Episode 4

2267 Words
Chapter 4 Clara Pov Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na ko sa condo namin ni Jam. Dali-dali akong bumaba sa taxi makatpos kong bayaran ang taxi ay patakbo akong pumasok sa loob ng buildng at nagtungo sa elevator. Pinindot ko ang arrow para magbukas iyon at maya pa ay bumukas na ang elevator dali-dali akong pumasok sa loob at pinindot ang close na arrow at ang 10th floor. Buti na lang at wala akong kasabay dahil hindi ako sanay sa ganitong setwatyon. Maiksi ang suot tapos bakat pa ang dib-dib ko na malulusog. Mabuti na lang at malaki sa akin ang tshirt ni Lance na kulay itim na v-neck. Kahit na masasabi ko na may ibubuga naman ang katawan ko dahil sa sexy naman ako, ay hindi ako sanay na sumuot ng mga sexy na damit. Kuntinto na ako na magmukhang manang o losyang. Kahit na sinasabi ng mga kasamahan ko na dapat raw ay ilabas ko ang ganda ko. Pero ayaw ko naman. Siguro ay nasanay lang talaga ako na ganito ang itsura ko. 'Yong makaligo na ako tapos itatali na lang ang buhok ko ay ayos na sa akin at saka maglagay lang ng kaunting pulbo sa mukha ko. Nang makalabas na ako ng elevator ay dali-dali akong nagtungo sa silid namin ni Jam. Kahit masakit pa ang pagakababae ko ay tiniis ko. Pagdating ko sa loob ay pumunta ako sa silid ko at nagbihis ng dress na panglola. Hindi ko na hinubad ang suot ko na boxer. Mabuti naman at wala si Jam dahil pumasok ito sa opisina kaya hindi niya makita ang paika-ika kong lakad. Sana bukas ay mawala na ang hapdi nito at makapasok na ako sa opisina. Sayang ang isang araw na absent ko. pagkatapos ko magbihis ay nagtungo ako sa kusina at tiningnan kung ano ang puwede ko makain roon. Nagbukas ako ng ref at nakita ko naman ang karne. Magluluto pa ako kapag iyon ang kakainin ko. Kaya isinara ko na lang ang ref at binuksan ang cabinet. May nakita naman akong cap noodles kaya kinuha ko iyon at nilagyan ng mainit na tubig. Tinakpan ko muna para maluto. Maya pa ay kinain ko na ang cap noodles, matapos ko kainin iyon ay nag-tootbrush muna ako at bumalik sa silid at natulog ulit. Kailangan ko makabawi ng lakas para bukas ay makapasok na ako sa opisina. Makalipas ang ilang oras ay nagising ako sa ingay ni Jam. ''Hoy, Clara!'' tawag nito sa akin. ''Ano ba? Ang ingay mo!'' sigaw ko. ''Buksan mo nga ang pinto at may bisita ka!'' sabi naman ni Jam. ''Hay, nako! Inaantok ako. Kaya huwag mo nga akong isturbuhin,'' sabi ko pa saka tiningan ko ang oras. Nagulat na lang ako nang makita na alasdyes na pala ng gabi ang haba ng tulog ko. ''Nagluto na ako kaya lumabas ka na riyan at harapin mo ang bisita mo rito!'' sigaw pa ni Jam sa akin. ''Oo na! Sino ba iyan?'' tanong ko pa. ''Basta luamabas ka riyan para malaman mo,'' sabi naman ni Jam. Kaya bumangon na lang ako at ininat ko ang kamay ko. Itinali ko muna ang buhok ko saka lumabas. Naabutan ko naman si Jam sa labas ng silid ko hinintay pala ako. Nakahalukipkip ito ng kamay at masuri ako nitong tiningnan. ''Ang ingay mo!'' kunot noo kong sabi sa kaniya. ''Buti naman at gising ka na. Harapin mo ang bisita mo roon.'' Sabay nguso niya sa sala. Nagtaka naman ako kung sino ang bisita na tinutukoy niya. Kaya