bc

Let Me Go, Mr. Alpha (Tagalog Version)

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
fated
playboy
dominant
badboy
drama
bxg
werewolves
pack
disappearance
love at the first sight
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Si Belle, isang simpleng call center agent na Omega, ay nagkrus ang landas kay Reed, isang bilyonaryong Alpha na kilala sa pagiging Casanova, sa gitna ng isang malakas na bagyo.

Sa isang hindi inaasahang gabi, nauwi sila sa isang mapusok na sandali, ngunit kinabukasan, tumakas si Belle, determinado na huwag maging bahagi ng koleksyon ni Reed. Ang hindi niya alam, si Reed ay naghanap sa kanya mula noon—dahil natagpuan na nito ang perpektong kapareha na matagal na niyang hinahanap.

Muling nagtagpo ang kanilang mga landas, at sa unang sulyap pa lang, agad na nakilala ni Reed si Belle. Sa matinding pananabik, nagtanong ito:

“Ikaw ba ang babaeng nakipagniig sa akin sa kagubatan? Ang nagmarka sa akin?”

Isang kwento ng pag-ibig, pagtatagpo ng kapalaran, at pagtakas mula sa nakaraan.

chap-preview
Free preview
Kabanata 0001
Episode 0001 Malakas ang ulan at kasabay nito ang hangin na tila gustong ihipan ang lahat ng makita. Unti-unting bumabagsak ang mga puno dahil sa hagupit ng bagyo. At sa gitna ng kakahuyan ay may naghahabulan na dalawang tao at napabagsak ang isa sa lupa. “Traidor ka talaga!” sigaw ni Reed habang hawak ang kutsilyong nakatarak sa kanyang tiyan. Inalis niya ito nang may panginginig, at nakita niyang ang mismong taong itinuturing niyang kapatid ang gumawa nito walang iba kundi ang matalik niyang kaibigan na si Luca. “Hindi mo ako masisisi, Reed. Nasa sayo na ang lahat, ang pagmamahal nila, ang kayamanan, ang lupa, at marami pang iba. Ni wala akong nakuha kahit kaunti!” galit na sagot ni Luca habang naglalabas ng sama ng loob. “Ayaw ko din ng lahat ng iyon! Hindi mo ba naiintindihan na nakasulat na ang lahat sa propesiya? Hindi ko yun kagustuhan.” “Wala akong pake sa propesiya na ‘yan! Hindi ako naniniwala dyan!” Biglang hinugot ni Luca ang baril mula sa kanyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ni Reed sa nakita. “Kung mamamatay ka dito, mapupunta na sa akin ang lahat, hindi ba? Kaya magpaalam ka na sa mundong ito, Reed Randall Walker.” Hindi na alam ni Reed ang gagawin. Pumikit siya at ipinaubaya na lang ang kanyang buhay sa tadhana. Unti-unti na siyang nauubusan ng dugo, at kahit hindi siya patayin, alam niyang mamamatay rin siya sa oras na iyon. “Ahhhhhhh!” Napadilat si Reed nang makarinig ng sigaw. Isang babae ang nahulog mula sa itaas at diretsong bumagsak sa kanya. Napasinghap siya dahil sa sakit na naramdaman sa kanyang katawan lalo na't natamaan pa ang sugat nito sa tiyan. "F*ck!" Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita ang babaeng nakahiga sa ibabaw niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang tila kakaibang pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Tila napansin din iyon ng babae. “Teka lang nasaan ba ako?” tanong ng babae habang nakatingin sa paligid at napatingin siya kay Reed. "Eh? I-Ikaw?!" Nagulat si Reed nang marinig ang babae na tila kilala siya. Ngunit bago pa siya makapagtanong, narinig nila ang malakas na putok ng baril. Agad namang napatingin ang babae sa likod niya, at nakita si Luca na papalapit. “Eh! May dala siyang baril! Tumayo ka nga diyan!" "Paano ako makatayo eh nakasakay ka sa tiyan ko!" Mabilis na kumilos ang babae, tumayo mula sa ibabaw ni Reed, at tinulungan siyang makatayo. "Damn! Tara! Tumakbo tayo!" Hawak niya si Reed sa balikat habang tumatakbo sila papalayo sa lugar. Malakas pa rin ang ulan, at dahil sa hamog, hindi makita ni Luca ang direksyon nila. Pagkatapos ng ilang minutong paglakad-takbo nila ay nakakita sila ng kweba na maaaring mapagtaguan. Pinahiga ng babae si Reed doon. Hindi maintindihan ni Reed kung ano ang gagawin ng babae, ngunit ramdam niyang kailangan niyang magtiwala. Napansin niyang pinunit ng babae ang laylayan ng kanyang palda, dahilan upang siya’y magulat. Ginamit ito ng babae bilang benda sa kanyang sugat. “Sino ka ba?” malamig na tanong ni Reed. Hindi siya sinagot ng babae dahil abala ito sa pag-asikaso sa kanya. Napansin ng babae ang kanyang sugat na tila biglang naghilom. Napakunot ang kanyang noo at tumingin sa mukha ni Reed. Nagulat si Reed dahil ang sugat sa kanyang tiyan ay tuluyan nang nawala. Nang tignan niya ang babae, hindi niya maaninag ang mukha nito dahil madilim sa paligid. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang nakaramdam si Reed ng init sa kanyang katawan. Tila nawawalan siya ng kontrol sa sarili habang nakatingin sa babae. Nagulat ang babae nung hawakan siya ni Reed sa pulsuhan nito. “H-Hey, anong ginagawa mo?” tanong ng babae nang makaramdam ito ng kakaiba sa kinikilos ni Reed. Nanlaki ang mga mata ni Reed at napansin na Omega ang babaeng hawak niya dahil sa amoy nito. Sa mundong ito, maraming Omega ang nagtatago dahil madalas silang hinahabol ng mga Alpha, lalo na kapag nasa mainit silang kalagayan. Binawi naman ng babae ang kamay niya at natatakot na nakatingin kay Reed. Tila wala nang makapipigil kay Reed. Lumapit siya sa babae na pilit na umaatras. “Reed, tama na!” sigaw ng babae, ngunit parang wala nang naririnig si Reed dahil sa init na lumalabas sa katawan nito na agad namang naintindihan ng babae kung ano ang gagawin ni Reed. ... (To Be Continued)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
456.4K
bc

The Pack's Doctor

read
110.6K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
181.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
162.8K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
148.2K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
124.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook