(PAALALA lang po, ang istoryang ito ay sumasailalim pa rin po sa pagsasaayos ng mga mali. Kaya sana ay maunawaan po ninyo kung hanggang ngayon ay napaka-kalat pa rin po ng aking mga story. Salamat po.)
MARIE JHOY's POV
"Ano'ng... Haiist," buntonghininga ko. "Aga aga naman, nakakabulahaw na agad sa mga kapitbahay."
Nagising ako sa ingay mula sa kapitbahay, at nais ko pa sanang magpahinga dahil pakiramdam ko'y mabigat ang aking katawan.
Inabot ako ng ulan kagabi habang pauwi ng bahay mula sa trabaho, kaya't ngayon ay waring tatrangkasohin ako.
Sandali pa'y tuluyan na rin akong bumangon at nagdesisyong lumabas na ng aking silid, 'tsaka dumiretso sa aming maliit na banyo.
Paglabas ko'y saglit akong napahinto, at ko inilibot ang aking paningin sa loob ng maliit naming bahay na naipundar pa ng aking mga magulang nang magsimulang magsama ang mga 'to at bumuo ng sariling pamilya.
Maliit na espasyo ng sala at may mga upuang yari sa kawayan, may tatlong kuwarto, isa sa aking mga magulang, isa sa aking kapatid na si Michael at isa sa amin ni Ate Jane, pero ngayon'y ako na lamang mag-isa dahil sa maagang nabuntis si Ate Jane at nagdesisyong pumisan na lang sa boyfriend nito.
Wala na lang nagawa ang aming mga magulang dahil sabi nga nila nand'yan na 'yan at nangyari na, magalit man sila'y wala ng mababago kaya hinayaan na lang nila.
May maliit na espasyo rin para sa kusina na sakto lang din sa bilang ng aming pamilya at maliit na banyong malapit sa kusina.
Kailan na kaya darating ang araw na giginhawa ang aming pamumuhay at kailan ko na rin kaya mabibigyan ng magandang buhay ang aking pamilya.
Minsan napapaluha na lang ako pagdumarating kami sa puntong halos gipit na gipit at hindi alam kung kanino lalapit.
"Oh, Ate Marie, gising ka na pala," sambit ni Michael, "Okay ka na ba? S'ya nga pala maaga umalis si Nanay. Sasadyain lang daw n'ya si Inang Rita dahil mayro'n daw gustong magpalabada kay Nanay na isang kakilala ni Aling Rita, si Tatay naman maaga rin umalis patungo sa trabaho."
"Oo, medyo okay na ako, bunso," sagot ko. "Teka? May lakad ka ba at parang bihis na bihis ka, ah?"
"Ah, oo, Ate, nagpapatulong kasi 'yong isa kong kaibigan, sayang din ang ibabayad, eh, dagdag din sa budget natin," sabay kamot nito sa ulo.
"Okay, mag-iingat ka, at 'wag kang gagawa ng mga bagay na ikapapahamak mo, at may tiwala rin naman kami sa 'yo," paalala ko rito.
Tumango ito, "Sige, Ate, tuloy na ako," paalam nito, at dumiretso na rin palabas ng bahay.
Napailing na lang ako at napasunod na ng tingin hanggang sa tuluyan na 'tong makalabas, 'tsaka ako dumiretso sa kusina upang magluto ng almusal, nang matapos ay nagdesisyon uli akong bumalik sa aking silid para magpahinga dahil sa medyo masakit pa rin ang aking ulo at katawan.
VINCE's POV
Naalimpungatan ako nang tumunog ang aking cellphone, dinampot ko 'yon at sinagot na hindi na inalam kung sino ang nasa kabilang linya.
"Hello? Who's this?" inaantok kong tanong mula sa taong nasa kabilang linya.
Subalit nang marinig kong umiiyak si Mom sa kabilang linya ay biglang nawala ang aking antok.
"H-Hello, son, a-ang...ang Dad mo!" malakas na sambit ni Mom habang umiiyak.
"Mom, why are you crying? What exactly is going on? What happened to Dad?" naguguluhan kong tanong, 'tsaka ako bumangon at naupo sa gilid ng kama.
"D-Dinala namin ang D-Dad mo sa h-hospital. Bigla na lang s'yang natumba pagkatapos n'yang makipag-usap kay Mr. Cruz, habang nakahawak sa dibdib," umiiyak na sagot ni Mom at batid ko ang takot nito.
Nararamdam ko ang lubos nitong pag-aalala para sa kalagayan ni Dad.
"Sshhh..." pagpapatahan ko. "Please, Mom, calm down. Don't cry, Dad will be fine soon. I'm going home now." pagpapagaan ko sa loob nito.
