EPISODE 3

4392 Words
MARIE JHOY's POV "Kumusta na si Nanay, Marie?" napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Ate Jane kasama si Tatay na may dalang plastik ng pagkain. "Okay naman si Nanay ngayon, Ate. Sabi ng doktor successful daw ang naging operasyon n'ya, at hintayin na lang daw natin s'yang magising. Mabuti na lang pumayag ang doktor na kalahati muna ang ating bayaran sa operasyon n'ya," paliwanag ko kay Ate Jane, nang makalapit sa akin ang mga 'to, na waring nakahinga naman ito ng maluwag. Apat na oras ding isinalang si Nanay sa operating room at salamat sa D'yos dahil naging matagumpay naman ang operasyon nito. Ang problema ko na lang ngayon ay kung saan kukuha ng kalahati pang kakailanganin namin para sa kabuuan ng halagang ginamit sa operasyon ni Nanay, dahil 100 thousand pa lang din ang naiibayad namin. Napa buntonghininga na lang ako 'tsaka tumingin kay Nanay na kasalukuyang wala pa ring malay dahil sa gamot. Napalingon ako kay Ate Jane nang magsalita ito, "Marie, pasensya ka na, ha? Wala man lang akong maitulong sa gastusin para kay Nanay. Alam mo naman ang kinikita ng Kuya Julius mo sapat din lang sa pang araw-araw naming gastusin lalo na at napasok na rin si Tintin sa school," waring nahihiyang paliwanag ni Ate Jane. Tumango ako at bahagyang ngumiti, "Ayos lang, Ate, 'wag mo na alalahanin 'yon, ako ng bahala. Gagawan ko ng paraan, at may awa ang D'yos. Isa pa, may sarili ka na ring pamilya na dapat mong paglaanan o n'yo ni Kuya Julius," pagbibigay pang-unawa kong sambit dito, para hindi na rin ito makaramdam pa ng bigat sa sitwasyon namin ngayon. "Salamat, Marie, ha. Napakamaunawain mo talaga," pagpapasalamat naman nito, ngunit mababakas sa mukha nito ang hiya at lungkot. "Sige na, umuwi ka na muna at magpahinga, ako na muna ang magbabantay kay Nanay, isama mo na rin si Tatay, maya-maya'y darating na rin naman si Michael kaya kami na ang bahala kay Nanay." Pagkatapos ay yumakap ito sa akin at nagmano kay Tatay. "Sige na, Jane, mauna na kami ng kapatid mo, ikaw na muna bahala sa Nanay mo, ha? May trabaho pa rin ako, pero dito na lang ako bukas didiretso pagkagaling ko sa trabaho." sabi ni Tatay at tumango naman si Ate Jane. "Mauna na kami, Ate, baka tanghali na rin ako makabalik bukas dahil may pupuntahan pa kami ni Inang Rita, may trabaho raw kasi akong papasukan, nangangailangan daw kasi sa bahay 'yong kaibigan n'ya," paliwanag ko kay Ate, tumango naman ito 'tsaka ngumiti. Nararamdam ko ang hiya at awa ni Ate Jane sa kalagayan namin ngayon, hiya dahil wala man lang itong maiambag sa mga pangangailangan namin at awa para kay Nanay at sa akin na rin siguro, na sumasalo sa bigat ng responsibilidad na dapat ay ito, dahil ito ang panganay, kaso'y maaga rin nabuntis at hindi na rin natapos ang pag-aaral. Paglabas namin ni Tatay ng hospital ay bigla ko namang naalala 'yong isang itim na sasakyan kanina, na kung bakit gano'n na lang ang aking naging pakiramdam na para bang may nakatingin sa akin na kung sino mang taong nasa loob ng sasakyang 'yon, na naging dahilan nang biglang pagkabog ng aking dibdib kanina. "Haissst.." buntonghininga ko. Dala lang siguro ng pag-iisip ko sa kalagayan ni Nanay kaya gano'n, kaya