nilampasan ko na lang si Jam at nagtungo sa sala. Nakita ko agad kung sino ang tinutukoy ni Jam. Kaya natuwa ako ng makita ko ang matangkad at matipunong lalaki na nakatayo ng makita ako at malawak itong nakangiti. ''Francis!'' sigaw ko at patakbong nagtungo sa kinaroroonan niya. ''Hahaha, Clara,'' Siinalubong niya ako at niyakap ng mahigpit. ''Uhmmm.. Nami-miss kita,'' sabi ko. ''Na miss rin kita. Kamusta ka na? May dala ako sa 'yo.'' Saka bumitaw ito sa pagyakap sa akin. ''Saan ka galing? '' tanong ko. ''May binisita lang ako rito. Kaya naisip ko na dumaan sa 'yo. Buti at hindi ako naligaw at tama itong adress na ibinigay mo sa akin noon.'' Nakangiti ito sa akin. Magsasalita pa sana ako nang biglang may umiksina sa usapan namin ni Francis. ''Mukha yatang hindi mo ako napapansin dahil sa boysita mo?'' tanong ng baretonong boses mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang matalim na titig ni Lance sa akin. Halatang galit ito .''Sir Lance, bakit nandito ka?'' gulat kong tanong sa kaniya. ''Wala ka kasi sa condo. Kaya pinuntahan kita rito. Pero may boysita ka pala. Kaya siguro umuwi ka rit. '' Halatang hindi niya nagustuhan ang pag-uwi ko rito. ''Sino siya, Clara?'' tanong ni Francis sa akin. ''Ako lang naman ang boyfriend niya,'' taas noo namang wika ni Lance kay Francisinis. Tumingin naman sa akin si Francis at tumaas ang dalawang kilay nito na nagpapahiwatig kung totoo ba na boyfriend ko si Lance. Tumango naman ako na nakangiwi. ''Mauna na ako at baka nakakaistorbo ako sa inyo ng boysita mo,' galit na sabi ni Lance at walang ano pa ay lumabas ito ng condo. Gusto ko sana siya ipakilala kay Francis pero umalis kaagad siya. Saka bakit nandito siya? aGlit kaya siya sa akin? Bakit hindi ko siya napansin? ''May boyfriend ka na pala bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?'' tanong naman ni Francis sa akin. ''Sorry, kagabi ko lang kasi sinagot 'yon,'' sabi ko naman kay Francis. ''Nagseselos yata 'yon. Halos kasabay ko iyon kanina pumasok dito. Hindi naman niya sinabi na girlfriend ka niya. Ede sana binalaan ko siya na huwag ka niyang papaiyakin, kung hindi lagot siya sa akin. Mabuti pa habulin mo siya at ipakilala sa akin.'' Utos naman ni Francis sa akin. ''Okay, lang sayo na habulin ko siya?'' tanong ko. ''Hahaha. Oo, naman! Boyfriend mo iyon kaya sige na. Habulin mo na siya baka maabutan mo pa siya sa labas,'' ngiti pang utos nito sa akin. Dali-dali naman ako lumabas ng condo at tiningnan kung maabutan ko si Lance at buti na lang ay naroon pa siya at naglalakad patungo sa elevator. ''Sir Lance!! '' sigaw ko sa kaniya Lumingon naman siya sa akin at tumigil sa paglakad pumunta ako sa harap niya. ''Bakit ka pa lumabas?'' tanong niya. ''Sorry, hindi kasi kita napansin kanina,'' paumanhin ko sa kaniya. ''Nasa banyo kasi ako paglabas mo ng silid, kaya hindi mo ako napansin. At ang sarap ng yakap mo sa boysita mo, ah.'' galit nyang sabi sa akin. ''Huwag ka na magalit,hh. Si Francis 'yon kaibigan ko.'' Paglalambing ko naman sa kaniya. ''I dont care kung kaibgan mo iyon. Pero hindi ka dapat yumayakap sa kaniya. Lalo na at lalaki pa rin 'yon. Saka 'di ba, sinabi ko sa 'yo kanina na magpahinga ka sa silid ko? Pero ano ang ginawa mo? Umuwi ka rito kahit masakit ang katawan mo! Dahil ba pupunta ang lalaking iyon dito?'' galit niiya pa rin na sabi sa akin. ''Sorry na. Gusto ko lang umuwi para makapagpahinga ako ng maayos. Dahil papasok na ako sa opisina bukas. Saka hindi ko naman alam na pupunta rito si Francis. Hali ka sa loob at ipakilala kita sa kaniya.'' Hinawakan ko ang kamay niya at hinila. ''Huwag na. Baka mamaya masugod pa iyon sa hospetal.'' Saka tinanggal niya ang kamay ko. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. ''Bakit isusugod sa ospital? ''Baka kasi masuntok ko iyon at ma-comatos pa.'' Sarkastikong sagot nito sa akin. ''Grabe ka naman! Sige na, ipakilala kita sa kaniya.'' ''Huwag na, pumasok ka na roon at hinihintay ka ng boyseta mo. Aalis na ako at gabi na. Pero siguraduhin mo na hindi 'yan matutulog diyan. Kung hindi, lalamayan siya ng wala sa oras.'' banta pa niya at humalik sa noo ko at tumalikod na. "Sir Lance!" habol ko sa kaniya. "Pumasok ka na sa loob. Uuwi na ako," sabi pa nito at lumiko na siya. Wala akong nagawa kun'di bumalik na lang sa loob ng unit namin ni Jam. Nakaupo naman si Francis habang nag-uusap sila ni Jam. "Oh, nasa'n na ang boyfriend mo?" tanong ni Francis. "Umuwi na," malungkot ko namang wika. "Baka nagselos 'yon," sabi naman ni Jam. "Francis, pasinsya na, ha? Hindi ko naman kasi akalain na pupunta ka rito. Ede, sana nakapaghanda ako." Saka umupo ako sa tabi ni Francis. "Huwag ka mag-alala, sa sunod mo na lang siya ipakilala sa akin kapag kasama ko na ang girlfriend ko." sabi naman ni Francis. Si Francis ay matalik kong kaibigan mula noong high school pa lang kami. Siya 'yong nagtatanggol sa akin noon kapag binu-bully ako ng mga kaklase ko. Subrang mahiyain kasi ako at mahinhin. Parang kapatid na ang turingan namin ni Francis. Saka malayong kamag-anak ko rin siya sa side ni Papa. Lagi ako noon sa bahay nila kapag may mga assignments kami sa school. Nasa baryo sila ng San Agustin sa Pelar San Agustin City. Dalawang oras lang ang biyahe mula sa Isla Delmonte pagungo sa Pelar. Simple lang din ang pamumuhay nila Francis. Pero nakapagtapos siya ng Electrical Engineer at nagtra-trabaho na siya ngayon sa malaking company sa San Agustin. "Okay, lang. Pumunta kasi ako kay Margarit. Kaya naisipan ko dumaan dito at dalhan kita ng labong at mangga. Alam ko kasi paborito mo 'yan,'' Saka inabot nito ang bag na may lamang labong at iba pa. "Salamat, ha? Bukas lulutuin ko 'yan." ngiti kong pasalamat sa kaniya. "Oy, Bruha. Mauna na akong matulog sa inyo. Kumain na kayo roon. Nainit ko na 'yong ulam." Paalam naman ni Jam. tumango naman kami ni Francis. "Aalis na rin ako. Maghahating gabi na. Kaya, kumain ka na at matulog." Paalam naman ni Francis sa akin at tumayo. "Kumain ka muna," sabat naman ni Jam kay Francis. "Salamat, pero kumain na kasi ako kanina," ani Francis. "Saan ka matutulog ngayon?" tanong ko kay Francis. "Sa Hotel, naro'n ang mga gamit ko," sabi naman niya. "Sigurado ka na roon ka sa hotel matutulog?" tanong ko ulit. "Yes, kaya kumain ka na at matulog. Kapag nagkaroon ulit ako ng pagkakataon, puntahan kita