Pagkatapos ay tinawagan ko ang aking sekretarya upang asikasohin ang pag-uwi ko.
HABANG sakay ako ng eroplano ay muli ko na namang naalala ang nakaraan, nakaraan na dahilan kung bakit mas pinili kong lumayo para makalimot sa sakit na naranasan ko sa aking ex-girlfriend na si Nicolle, dahil sa pagmamahal na ibinigay ko rito.
Maganda si Nicolle, matangkad, maganda ang pangangatawan, at matalino, ilan sa mga katangiang gusto ko sa para isang babae.
Nicolle is a model na maaari mong iharap sa lipunan na mula rin ito sa mayamang pamilya.
Nakilala ko si Nicolle nang nasa fourth year college ako, ipinakilala 'to sa akin ng aking kaibigan.
Niligawan ko si Nicolle at 'di naman nagtagal ay sinagot rin ako nito hanggang sa nakatapos kami ng college at hinawakan ko ang iba naming mga negosyo.
Habang si Nicolle naman ay patuloy gumagawa ng sariling pangalan sa industriya sa pagmo-model.
Naging maayos naman ang aming relasyon na tumagal din ng tatlong taon.
Noon, para sa akin ito na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay kaya nagdesisyon na rin akong ayain itong magpakasal, subalit umayaw ito at tinanggihan ang alok kong kasal.
Inunawa ko ang desisyon nito dahil hindi pa raw ito handa at maraming pangarap at planong gustong pa ring matupad.
Ngunit sa pag-aakalang 'yon talaga ang dahilan ay pumayag ako at patuloy pa rin itong sinuportahan sa mga plano nito.
Hanggang isang araw nakita ko si Nicolle sa tagpong ni minsan ay hindi ko inisip na magagawa nito sa akin.
Nakita ko itong halos wala ng saplot sa katawan habang nasa ibabaw nito ang isang lalaki sa loob ng condo nito na animo'y nagpapaligsahan sa pag-ungol dahil sa sensasyong nararamdaman ng dalawa.
Oo, alam kong may pagka-liberated ito at hindi rin ako ang lalaking nakauna rito, ngunit tinanggap ko 'yon dahil para sa akin hindi naman 'yon ang batayan sa pagmamahal, pero masakit para sa akin, dahil pakiramdam ko'y tinapakan nito ang aking p*********i.
Lahat ng makakapagpasaya rito ay ibinigay ko dahil mahal ko si Nicolle.
Nagbingi-bingihan ako kahit marami na akong naririnig patungkol sa babaeng iyon, pagdating sa mga maling ginagawa nito habang nasa relasyon pa kami.
Nagbulag-bulagan ako dahil para sa akin si Nicolle lang ang paniniwalaan ko at gaya nga ng pagtitiwala ko rito na hindi nito magagawa sa akin ang gano'ng bagay.
Pero nang mahuli ko 'to sa gano'ng tagpo kasama ang lalaking 'yon, ay halos gusto kong pumatay sa galit dahil sa panggagago ng mga 'to sa 'kin.
Minahal at nagtiwala ako kay Nicolle, ngunit nagawa pa rin ako nitong gagohin.
At dahil sa sobrang galit at sakit na aking naramdaman noon ay mas pinili ko na lang lumayo upang makaiwas sa kahihiyan at makalimot.
Three years na rin mula nang pinili kong lumayo at manatili sa Hong Kong, ako ang namamahala sa ibang mga negosyo namin doon habang pinipilit kong makalimot sa sakit na aking naramdaman at sa babaeng dahilan kung bakit ako nasasaktan.
Siguro'y ito na rin ang tamang panahon para bumalik ako sa Pilipinas, at ngayon nga'y kailangan ako ng aking pamilya dahil sa nangyari kay Dad.
Nagising ako sa aking malalim na pag-iisip nang magsalita ang piloto na ilang minuto na lang ay magla-landing na rin ang eroplano.
TUMUNOG ang aking cellphone, habang nakaupo ako sa waiting area at naghihintay kay Mang Kardo, napangiti ako nang makita kong si Mom ang tumatawag.
"Hello, Mom," sambit ko. "Yes, I'm already at the airport. How's Dad? I will be there in a couple of minutes."
Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako kay Mom at pinutok ko na rin ang tawag. Napa buntonghininga na lang akog napatingin sa paligid.
After Three Years nand'to na ako uli sa bansang minsan na ring nagparamdam sa akin ng sakit.
"Sir Vince! Dito po!" sigaw ni Mang Kardo mula sa entrance ng airport.