gano'n na lang ang pakiramdam. Saglit pa'y nakasakay na rin kami sa traysikel at muli kong naalala 'yong sinasabi ni Inang Rita. Sana'y matanggap ako sa papasukan kong 'yon dahil malaki ang pangangailangan namin ngayon para kay Nanay. "Anak, salamat, ha, at pasensya ka na kung ikaw ang nasalo ng resposibilidad ng ating pamilya na dapat ay ako dahil ako ang ama at ako ang haligi ng ating tahanan kaso sa liit ng aking suweldo ay sumasapat lang din para sa atin," nahihiyang sambit ni Tatay, 'tsaka ito bumuntonghininga. "Hindi naman ako makaalis doon para maghanap ng ibang trabaho dahil sa may edad na rin ako at wala na ring tatanggap sa akin kaya nagtitiis na rin lang ako sa maliit na sahod sa trabahong 'yon," pagkatapos ay napaiwas ito ng tingin. Sa isang factory si Tatay ng isang kilalang Can Foods Corp.' nagtatrabaho at minimum din lang ang sahod nito, kaya sa laki ng aming pangangailangan ay talagang sumasapat lang ang kita nito para sa aming pang araw-araw. Lalo't kailangan din namin mapag-aral si Michael, dahil iyon man lang sa pamilya namin ay aming mapatapos sa pag-aaral. "Tay, 'wag n'yo na pong isipin pa ang bagay na 'yan, dapat po talaga tayong magtulungan sa lahat ng pagsubok na dumarating sa atin. Isang pamilya po tayo at may awa ang Panginoon. Manalangin lang po tayo palagi sa kanya at hindi n'ya tayo pababayaan," mahinahon kong sagot ko kay Tatay. Pagkatapos ay ginulo nito ang aking buhok at ngumiti 'tsaka nagpasalamat. "Nand'to na po tayo." agaw ng driver ng traysikel sa atensyon namin ni Tatay. Nang makababa na kami ni Tatay ay iniabot ko na rin ang bayad at agad na rin kaming pumasok na sa loob ng aming bahay. Subalit sakto namang papasok kami'y s'ya namang papalabas si Michael ng bahay. "Ate, 'Tay, alis na po ako, kailangnan ko na pong pumunta sa hospital para may kasama po si Ate Jane sa pagbabantay kay Nanay, sabado naman po bukas at wala akong pasok sa school," sambit ni Michael at bahagya pang nagulat nang kamuntikan na itong tamaan ng pinto. Umalis na rin naman agad ito pagkatapos magpaalam sa amin at magmano kay Tatay. "Mag-iingat ka bunso sa byahe!" sigaw kong paalala rito nang makalabas na ito sa maliit naming gate na yari lang yero. Tumango naman ito, 'tsaka ngumiti at dumiretso na rin sa pag-alis. "Mauna na akong magpahinga sa'yo, anak. Maaga pa rin ang aking trabaho bukas. 'Wag ka na rin magpuyat at magpahinga ka na rin para makabawi ka ng lakas sa maghapong pagod sa pag-aasikaso sa inay mo," mahinahong sambit ni Tatay at mababakas rin sa itsura nito ang pagod. Tumango ako, "Opo, 'Tay, lilinisin ko lang po ang kaunting kalat dito sa kusina pagkatapos ay magpapahinga na rin po ako." Tumango naman ito at tumuloy na rin sa silid nila ni Nanay at hindi naman nagtagal ay umakyat na rin ako sa aking silid, 'tsaka ako nagpalit ng pantulog at nahiga. Alas nuebe na ng gabi nang mapansin ko ang oras na halos hindi ko na rin namamalayan. Ngunit pagkahiga ko pa lang ay bigla namang tumunog ang aking cellphone, napangiti naman ako nang makita kong si Myra ang tumatawag, ang aking bestfriend na anak ni Inang Rita na ngayon'y nasa Dubai. Nagtatrabho si Myra sa Dubai bilang isang nurse sa isang hospital, dahil sa nakapagtapos naman ito sa nursing course nito. Kaya minsan'y hindi ko rin maiwasan hindi makaramdam ng inggit kay Myra dahil sa maayos nitong kalagayan kumpara sa akin, na hirap makahanap ng matinong trabaho dahil walang tinapos na degree. "H-hello, Myra? Napatawag ka? Kumusta ka na d'yan?" pangungumusta ko kay Myra, habang hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti. "Hello, Jhoy!" sigaw nito sa kabilang linya, na bigla ko namang nailayo ang cellphone sa aking tainga dahil sa bigla nitong pagsigaw. "Ano ka ba namang babaeta ka, kulang na lang maglaglagan ang mga inipon kong kayaman sa loob ng maganda kong tainga sa lakas ng sigaw mo," may halong pagtataray kong sambit kay Myra. Humalakhak naman ito, "Ito naman, na-miss lang kita, bes. Kumusta ka na ba? S'ya nga pala may good news ako sa 'yo," mababakas sa boses nito ang kasiglahan. "Eh, ano namang good news na 'yan? Sabihin mo na lang, 'wag mo na akong paghintayin kung good news din lang naman 'yan," tumatawa kong sambit. "Excited lang, bes?" may halong waring pang-aasar naman nito habang tumatawa. Napahalakhak ako, "Ano nga kasi 'yon?" naiinip kong muling sambit habang napapailing. "Bes!" muli nitong sigaw sa kabilang linya. "Pauwi na ako next week. Inaprobahan na ang aking bakasyon kaya makakauwi na ako. Kaya naman isang masiglang 'yeeehey!' dahil makikita na uli kita," Nararamdaman ko ang kaligayahan sa boses nito at alam kong excited na itong makauwi, kahit man ako'y nasasabik na rin na makita ito. "Wow! Talaga!?" 'di makapaniwala kong sambit. "Na-excite naman ako bigla. Dalawang taon na rin kitang nami-miss, ha? Ilang buwan naman ang bakasyon mo rito?" Bumuntonghininga naman ito, "Three months lang, bes, kaya dapat nating sulitin ang pag-uwi ko, ha? Madami akong ikukuwento sa 'yo at gano'n ka rin syempre," "Sige, bes, hintayin ko ang pag-uwi mo. Excited na akong makita ka," masaya kong sambit, ito man ay nararamdaman ko rin ang kasiyahan. "Syempre, ako rin, bes. Sige na, bye na muna. Nasa duty pa ako, eh," sagot nito, 'tsaka nagpaalam. Napailing naman ako, "Ikaw talaga, nasa trabaho ka pa pala, eh, bakit ka tumawag?" "Ikaw naman, syempre na-excite lang sa magandang balita. Oh, sige na, bye na. Kumusta mo na lang ako kina Mang Ruben at 'Nang Liza, ha? Bye!" masiglang sambit nito, pagkatapos ay nawala na rin sa kabilang linya kaya't hindi ko na nagawa pang sumagot. Hindi ko na naikuwento rito ang kalagayan ni Nanay ngayon, na halatang wala pa rin itong alam tungkol kay inay. VINCE's POV "Hi Kuya!" masiglang bati sa akin ni Princess nang makapasok ako sa private room ni Dad. Kasama si Manang Fe na s'yang katiwala namin sa bahay at asawa ni Mang Kardo ang amin namang family driver. Maliliit pa kami ng maglingkod ang mag-asawa sa pamilya namin kaya't hindi na rin ibang tao ang turing namin mga rito. "Oh, hi, Princess," Malambing at nakangiti ko namang bati rito 'tsaka ko ito nilapitan upang yakapin at halikan sa noo. "Kumusta po kayo, Manang Fe? Hindi pa po ako makapasyal sa mansyon ngayon, eh, dahil may mga bagay pa rin akong inaasikaso sa kumpanya, pero syempre na-miss ko po kayo. At mukhang lalo po kayong gumaganda at bumabata, ah." Nakangiti kong sambit, 'tsaka ko 'to