Chapter 43 CLARA Mahirap lang kami kaya hindi ko puwede sanayin ang mga anak ko sa mga bagay na gusto nila na hindi naman mahalaga. Mahal ko ang mga anak ko kaya lang natatakot ako na dumating ang araw na malaman ng ama nila ang tungkol sa kanila at baka kunin niya ang mga anak ko. Kaya nilalayo ko ang loob ko sa mga kambal para madali ko na lang matanggap sakaling malaman ni Lance ang totoo. Kaya bihira lang ako umuuwi bukod pa doon ay ayaw ko rin makita ang mga anak ko dahil habang lumalik sila ay nagiging kamukha nila ang ama nila, kaya bumabalik sa akin ang katangahan ko noon. Inihahanda ko ang sarili ko na kapag nalaman ni Lance ang tungkol sa mga anak namin. Alam ko na kaya niya kunin sa akin ang mga kambal. Kaya niya gamitin ang pera niya para mapa sa kaniya ang mga anak ko.