Si Mang Kardo ang aming family driver, bata pa lang ako nang magtrabaho ito sa pamilya namin, kaya't parang ama na rin ang turing ko rito.
"Kumusta na po kayo Mang Kardo? Ang pamilya n'yo? Ayos lang ba?" pangungumusta ko kay Mang Kardo.
"Ayos naman, hijo, ayos lang din ang aking pamilya. Masaya akong bumalik ka na. Teka, mananatili ka na ba uli rito sa Pilipinas?" nakangiti nitong tugon.
"Hindi ko pa po alam, Mang Kardo, eh, gusto ko po munang alamin ang kalagayan ni Dad," tugon ko naman, 'tsaka ko rin 'to nginitian pabalik.
"Oh, eh, halika na," pag-aaya nito. "Pagpasensyahan mo na ako, hijo, kung nauna pa ang aking daldal, ha? Natutuwa lang talaga akong makita ka uli."
Napatango na lang akong napapangiti nang makita ko 'tong bahagyang napakamot sa ulo habang napapatawa.
MARIE JHOY's POV
"Anak, gising na," gising sa akin ni Nanay. "Kumain ka na para makainom ka na rin ng gamot,"
Hindi ko na namalayang napahaba na pala ang aking tulog, tanghali na at hindi na rin ako nakapag-almusal, kahit ang pagdating ni Nanay ay hindi ko na rin namalayan.
"Pasensya na po 'Nay. Tanghali na po pala," hingi kong paumanhin. "Kumusta po pala ang lakad n'yo kay Inang Rita? Nabanggit po kanina ni bunso bago umalis, maaga raw po kayong pumunta kay Inang Rita,"
"Oo, 'nak, nagbakasakali akong makuha ko ang labadang binanggit sa akin ni Rita na kakilala n'ya, kaso'y may nakuha na raw pala. Sayang sana dahil malaki raw ang pasahod," waring puno ng panghihinayang na sagot ni Nanay habang naghahanda ng aming pananghalian.
Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng habag para dito at lungkot sa kalagayan ng aming pamumuhay.
Kung nakapagtapos lang sana ako ng pag-aaral baka kahit paano hindi gan'to kahirap ang buhay namin.
"'Nay!" sigaw ko nang pagharap ko'y nakita ko si Nanay na bigla na lamang natumba habang nakahawak sa dibdib at waring hirap na hirap sa kalagayan nito.
"Tulong! Tulong! Ang Nanay ko!" Sigaw ko habang tumatakbo palabas ng bahay upang humingi ng tulong.
"Ate, bakit? Ano'ng nangyayari? Bakit ka sumisigaw at umiiyak?" naguguluhang tanong ni Michael na kasalukuyang kadarating lang.
"S-Si N-Nanay, bunso!" Malakas kong sambit 'tsaka ko 'to hinila papasok sa loob ng bahay.
"Nay!"
"Nanay!"
Halos sabay naming sigaw ni Michael nang makita namin si Nanay na waring wala ng malay habang nakahandusay sa sahig.
Binuhat namin ito at isinakay sa trysikel ng aming kapitbahay na nagmagandang loob nang makita ang kalagayan ni Nanay.
"Mang Lito, dalhin po natin si Nanay sa malapit na ospital." sambit ko sa driver, hindi naman sumagot si Mang lito at tanging pagtango lang ang naging tugon nito.
Habang sakay ng trysikel ay hindi ko napigilang hindi mapaiyak dahil sa takot at pag-aalalang nararamdaman para kay Nanay na halos hindi ko na rin alam kung ano ang dapat gawin.
"Narito na tayo, Marie." napalingon ako kay Mang Lito nang magsalita ito.
Dali-dali naming ipinasok si Nanay sa loob ng ospital at 'di nagtagal ay may sumalubong na rin sa aming mga nurse para dalhin si Nanay sa emergency room.
"A-Ate, si N-Nanay?!" umiiyak na tanong ni Michael. "N-Natatakot ako para kay Nanay,"
Nilapitan ko 'to, 'tsaka ko niyakap at hinagod ang likod upang pakalmahin.
"Sshhh…" pagpapatahan ko rito. "'Wag kang mag-alala, bunso, magiging maayos din si Nanay."
Sandali pa'y nagpaalam muna ako rito habang hindi pa rin lumalabas ang doktor na tumitingin kay Nanay.
"Magpapa-load muna ako, bunso, nang matawagan ko sina Tatay at Ate Jane. Kailangan nilang malaman ang kalagayan ni Nanay ngayon." 'Tsaka ako naglakad palabas ng ospital.
VINCE's POV
"Grabeng traffic 'to. Halos wala na talagang pinagbago rito sa Pilipinas," reklamo ni Mang Kardo.
