Marahang tinulak ko ang puting gate at pumasok sa front yard ng mini rest house ng kaibigan ko. Refreshing ang exterior design ng nasabing bahay, may maliit na garden sa gilid at may mga halaman sa paligid. Simple pero attractive.
"Chance?"
Nakabukas ang front door at nag-alinlangan ako kung papasok ba ako o hindi... Napakatahimik pa ng paligid.
"Chance?" tawag ko ulit sa kanya.
Pumasok na nga lang ako. Pagkatuntong ko sa loob, parang mabibingi ako sa katahimikan na sa sobrang tahimik talaga parang mananayo ang balahibo ko sa hindi malamang kadahilanan...
"Chance? Nandito ka ba?"
Awtomatikong napatakip ako ng ilong ko nang amoy alak ang looban ng bahay. Nang tingnan ko ang maliit na lamesa sa gilid ng kama, nakita kong may dalawang bote ng alak na naroon. Ang isa'y wala nang laman at ang isa nama'y mayroon pang kalahati.
Nasaan na ba si Chance? Sabi niya dito lang daw siya kaya nga pinuntahan ko!
Pinagmasdan ko nalang ang paligid ng mini rest house. Puti ang kulay ng paligid, para bang napakamisteryoso ng dating at ng pagkatao ng may-ari.
Napalingon bigla ako sa likod ko nang may naramdamang parang may nakatitig sa akin at may nakasunod sa likuran ko... pero wala naman akong nakitang tao.
Creepy!
Nasaan na kaya si Chance?
"Chance? Nandito ka ba?"
Walang sumagot. Parang wala naman ang kaibigan ko dito at parang walang katao-tao pero hindi ko alam kung ba't parang nakakaramdam ako ng takot at kaba.
Naglakad ako papunta sa mesa at inilapad doon ang dala kong box ng pizza na pagsasaluhan pa naman sana namin ngayon.
"Mukhang wala namang tao. Chance, mukhang pinagloloko mo yata ako. Alis nalang ako ha? Pizza nga pala para sayo. Una na 'ko, Chance- ay kalabaw!" gulat na gulat ako at parang aatakehin sa puso nang bigla nalang siyang lumutang sa harapan ko nang papalabas na sana ako.
"Natasya... Dumating ka, Natasya..." nakangiting aniya.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa ngiti niya, sa presensya niya at sa bigla niyang paglutang sa harapan ko nang sinabi kong aalis nalang ako.
Pansin kong medyo pawisan siya.
"Uhm, Chance... nandiyan ka lang pala!" I tried to sound and act normal.
"Oo, kanina pa nga kita hinihintay eh..." humakbang siya palapit sa akin.
Hindi ko talaga mawari ang takot na nararamdaman ko sa mga sandaling ito!
Umatras ako tapos mabilisan siyang nilagpasan. "Ah oo... Buti nga nandiyan ka na, alis na ko ha."
"Teka!" agaran niya akong hinawakan sa magkabilang braso ko para pigilan. "Akala ko ba pinuntahan mo ako para samahan ako dito..."
"Uhm, kasi naalala ko bigla, Chance, may kailangan pa pala akong tapusing trabaho sa opisina-"
"Mas importante naman ako sa kung anong gagawin mo... kaya dito ka nalang muna. Samahan mo ako dito."
Sinubukan kong tanggalin ang hawak niya sa mga braso ko pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak sa akin.
"Chance, importante 'yon."
Kinakabahan na talaga ako...
"Mas importante ako kaya hindi ka aalis." pinal ang tono niya at may diin roon.
"Chance-"
Binitawan niya ako, akala ko hahayaan na niya akong umalis pero hindi... mali pala ako dahil isinarado lang niya ng maigi ang pinto.
Ba't siya magsasarado ng pinto?!
"Sinabi ko na 'diba? Hindi ka aalis." nakangiti niyang sinabi nang muling humakbang palapit sa akin.
Nanindig ang balahibo ko sa ngiti niya... mababakas ko ang lungkot roon pero alam ko talagang may mali... ang dating ng ngiti niya'y parang may gagawin siyang hindi maganda!
"Chance!" nagkunwari akong kalmado kahit ang totoo'y parang maghuhurumentado na ang puso ko sa sobrang kaba.
Nilagpasan ko siya nang akmang lalapitan niya ako. Dumiretso ako sa pinto at halos manlaki ang mga mata ko sa pinaghalong gulat at takot nang makitang nakakandado ito. Ba't siya mangangandado nang dalawa lang kaming narito sa loob!
"Chance!" hinarap ko siya.
"Sinabi ko na, hindi ka aalis. Dito ka lang, mananatili ka sa tabi ko." baritono niyang pahayag.
I could sense despair on his tone, on his aura and sweat, especially on his desperate smile on his lip.
"Chance, ano bang kalokohan 'to! Buksan mo nga 'tong pinto!"
Lumapit siya sa akin at akmang yayakapin niya ako pero mabilis na tinabig ko siya.
"Chance, hindi ako nagbibiro at nakikipaglokohan sayo ha! Buksan mo na 'to!" nagagalit na natatakot na ako.
Pagak siyang tumawa. "Hindi rin naman ako nagbibiro eh!"
Isang hakbang pa't naduklaw niya ako ng mga braso niya at pilit na niyakap. Nagpumiglas ako.