nilapitan at niyakap. Tumawa naman ito, "Ikaw talagang bata ka, ayan ka na naman sa pambobola mo, ha. Pero sa totoo lang na-miss din kita hijo. Mabuti naman at bumalik ka na, may makakatulong na ang iyong ama sa kumpanya n'yo rito," nakangiting sagot ni Manang Fe, at kita ko pa sa mukha nito ang kalagalakan. Napatawa ako, "Manang Fe, hindi po kita binobola, totoo po ang sinasabi ko. Kailan po ba kita binola?" napapakamot sa ulo kong sambit rito. "Opo, Manang Fe, naisip ko na rin pong dito na uli manatili," "Mabuti kung gano'n, hijo, at t'yak na unang matutuwa ay ang iyong ina, si Sheila," nakangiting sagot ni Manang Fe. "Kuya, susunod na lang daw si Mom pagkatapos n'yang i-meet ang kanyang friend. Si Kuya Victor naman ay pumasok na sa kumpanya," sambit naman ni Princess habang nakatuon ang paningin sa cellphone nito. "Gano'n ba!?" tugon ko. "So, paano po, Manang Fe, mauna na po ako at may mga dapat pa rin akong asikasohin sa kumpanya. Kayo na po muna bahala kay Dad at Princess. I'll be back later." Paalam ko, 'tsaka ako humalik sa noo ng aking Kapatid at muling yumakap kay Manang Fe, pagkatapos ay dumiretso na rin ako palabas ng silid. NALIGO na ako agad nang makarating ako sa aking condo dahil ngayong araw na rin ang balik ko sa kumpanya. Hindi ko hahayaang patuloy n'yong gagohin ang aking ama na s'yang nagpapalamon sa inyo at sa pamilya n'yo. SA MANSYON MOMMY SHIELA's POV "Maam Shiela, narito na po si Inang Rita. Nasa sala na po sila," sambit ni Aileen mula sa labas ng aking salid, isa ito sa mga tapat namin ditong kasambahay sa mansyon. Lumakad ako papalapit sa pintuan, "Sige, Aileen. Salamat, hija, ihatid mo sila sa opisina at susunod na ako, maghanda ka rin ng merienda at dalhin mo ro'n." sagot ko kay Aileen, nang pagbuksan ko ito ng pinto. Tumango naman ito at bumaba na uli para asikasohin ang mga bisita, sandali pa'y sumunod na rin ako sa opisina. Nabungaran ko ang dalawang babae sa loob ng opisina, ang aking kaibigan at ang isang magandang dalaga na marahil ay ito na rin ang binanggit sa akin ni Rita. "Hi, Rita. Kumusta ka na?" bati ko kay Rita. "Hindi ka na pumapasyal dito kung hindi pa ako may hiniling sa 'yo. Nakakapagtampo ka na, ha," pagbibiro ko kay Rita at sinabayan ko pa mahinang pagtawa nang makapasok na ako sa loob ng opisina. "Aysus! Ikaw naman nagtatampo agad. Busy lang ako sa maliit naming negosyo, ikaw talaga. Kumusta na nga pala si Vicente?" sagot ni Rita habang nakangiti. "He's fine now. Ilang araw na lang sabi ni Dr. Zamonte ay puwede na rin s'yang umuwi. May ilang test result pa rin kasi na hinihintay habang inoobserbahan s'ya," sagot ko at napalingon naman ako sa babaeng kasama nito. "Siya ba ang sinasabi mo sa akin Rita na gustong pumasok dito?" tanong ko habang nakatingin sa maamong mukha ng dalaga. Tumango naman si Rita at bumaling rin ang tingin sa katabi nitong dalaga, "Oo, Shiela, siya si Marie Jhoy matalik na kaibigan ng inaanak mo," sagot ni Rita, 'tsaka ngumiti. "Magandang araw po, Maam Shiela. Ako po si Marie Jhoy pero Marie na lang po o Jhoy kung saan po kayo kumportableng pangalan na itawag sa akin," magiliw naman nitong bati na s'ya namang ikinatawa ko. "Gano'n ba? Mabuti naman at mukhang