Ngumiti na lamang ako at hindi na tumugon, 'tsaka muling tumingin sa labas ng sasakyan.
Subalit isang babaeng umiiyak ang umagaw sa aking atensyon habang naglalakad at palinga-linga sa paligid.
Simple lang ang babae, may kaputian ang balat, nakalugay ang mahaba at unat nitong buhok, saktong katangusan ng ilong gano'n na rin ang hugis ng labing hindi makapal at hindi rin naman manipis, may pagkasingkit ang bilugang mata at sa tantiya ko'y nasa 5'6 ang taas nito.
Naka-short jeans lang ito na fit sa balakang at hita na lagpas lang sa ibaba ng tuhod, blouse na sakto lang sa sukat ng katawan para makita ang magandang hubog ng katawan nito.
Maya-maya pa'y tumigil ito sa paglalakad 'tsaka nagpalinganga na waring may hinahanap, pagkatapos ay tuluyan na rin itong pumasok sa isang computer shop na tanging pagsunod na lang ng tingin ang aking nagawa hanggang sa tuluyan na ring umusad ang aming sasakyan.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin kami sa hospital at agad naman akong dumiretso sa loob, dahil sinabi na rin naman sa akin ni Mom ang room number ni Dad.
"Hello, Mom, and how's Dad? What did the doctor have to say about it?" pangungumusta ko para sa kalagayan ni Dad. "Don't worry, everything will be fine." pagpapalakas ng loob ditong sambit ko.
Nakita ko sa itsura ni Mom ang waring pagkagulat at kaligayan nang makita ako, agad itong lumapit sa akin, 'tsaka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"He has not yet awoken, son." waring batang sagot nito.
Napa buntonghininga na lang ako dahil nararamdaman ko ang bigat ng kalooban nito para sa kalagayan ni Dad.
"How's my Princess doing? And what about you, Victor?" pangungumusta ko sa dalawa kong kapatid pagkatapos ay sabay kong niyakap.
Napalingon naman kami sa pinto ng may kumatok, pagkatapos ay bumungad sa amin ang isang doktor at dalawang nurse.
"Mrs. Montemayor, lumabas na po ang result ng mga test ni Mr. Montemayor. Nagkaroon po s'ya ng mild stroke na naging dahilan nang pagsisikip ng kanyang dibdib. Meanwhile, you have nothing to worry about, dahil maayos naman ang ibang result ng test na isinagawa sa kanya. Hintayin na lang po natin ang paggising n'ya." paliwanag ng doctor.
"Thanks God! Okay na ang Dad n'yo." puno ng kasiyaang sambit ni Mom. "Thank you, Doc." at pagpapasalamat nito sa Doktor, 'tsaka ito lumapit kay Dad at hinawakan ang kamay nito pagkatapos ay hinalikan.
Nakikita ko at nararamdam ang pagmamahal nito kay Dad, at gano'n rin naman si Dad para kay Mom.
Masaya sila isa't-isa at kuntento, na hindi kagaya ng babaeng pinag-alayan ko ng aking pagmamahal.
"Yeah, kaya 'wag ka na mag-alala, Mom, okay?" pagpapagaan ko ng loob dito. "I have to go. Princess, and Victor, kayo na muna bahala kay Mom. I'll be back later."
Tumango naman ang dalawa, pagkatapos ay tuluyan na rin akong umalis.
Nagpahatid na muna ako kay Mang Kardo dahil nasa condo ko pa ang aking kotse.
Ilang sandali pa'y nakarating na rin ako sa aking condo, at pagpasok ko pa lang ay 'di ko na naman naiwasang hindi maalala ang mga ala-ala namin dito ni Nicolle.
Nakaramdam na naman ako ng sakit dahil sa maling tao na pinag-ukulan ko ng aking pagmamahal.
Dumiretso na ako sa aking silid para mag-shower, hindi naman ako nagtagal at agad na ring lumabas.
Nagsuot lang ako ng boxer at hindi na nag-abala pang magsuot ng damit pang itaas.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa ibabaw ng aking kama, dahil sa nararamdam ko ngayon ang sobrang pagod kaya agad na rin akong hinila ng antok pero bago pa ako tuluyang makatulog, biglang sumilip sa aking ala-ala ang isang babae na nadaanan namin kanina habang papunta sa hospital.
Parang may nagtutulak sa aking isipan na alamin ang lahat-lahat tungkol sa babaeng 'yon.
At hindi ko maintidihan kung ano'ng eksaktong aking nararamdaman para sa babaeng nakita ko kanina, ngunit alam kong may kakaiba o may mali sa aking sarili.