"Chance, ano ba?!" tinulak ko ulit siya.
Lalo pa siyang napangisi.
Inirapan at tinalikuran ko nga. "You're crazy, Chance! You definitely are!"
"Oo, baliw ako... Nababaliw ako sa pagmamahal ko sayo na binabasura mo nalang palagi!"
Ano?!
"Pero hindi na sa pagkakataong 'to dahil sisiguraduhin kong hindi matatapos ang araw na 'to nang hindi ka napapasa akin, nang hindi kita namamarkahan." aniya tapos wala sa sariling tumawa ulit at hinawakan ako sa braso para pihitin paharap sa kanya at siilin ng halik.
"Chance! Chance, stop it! I said stop it!"
Tinulak ko siya at napahawak siya sa labi niyang katatapos lang akong halikan.
"Tumigil ka na, Chance!"
"Playing hard to get, babe? Gusto mo talaga nang pinipilit ka ha! Kung gano'n, sige!" aniya at muli akong kinulong sa mga bisig niya't siniil ng mabibilis na halik.
"Chance! Ano ba, Chance!" nagpumiglas ako pero hindi na niya ako hinayaang makawala.
Hindi ko alam kung paano pero nakahanap din ako ng tiyempo sa kalagitnaan ng mga halik niya para paliparin ang palad ko sa pisngi niya... isang malutong na malutong na sampal ang natamo niya!
Natigilan siya't napahawak sa pisnging nagawaran ko ng sampal. Parang natauhan naman ako sa ginawa ko at naramdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko... Did I just slap him?
"Chance..." nasambit ko.
Madiin niyang ibinalik ang mga mata niya sa akin. Sa galit niya'y para siyang tigreng manlalapa ng tao!
Napaatras ako sa takot... Hindi ko pa siya ganoon kakilala dahil ilang buwan palang naman kaming naging magkaibigan kaya hindi ko alam kung paano siya magalit.
Sa nakikita ko ngayon sa nakaigting niyang panga at nag-aapoy na mga mata, parang mananakit talaga siya kapag galit na galit siya. At sa kaso ko ngayon, kitang-kita kong nagalit ko siya ng husto!
"Ginagalit mo ako..." nanlilisik ang mga mata niya habang nilalapitan na naman ako. "Gusto mo nga talagang pinahihirapan!" dumagundong ang boses niya kasunod ng madiin niyang paghawak sa magkabilang balikat saka malakas na isandal ako sa pader.
"Ahh!" halos maiyak ako sa sakit ng pagtama ng likod ko doon.
Ang sunod niyang ginawa ay bayolente niyang hinila ang kamay ko at itinapon akong parang papel sa kama!
Iyak na ako nang iyak sa pinaghalong galit at takot sa ginagawa niya.
"Chance, 'wag mong gawin 'to please... Maawa ka sa akin!" I begged him.
"Awa? Bakit? Naawa ka ba sa akin no'ng pinaasa at ginamit mo lang ako para pagselosin ang totoong gusto mo, ha?" mahina niyang sinabi habang nakangisi at nagtatanggal ng butones ng polo niya.
Pinaasa? Ginamit? Gano'n ba talaga ang akala niya?
"Kaibigan mo pa rin naman ako 'diba? Chance, please naman! Don't do this..." I begged him even more.
"Kaibigan?" sarkastiko siyang tumawa tapos dumagundong ulit ang galit niyang boses. "Sawang-sawa na akong marinig mula sa bibig mo na kaibigan mo lang ako, Natasya!"
"Kaibigan kita dahil 'yon lang naman talaga ang tingin ko sayo at hanggang do'n lang tayo!" sagot ko.
"Magkaibigan... pero pagkatapos ng araw na 'to, magiging sobra pa tayo sa magkaibigan lang sisiguraduhin ko 'yan." desperado niyang sinabi at tumawa na namang parang baliw.
"Ang sama mo, Chance!" naisigaw ko sa sobrang galit.
"Oo, masama na kung masama! Ikaw din naman ang nagturo sa akin para maging kasingsama tulad nito kaya naging ganito ako!" sigaw din niya.
"Chance! No! No!" I tried pushing him away but this time, he's stronger and harder. "Chance, tama na! You're completely out of your mind! Itigil mo na 'to!" pinaghahampas ko ang balikat niya.
Tumalsik ako sa kama ko nang magising dahil sa masamang panaginip. Basa din ang mukha ko ng mga luha.
Nananaginip lang pala ako.
"Si Chance..." nasambit ko tapos napailing ako. "Hindi magagawa ni Chance 'yon sa akin, nananaginip lang ako!"
Nananaginip lang ako pero pakiramdam ko dala-dala ko pa rin ang takot at kaba na mayroon ako sa masamang panaginip na 'yon. Nananaginip lang naman ako 'diba? Nananaginip lang ako!
It was just a bad dream but why is it that everything feels so real...
-----
AN: Hello po sa mga mahal kong mambabasa riyan :) Nais ko lamang pong sabihin sa inyo na may free audio drama version po ang story na ito sa You Tube channel ko po kaya baka gusto niyo pong makinig :) Bukod sa narrator ay may voiceovers po bawat characters kaya damang-dama ninyo bawat eksena :)
Lagay ko po ang link sa comment section, napuputol po kasi dito eh.
Please like, share, and subscribe po sa channel ko to support and for more stories po :))