mabait na bata rin ito kagaya ng aking inaanak," sambit ko 'tsaka bumaling ng tingin kay Jhoy. "Magandang araw rin sa 'yo, Jhoy," nakangiti kong bati. "Oo naman, Shiela. Wala kang masasabi rito sa batang 'to, mabait at masipag din 'tong si Marie at alam ko naman nasa mabuti s'yang kalagayan pag nagtrabaho na s'ya rito dahil alam kong mabuting tao ang pamilya mo," sagot ni rita 't'saka ngumiti. "Salamat, Rita, 'wag kang mag-alala, ako na bahala kay Jhoy habang nand'to s'ya sa amin," tugon ko kay Rita, at muling bumaling uli kay Jhoy. "Kaya lang, Jhoy, hija, kailangan mong mag stay-in dito. Ayos lang ba? Lalo na ngayong nakauwi na ang aking panganay kaya mas kailangan ko na may makakatuwang sa araw-araw sina Aileen at Manang Fe at kung sa suweldo mo naman ay fifteen thousand ang isang buwan mong suweldo." paliwanag ko, kita ko naman ang panlalaki ng mga mata ni Jhoy sa halagang aking nabanggit, kaya't napangiti ako. Tumango ito, "Okay lang po sa akin, Maam Shiela, kailangan ko po talaga 'tong trabahong 'to ngayon," sagot ni Jhoy na waring nahihiya pero nakikita ko sa mga mata nito ang dedikasyon. Tumango ako at nabaling ang atensyon kay Rita nang muli itong magsalita. "Kaya lang, Shiela, may gusto sanang ipakiusap s'yo si Marie, ako na rin sana ang magpapaliwanag. Okay lang ba sa 'yo?" sambit naman ni Rita 'tsaka bahagyang lumingon kay Jhoy at ngumiti. "Walang problema sa akin, Rita. Ano bang gustong ipakiusap ni Jhoy? Kung kaya ko naman solusyunan bakit ang hindi," sagot ko 'tsaka tumingin sa dalaga. "Nakakahiya man sa 'yo, Shiela at bago pa lang magsisimula si Marie, kaso'y may problema kasi 'tong batang 'to, dahil malaki ang gastusin sa kanyang ina na kinailangan operahan at nagkaro'n ng kumplikasyon sa puso, kaya maaari bang mapahiram mo muna itong si Marie nang sa gano'n ay mabayaran na rin ang kakulangan sa hospital?" mahabang paliwanag ni Rita 'tsaka tumingin kay Jhoy na s'yang ikinatungo naman ng ulo ng dalaga na waring nahihiya sa kanilang ipinapakiusap. "Gano'n ba? Walang problema, Rita," tugon ko kay Rita. "Jhoy, kung 'yon ang paraan para ako'y makatulong, bakit ang hindi. Magkano ba ang kailangan mo, hija?" tanong ko naman kay Jhoy at ngumiti para maibsan ang hiyang nararamdaman nito. "Nasa one hundred thousand pa, Shiela ang kinakailanganin ni Marie para sa kanyang ina, dahil nasa kalahati rin lang ang aking naipahiram," sagot ni Rita. "At maraming salamat, Shiela. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, napakabuti mo pa ring tao." imbes ay si Rita ang nagsalita, marahil ay sa nakikita nitong waring nahihiyang dalaga, nginitian ko naman ito 'tsaka tumango. "Kung gano'n, 'wag mo ng problemahin ang bagay na 'yan, Jhoy, basta't alam kong mabuti ka ring bata ay handa akong tumulong." 'tsaka ako ngumiti. "Tara na para maipakilala na kita kay Aileen. Wala pa si Manang Fe, eh, nasa hospital pa kasama ng aking bunsong anak." Pagkatapos ay inaya ko na rin ang dalawa at dumiretso sa kusina kung saan nando'n si Aileen, at sumunod naman ang mga ito. "Aileen!" tawag ko sa isang kasambahay namin. Agad namang tumalima si Aileen papalapit sa amin, "Ay, Maam Shiela, may ipag-uutos po ba kayo?" tanong ni Aileen. Ngumiti naman ako, "Ipapakilala ko lang sa 'yo Aileen si Jhoy ang makakasama n'yo ni Manang Fe, rito. At ikaw na Aileen ang bahala sa kanya, ha? Bukas magsisimula na rin si Jhoy," sambit ko kay Aileen, tumango naman ito bilang pagsang-ayon, pagkatapos ay bumaling kay Jhoy at ngumiti. Pagkatapos ay napalingon ako kay Rita nang magsalita ito, "Paano, Sheila, hindi na rin kami magtatagal, ha? At kailangan pa ring pumunta ni Marie sa ospital," sambit ni Rita 'tsaka ito ngumiti. "Ah, gano'n ba? Oh, eh. Sige, mag-ingat kayo, ipapahatid ko na kayo kay Kardo para hindi na kayo mahirapan sa pag-uwi," tugon ko at ngumiti sa dalawa. "Ay teka, Jhoy...sandali, hija." pigil ko rito ng maalala ko ang perang kailangan nito, 'tsaka ko tinawag si Aileen. "Aileen!" sigaw ko sa pangalan ni Aileen. Agad naman itong lumapit na nagmula pa sa kusina, "Ano po 'yon, Maam?" tanong ni Aileen. "Pakikuha mo nga pala ang bag ko, hija, sa opisina." Tumango naman ito 'tsaka mabilis ring tumalima papunta sa opisina upang kunin ang aking bag. Sandali pa'y bumalik na rin ito dala ang aking ipinag-utos 'tsaka nito ini-abot sa akin. Kinuha ko ang aking tseke at pinirmahan sa halagang maaaring makatulong sa pamilya ni Jhoy pagkatapos ay ini-abot ko rito, at hindi na rin nagtagal ay umalis na rin ang mga ito pagkatapos magpasalamat. MARIE JHOY's POV Nagpaalam na rin ako kay Inang Rita pagkatapos ko magpasalamat dito at agad na ring tumungo sa hospital upang asikasuhin ang mga bayarin. Malaking pera ang pinahiram sa akin ni Maam Sheila kaya dapat kong pagtrabahonang mabuti ang halagang 'yon. Mabuti naman at makakabayad na rin ako kay Inang Rita dahil three hundred thousand din ang halaga na pinahiram sa akin ni Maam Shiela. Nang makarating ako sa ospital ay agad ko na ring inasikaso ang dapat kong asikasuhin pagkatapos tumungo na rin ako sa silid ni Nanay kung saan ito ngayon nakalagak upang magpagaling. Halos tatlong oras din ang inilagi namin ni Inang Rita sa mansyon ng mga Montemayor dahil mag-aalas dose na rin ng tanghali nang makita ko ang oras dito sa hospital. "Nand'yan ka na pala Marie, kumusta ang lakad mo sa trabahong papasukan mo?" tanong ni Ate Jane nang makapasok ako sa room ni Nanay. Ngunit imbes na tumugon agad sa sinabi ni Ate Jane ay napalingon pa muna ako sa loob ng kuwartong 'yon dahil mukhang may bagong pasyenteng kapapasok, sa kuwartong ito ay apat ang bed at okupado ang tatlong narito kasama na si Nanay. Wala rin naman kaming pambayad sa private room kaya nagtitiis na lang kami rito at ang mahalaga ay tuluyan na ring gumaling si Nanay. "Okay naman, Ate, magsisimula na rin ako bukas, kaya nga lang baka hindi muna ako makapagbantay kay Nanay kasi stay-in ako ro'n, eh. Kailangan daw kasi ako ni Maam Shiela dahil dumating na raw ang isang anak nito para may katuwang daw sina Aileen at Manang Fe, 'yong mga makakasama kong naninilbihan sa mansyon, pagkukuwento ko kay Ate Jane nang makalapit na ako rito, "Ayos lang ba sa 'yo, Ate, na ikaw na muna ang bahala kay Nanay? Nabayaran ko na rin naman ang kulang pang halaga sa naging operasyon ni Nanay at mababayaran na rin natin si Inang Rita, may maibibili na rin tayong mga gamot ni Nanay dahil malaking halaga ang ipinahiram