rito at para makilala 'yong boyfriend mo. Para makuwelyuhan ko 'yon kapag niloko ka niya.'' Napakamaalaga ni Francis pagdating sa mga taong mahalaga sa kaniya. "Sira, umalis ka na nga. Saka gabi na ingat ka sa daan,'' wika ko pa. "Ikaw rin, ingat ka sa mga lalaki." anito saka yumakap sa akin bago siya lumabas ng condo namin ni Jam. Ihatid ko pa sana siya sa baba pero ayaw niya. Kaya pagkaalis niya ay nagtungo na akong kusina para tingnan ang niluto ni Jam. Pero 'di ko napansin na sumunod pala si Jam sa akin. "Hoy, bruha. Tiyak na lagot ka kay Sir. Nakita niya kaya 'yong yakapan niyo kanina ni Francis na 'yon." sabi pa ni Jam. "Wala namang malisya 'yon. Saka kaibigan ko si Francis. Kaya wala siyang dapat ikagalit o ikaselos." "Kahit na. Sinagot mo na 'yong tao kaya may karapatan na magselos si Sir." sabi pa ni Jam. "Bahala siya, basta malinis ang konsensya ko." Nakasimangot akong sumagt kau Jam. "Pero, tika. Nahalata ko iyang lakad mo, eh.Nabinyagan ka kagabi ano?" panunukso pa niya sa akin. "Anong nabinyagan?" tanong ko. "Nako! Hindi mo alam kung ano ang nabinyagan? 'Yang tsimay mo! Isininuko mo na 'yan kay Sir, ano?" sabay siko nito sa akin. "Ano ka ba? Hindi, noh!" sabay irap sa kaniya. "Hay, nako! Huwag mo na akong lukuhin, Clara. Dahil dahil alam ko kung nawasak na 'yang ano mo..." Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya. Grabe talaga mangilatis ang babaeng ito. Kung alam niya lang kung paano ako napasabak sa gyera kagabi ay baka nasabunutan niya pa ako. "Oh, ano? Tahimik ka riyan. Basta ang maipayo ko lang sa 'yo huwag ibigay lahat ng pagmamahal kay Sir Lance, ha? Kailangan magtira ka para sa sarili mo," payo ni Jam sa akin. Sanay na rin kasi siya makipagrelasyon dati. Kaya marami na siyang experience tungkol sa pag-ibig. Hindi ko naman kasi na experience ang gano'n. Dahil si Lance lang ang una kong binigyan ng katawan ko. Oo, kinikilig ako kapag binibigyan niya ako ng bulaklak. Masaya ako kapag nasa paligid ko siya. Pero hindi ko alam kung pag-ibig iyon. Pero ngayong naisuko ko na sa kaniya ang p********e ko ay siya na lang talaga ang mamahalin ko. Dati ay sinasabi ko na ang magiging asawa ko lang ang pagbibigyan ko ng katawan ko. Kaya ngayon naibigay ko na kay Lance ang katawan ko pati na rin ang puso ko ay ibibigay ko na rin sa kaniya. "Matulog ka na nga, Jam. Kung ano na naman ang pinagsasabi mo,'' wika ko kay Jam. "Iniiba mo lang ang usapan, eh. Sige na at inaantok na ako may pasok pa tayo bukas, papasok ka ba?" "Oo, kailangan ko pumasok bukas sayang ang araw ko." "Sige na, bilisan mo na riyan at matulog ka na pagkatapos mo kumain." ani Jam saka umalis na ito at pumasok sa silid niya. Kumain na lang ako at pagkatapos ay bumalik ako sa silid ko para matulog. Pero hindi naman ako dinalaw ng antok kaya nakahiga lang ako sa kama. Habang nakahiga ako sa kama ay naiisip ko si Lance. Gusto ko sana siya tawagan at sgiuraduhin kung nakauwi na siya. Kaya lang baka nahihiya ako. Kaya kahit hindi pa ako inaantok ay pinilit kong matulog at baka hindi ako magising ng maaga bukas. Hanggang sa bumigat na ang talukap ng aking mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD