Chapter 32 CLARA Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamaig na tubig sa mga sinabi niya. Napahagulhol ako ng iyak. Galit na galit siya sa akin at halos isumpa niya ako dahil sa inakala niyang pinalaglag ko ang anak niya. Ang sakit ng dibdib ko kaya pumara na ako ng taxi. Habang nasa taxi naman ako ay patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Ang daming nangyari sa akin sa amin ni Lance, nagbago ang buhay ko na dati ay tahimik pero mula nang minahal ko siya ay maraming nagbago sa buhay ko. Hanggang kailan ko siya mamahalin? Sa lahat ng paghihirap at sakit na nararamdaman ko ay narito pa rin siya sa puso ko at hindi ko alam kung paano ko makakalimutan si Lance, gayong pinagbubuntis ko ang anak niya. Nakarating ako ng bahay alas otso na ng gabi. Binayaran ko ang taxi at pumasok sa loob. Naroo