ni Maam Sheila kaya kailangan ko talagang pagtrabahohan ng mabuti iyon, para naman hindi rin nakakahiya kay Maam Sheila," Napatango-tango naman ito, "Ano ka ba, Marie, ito na nga lang pagbabantay at pag-aalaga ang maiaambag ko kay Nanay, eh, kaya 'di mo dapat ihingi ng pasensya, obligasyon ko rin ito bilang isa ring anak, at salamat sa 'yo dahil lahat ginagawa mo para sa ating pamilya," nahihiyang sagot ni Ate Jane at muling tumingin kay Nanay na ngayon ay mahimbing sa pagtulog. Mababakas pa sa mukha ni Nanay ang pamumutla ng balat dahil marahil ay sa naging operasyon nito, ngunit ilang araw na lang daw naman ay puwede na ring umuwi si Nanay at sa bahay na lang daw magpalakas. "Nasaan nga pala si Michael, Ate? umuwi na ba?" pag-iiba ko ng usapan. Umiling ito, "Hindi pa, Marie, lumabas lang saglit para bumili ng pagkain," sagot ni Ate Jane. "Ganon ba?" tugon ko. "Sige, Ate, maaari ka na rin munang umuwi pagkakain para makapagpahinga. Ako na muna magbabantay kay Nanay, agapan mo na lang pagbalik bukas para maaga rin akong makapunta sa mansyon ng mga Montemayor, bukas na rin kasi ang simula ng aking trabaho sa kanila bilang kasambahay," sambit ko, ngunit napansin ko namang nanlaki ang mga mata nito na waring nagulat sa aking sinabi, na bahagya ko namang ipinagtaka. Marahan ako nitong hinampas sa braso nq waring tuwang-tuwa, "Naku, Marie, do'n ka pala magtatrabaho sa mansyon ng mga Montemayor?" hindi makapaniwala na tanong ni Ate Jane. Tumango naman ako habang nakakunot ang aking mga kilay, "Oo, Ate. Bakit naman parang gulat na gulat ka d'yan," 'tsaka ako bahagyang ngumisi. Napatawa naman ito, "Eh, kasi, Marie, ang guwapo kaya ng mga anak na lalaki ng mag-asawang Montemayor, lalo na 'yong panganay na si Vince. Naku! Naku talaga! Ang suwerte mo naman kapatid, makikita mo sila araw-araw. Ako kasi sa magazine at newspaper ko lang kasi sila madalas makita, eh. Lalo na ang bunsong lalaki na si Victor, 'tsaka huling balita ko kasi sa panganay ng Montemayor ay umalis daw 'yon at sa ibang bansa nanirahan, kasi na brokenhearted daw, at para na rin daw maka-move on kaya lumayo muna. Sobra raw kasi ang ginawa ng ex-girlfriend ni Vince, 'yong panganay na lalaki. At alam mo ba? Simula raw no'n naging mainitin na raw ang ulo at masungit, kumbaga naging arrogante na raw, pero tsismis lang naman. Alam mo naman sa showbiz walang naililihim. Sikat kasing modelo 'yong ex no'n na si Nicolle DeGuzman," mahabang kuwento ni Ate Jane, habang ako naman ay napapaisip sa kung ano'ng itsura ng panganay na lalaking anak ni Maam Shiela, dahil base na rin sa kuwento ni Ate Jane ay halatang guwapo iyon o magandang lalaki. At pagkatapos ay hindi ko naman mapigilang hindi makaramdam ng awa sa panganay na anak ni Maam Shiela, at bakit kailangan pang masaktan dahil sa pagmamahal. Samantala pasimple akong humawak sa aking dibdib dahil sa biglang pagkabog na aking naramdaman sa hindi ko maintindihang dahilan. Hindi ko naman kilala ang anak na panganay ni Maam Shiela, na kahit man lang ang makita sa mga magazine ay hindi ko rin iyon napagtutuunan ng pansin, pero bakit gan'to na lang ang pagkabog ng aking dibdib sa mga nalaman kong kuwento tungkol sa lalaking iyon. "Hoy, Marie!" malakas na sambit ni Ate Jane, 'tsaka ako tinapik sa balikat. "Tulala ka na d'yan." waring nagtataka nitong sambit. "Ayy, kabayo!" nagulat kong sambit. "Ano ka ba, Ate Jane. Bakit ka nanggugulat?" Hasik ko rito at agad napatakip sa aking bibig dahil sa aking pagsigaw, 'tsaka kami sabay napalingon sa aming paligid. Kumunot naman ang mga kilay nito, "Hoy, Marie. Hindi ko na kasalanan kung nagulat ka, ha. Eh, kasi naman imik ako nang imik dito pero parang wala kang naririnig na para bang kung saan na nakarating 'yang isip mo. Iniisip mo rin ba ang maaaring pagkikita n'yo ng panganay na anak ng mga Montemayor?" sagot ni Ate Jane, na ngayon ay may halong panunukso habang nakangisi. Napaiwas naman ako ng tingin, "Ano ka ba, Ate. Hindi ko nga kilala 'yong tao, eh, tapos iisipin ko pa ba ang pagkikita namin? Medyo nakaramdam lang ako ng kaba kasi sabi mo nga nag-iba ang ugali, at lalong naging masungit," pagsisinungaling ko rito upang mapag takpan ang kalituhang aking nararamdaman dahil sa panganay na anak ni Maam Sheila. Hindi naman nakatakas sa aking pansin ang pag-ismid nito, "Hindi ka naman siguro no'n susungitan basta tama lang ang ginagawa mong trabaho. Pero alam mo ba napakabait ng bunsong kapatid no'n na si Leizle Montemayor, mana raw sa ina ang kabaitan," sambit pa ni Ate Jane, tumango na lang ako bilang pagsang-ayon, dahil ako man ay masasabi ko ring mabait talaga si Maam Sheila, hindi lang dahil sa natulungan kami kundi dahil makikita talaga sa itsura nito at nararamdaman ko. "Ate Marie, narito ka na pala," bungad ni Michael nang makita akong nand'to na rin sa silid ni Nanay. "Tara? Kain na muna tayo, mag-aala una na rin ng hapon, medyo natagalan ako sa karinderya d'yan sa labas ng hospital, ang dami ba naman kasi ng mga kumakain." Paliwanag ni Michael, 'tsaka nito inayos ang mga pagkaing binili at inilagay sa mga pinggan. "Ayos lang, bunso," tugon ko kay Michael. "Tara na, Ate, sabay-sabay na tayo para makauwi na rin kayo at makapagpahinga," Sambit ko naman kay Ate Jane, 'tsaka tumayo at lumapit kay Michael upang kumuha ng pagkain. "Paano ka rito, Ate Marie? Sino kasama mo sa pagbabantay kay Nanay?" tanong ni Michael at halata ang pag-aalala sa boses nito. "'Wag ka na mag-aalala sa akin, bunso, mamayang gabi naman darating din si Tatay, at kami na muna ni Tatay ang magbabantay kay Nanay." Sagot ko naman at dinampot ang pagkain 'tsaka nagsimula na ring kumain. LUMIPAS ang maghapon at dumating na nga si Tatay na mukhang pagod na pagod rin galing sa maghapong trabaho. "'Tay, mas mabuti pa po siguro ay umuwi na po muna kayo para makapagpahinga. Alam ko pong pagod din kayo maghapon sa trabaho. Kaya ko na po rito, 'wag na po kayong mag-alala," puno ng pag-aalalang sambit ko kay Tatay. Tumango naman ito, "Sige, anak, at parang 'di ko rin muna kayang magbantay sa Nanay n'yo, medyo masakit rin kasi ang ulo ko sa maghapong trabaho." mababakas sa boses ni Tatay ang matinding pagod at waring hindi maayos na pakiramdam. Tumango ako bilang tugon pagkatapos ay lumapit si Tatay kay Nanay at halikan sa noo 'tsaka nagpaalam. Hindi na rin nagtagal ay umalis na rin naman ito upang umuwi sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD