaso di ko alam panu e, mukhang salbahe ka kasi" sabi nyang naka-ngiti. "Di biro lang, alam ko mabait ka. Buti nalang nabundol ko yung asukal nyo. Dahil kung hindi, hindi pa sana tayo magkakakilala". Mukhang na-guilty ako sa sinabi nyang yun kaya naisip kong sabihin na sa kanya ang totoo. "OK... May aaminin ako." Tiningnan ko sya. "...Alam mo bang sinadya ko talagang ibundol ang sarili ko sa iyo at ilaglag yung asukal?" "Ano?" Tanong nyang parang na-surprise. "Bakit mo naman ginawa yun?" "Para takutin ka... Joke! Hindi... para makausap ka at maging kaibigan syempre". "Hahahahaha!" Tumawa sya ng malakas. "Talaga? Dahil... alam mo, may aaminin din ako sa yo." Sabi nyang tiningnan ang reaction ko "Sinadya ko rin namang dumaan sa harap mo e... para mapansin mo sana ako at mag 'Hi!' ka. Pero nung makita kong tumalikod ka at kinuha yung asukal, sinadya ko nalang magpabundol!" "Hah? Langya ka, pinahirapan mo pa ako?" (at sinayang ang isang kilong asukal) Sabi kong mejo na-shock din. "Sa mala-anghel na mukha na yan... may pagka-salbahe pala! Kala ko, ako lang ang salbahe! Sabay kaming nagtawanan. "Yan ang akala mo!" dugtong nya. Maya-maya, tinanong ko na rin. "Alam mo bang ino-obserbahan din kita sa pwesto mo?" "Oo naman." Pasimple nyang sagot. "At pag ganyang napansin kitang tinitingnan ako, sinasabi ko sa sarili 'Ano na naman kaya ang tinitingin-tingin ng loko na to? Siguro naiinggit o naiinsecure sa ka-pogihan ko?', hehehe. At... oo nga pala, bat ka ba tingin ng tingin sa akin?" "Ano ka...? Syempre, nasa harap ka ng tindahan namin kaya di pweding di kita matitingnan, OA naman neto! Pero oo, tinitingnan talaga kita, hehehe" pabiro kong pag-amin. "Pero para kasi akong nanunuod ng sine e. Kapag tumayo ka sasabihin ko sa sarili ko, 'Hala, tumayo na naman, magbibilang na naman yan ng kita nya...' O di ba ganyan ang ginagawa mo pag tumayo ka? May mga tally nga ako sa araw-araw mong ginagawa sa harap ko eh, Kung ilang beses kang tumayo, ang tumayo, ilang beses kang nagbilang, umunat..." biro ko sa kanya. "At ikaw, aber... bakit ka nga pala tingin ng tingin sa akin?" "Sikrettt!" "Ababababa... may crush ka sakin no?" loko ko sa kanya. Tumawa na lang si Jerry, na hindi na pinatulan ang tanong ko sabay sabing, "Swerte ang asukal na yun. Yun ang dahilan ng pagkakaibigan natin e." "Swerte rin ang soybeans. Yan ang simula ng lahat." tawanan ulit kami. (Sa bahay-kubo namin sa tabi ng ilog, pangpang?) Sa pagiging close namin, doon ko na rin nalaman ang iba pa nyang kwento sa buhay; ang matinding kahirapang dinanas nya at ng pamilya at ang galit nya sa sarili at sa mundo. "Ang totoo, Mike, sa yo lang ako nagtiwala e..." sabi nyang ganun. Pero hindi ko na pinansin ang katagang iyon na binitiwan nya. "Pag best friend mo naman talaga yung tao ay ganun ang sinasabi..." sabi ko sa sarili. At yung galit sa mundong sinasabi nyang nararamdaman nya ay na-experience ko din kapag inis na inis ako sa sarili o sa isang bagay. Kaya, "No big deal", sabi ko. Ewan ko din ba kung bakit kapag kasama ko si Jerry, ang sarap ng pakiramdam ko. Parang napapawi lahat ng problema o pressures. At inaamin nya na ganun din ang nararamdaman nya pag magkasama kami. At ang maganda ay pag kami ang magkasama nawawala ang hiya nya, ang hiya namin sa isa't isa. Isang araw naisipan naming dalawang maligo sa ilog sa tabi lang ng farm namin. May kubo dun at nagbaon kami ng pagkain at "tuba", yung coconut wine na popular sa lugar namin. k*****y namin ang isang native na manok sa farm ng tatay ko at nilitson. Napakasaya namin. Parang kami ang nagmamay-ari ng buong mundo at wala kaming pakialam sa oras, sa panahon, at ibang tao. Pagkatapos naming maligo, pumwesto na kami sa loob ng kubo, nag-inuman, at pinapak yung nilitson naming manok, kwentuhan. Lasing na kaming dalawa nung mejo seryoso na ang mga pinag-uusapan namin. "Alam mo, Mike, ikaw ang kauna-unahang kaibigan ko na pinagkakatiwalaan ko, hinahangaan ko. Ambait mo kasi. Nakikinig ka sa akin, dinadamayan mo ako, pag meron ka binibigyan mo ako at ang higit sa lahat, yung mga advice mo sa akin... Alam mo naman siguro na galit ako sa sarili ko, at galit ako sa mundo... pero sa u ko nahanap ang tiwala ulit at ang sarap ng pakiramdam na merong kaibigang nanjan para sa akin, tinutulungan akong bigyang kulay ang buhay ko. Napakaliit kasi ng pagtingin ko sa sarili ko, Mike. Parang patapon lang ang buhay ko, puno ng takot sa kung ano ang mangyayari sa bukas. Feeling ko parang isa akong taong nabubuhay nga ngunit walang dignidad at pag-asa, isang taong humihinga ngunit iniwanan na ng kaluluwa...." sabi nyang nakayuko at tumutulo na ang luha. Mejo na-tulala ako sa sinabi nyang iyon dahil napakalalim ng ibig sabihin; parang galing sa bibig ng isang taong napakalawak na ng karanasan sa buhay. Gusto ko sana syang biruin ng, "Wow, tol, ang lalim naman, shitttt!" Ngunit awa at pagkalito din ang nanaig sa akin at naitanong ko, "Bakit? Dahil ba yan sa kahirapang naranasan mo?" "Hindi yan, Mike e. Sa akin, ok lang kahit hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw wag lang iyong nabababoy ang pagkatao..." "Anong ibig mong sabihin?" tanong kong naguguluhan pa rin. "Ah, basta... kalimutan mo na yong sinabi ko" sagot nya habang pinapahid ang luha. "Nakatikim ka na ba ng m*******a?" tanong nyang paglilihis sa usapan. "Ano ka... bawal yan no? Ni hindi pa nga ako nakakakita kung ano ang hitsura nyan, eh" sabi kong mejo hindi makapaniwala sa tanong nya na yun. "Pwes ngayon, makikita mo na kung anong hitsura neto at syempre, ipapatikim ko rin sa yo ang isang sarap na ngayon mo lang matitikman sa tanang buhay mo." sabay dukot sa bag nya ng isang stick ng sigarilyo na pulupot ang dulo at ipinakita sa akin. "Ano yan? Sigarilyo lang naman yan e, labo mo naman" sabi kong tinitiingnan maigi ang ipinakita nya at pinapansin ang kaibahan nito sa sigarilyo. "Tange! Heto na nga yun e. Gusto mo sindihan natin?" sabay kuha ng posporo. "E..." ang nasambit kong hindi maintindihan ang nararamdaman sa takot at bilis ng pangyayari. Hindi pa man ako nakasagot ay nasindihan nya na ang stick at sininghot ang usok nun at ipinasa sa akin. Nag-aalangan akong tanggapin iyon pero nagpumilit sya dahil sa nasasayang daw yung usok. "Ang usok ang dapat mong langhapin jan at ipasok mo sa baga mo, wag mong sayangin..." pag-tuturo nyang ganun. Dahil wala nga akong experience kahit sa sigarilyo, nauubo ako at inilalabas pa rin ang usok. "Tangna" sabi ko sa sarili, "Kala ko walang kamuwang-muwang ang tao na to. Yun pala... matindi!" Siguro di sya nakuntento sa nakitang bagal ko sa pagsinghot at pag-uubo ko na rin, biglang hinablot nya ang stick sa kamay ko sabay sabing "Ako na nga lang...". Mystified, mesmerized at shocked. Yan ang description ko sa nararamdaman sa pagkakataon na yon. Hindi malaman ang gagawin at sunod-sunuran na lang sa kung ano man ang sabihin at gawin nya. Hindi ako makapaniwalang ang kaibigang napaka mahiyain, napakabait, at napaka-demure at delicate kumbaga ay parang biglang nagpalit ng katauhan at naging ibang-iba kaysa kaibigang nakilala ko. Habang sininghot nya ng sininghot ang usok ng stick, humarap sya sa akin, hinawakan ng isang kamay nya ang panga ko at dinampi ang bibig nya sa bibig ko. Binuksan ko ang bibig ko at hinayaang makapasok ang usok na galing sa kanyang bibig. At kahit nauubo ako ay hindi nya nilubayan ang pagdiin ng bibig nya sa bibig ko. Paulit-ulit nyang ginawa iyon hanggang sa naubos na ang isang stick... At napansin ko na lang na tuluyang hinawakan ng dalawa nyang kamay ang ulo ko upang hindi matanggal ang paglapat ng mga bibig namin. Nilaru-laro ng labi at dila nya ang mga labi at dila ko. Nakapikit pareho ang mga mata namin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamang sarap, ang kiliti na dulot ng paglapat ng aming mga labi at ang gaan ng pakiramdam na parang lumilipad, lumulutang o tumatapak sa ulap... (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD