Chatpter 34 LANCE Pinapadede ni Gabriel sa bote ang anak niyang bunso nang maabutan namin siya ni Liam sa tanggapan ng masyon. ''Ang hirap maging single Father, ano?'' wika ko kay Gabriel saka umangat ito ng ulo. ''oh! Narito pala kayo. Shhh.. Huwag kayo maingay pinapatulog ko si Finn, eh.'' ani Gabrel. ''Nasaan si Gabby?'' tanong ni Lam. ''Nasa school hinatid ni Yaya Des kaya ako muna ang nagbabantay sa bunso ko,'' ani Gabriel. Tiningnan ko ang anak ni Gabreil subrang naiinggit ako sa kanila dahil nahahawakan nila ang mga anak nila at nakikita nila. Samantalang ako kinitil ng walang puso na Clarang iyon ang anak namin. Wala siyang konsyensya huwag na huwag ko lang talaga siya makita ulit at baka ano pa ang magawa ko sa kaniya. ''Sandali lang muna, ha. Dalhin ko muna si Finn